STELL's POV
Fast forward
I finally got the promotion na pinapangarap ko. Head na ko ng Team. While si Pau naman, siya ang pumalit sa posisyon ni Boss Mel then sina Justin at Ken head na rin ng multimedia department. Nagbunga rin ang ilang taon namin pagtityaga at pagsisikap.
Medyo naging busy din kasi lumago business nila Mama. Pag walang work, tumutulong ako sa kanila. May mga times pa rin na nagkakasama kami ni Addie kasi pumapasyal sila ni Josh. Kilala na rin si Josh dito sa bahay, umabot na rin ng ilang buwan yung relationship sila. Mabait si Josh, kaya somehow unti-unti ko na rin tinanggap yung realization na wala .. hanggang dun lang talaga ako, isang dakilang BEST FRIEND.
Lahat ng pwede kong iiyak nung gabing naglasing ako sa birthday ni Boss Mel iniyak ko na then sabi ko sa sarili ko LAST NA LANG STELL TAPOS MOVE ON NA. Nag-sorry din ako sa nagawa ko kay Stephanie, hindi naman siya nagalit. Nagtapat nga siya eh... Pero sabi ko di pa ko ready talaga. Ayoku naman maging unfair sa kanya.
Nagkaroon kami ng maraming bonding moments, andun yung pupunta kami ng boys kasama si Addie sa condo ni Josh at maglalaro ng computer games, minsan naman kila Jah. Nakapalagayan na rin namin siya ng loob kase habang tumatagal nakilala namin siya and I can say na marunong siya makisama.
Bumibisita pa rin naman ako kila Addie, hindi na nga lang katulad nung dati na overnight sa kanila,tapos magkatabi sa kwarto, hindi na. Respeto na rin sa relasyon nila.
Isang gabi nagkayayaan na naman kila Josh. May bago daw games siya nadiscover gusto niya laruin daw namin, G naman sila Pau, Ken at Justin. Hindi sumama si Addie kasi kailangan daw niya tulungan si Mama niya papunta kila Tita Lea.
"Tayo lang? San si Addie? Nag-away kayo dre?" - sunod sunod na tanong ni Ken kay Josh habang papasok kami sa loob ng condo niya. "Hinde...gusto nga rin niya sumama e kaso aalis yata sila ni Mama niya, videocall natin later inggitin natin" - patawa tawang sabi niya. Nag-apir sila ni Ken.
Tinulungan ni Justin si Josh na isetup yung mga gagamitin namin sa sala. Since malaki yung flat screen tnry nila na iconnect dun yung game. Kumpleto sa gamit si Josh. Pundar daw niya yun nung nagsi-stream pa siya dati.
"Lapit na birthday ni Addie..." - biglang sabi ni Josh habang tuloy lang kami sa laro. "Lapit na birthday NILA" - sagot naman ni Pau sabay turo sakin. "Oh? You have the same birthday?" - tanong niya. "hinde, June 16 ako siya 17 ... Matanda lang ako ng isang araw sa kanya" - sagot ko naman. Tumango tango lang siya.
"Oh anong balak niyo nyan?" - tanong ni Jah.
"I'm thinking of asking her ... to ... Marry me" - dahang dahan sagot naman ni Josh.
Wait. Tama ba narinig ko?
Napatigil kaming tatlo nila Justin at Paulo sa paglalaro, "MAGPO-PROPOSE KA NA?!!!!!!!!" - sabi namin in unison.
"Yes!!!!!!Yun oh... MVP! Oha! Kita niyo na! Kahit bano kayo maglaro nadala ko kayo! WAHAHAHAA CHIRP CHIRP!!!!" - pagmamayabang naman na sabi ni Ken na wala na naman sa sirkulasyon. "Anyare sa inyo? Di niyo tanggap mas magaling ako sa inyo?" - dugtong pa niya. Napakamot na lang kami ng ulo sa kanya.
"Kasama ka ba namen ha? Ken? Di mo narinig sabi ni Josh? MAGPO-PROPOSE NA DAW SIYA KAY ADDIE!" - naiinis naman sabi ni Justin. "Oh? Talaga? Anu sabi ni Addie?" - tanong naman ni Ken.Nabitawan namin yung mga controller na hawak namin. Gusto ko tumambling kay Ken🤦
"Pinaplano pa nga lang e hmpppp nanggigigil ako sayo!" - sabi ko kay Ken habang pinanggigilan ko siyang kurutin sa pisngi. Tawang tawa si Ken.
Tumigil kami sa paglalaro at nagpunta sa dining area. Naglabas ng root beer si Josh saka Korean food. Nag uusap kami habang kumakain.
"Seryoso ka ba dun sa sinabi mo kanina pre?" - biglang tanong ni Pau. Tumango naman si Josh. "Malapit na rin naman ang 1st Anniversary namin Addie, nililigawan ko pa lang siya sure na sure na ko na siya yung babae na gusto kong pakasalan kaya gusto ko sana bago kami mag-1year we'll take our relationship to the next level" - seryoso niyang paliwanag. Tumango tango lang sila Pau.
Heto na naman eh... heto na naman ako sa pakiramdam na kinakabahan ako na ewan.
"What do you think? Matutulungan niyo ba ko?" - tanong samin ni Josh. Excited naman na umoo sila Jah at nagbigay ng kanya-kanyang idea. Tahimik lang ako, nakikinig. Hindi na tinuloy balak ni Josh na mag-videocall kay Addie at asarin kasi baka ma-spoil na naman ni Ken yung plano.
Hinatid ako nila Justin pauwi. Sa may gate pa lang dinig na dinig ko na excited na tahol ni Gimo, binuksan ng kapatid ko yung gate. Paharurot na tumakbo si Gimo papalapit sakin habang naglalakad ako papasok sa bahay. Kinarga ko siya. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa loob ng makita ko kausap ni Mama sa sala.
"Hi Stell... Long time no see" - nakangiting bati niya papalapit sakin at bigla akong niyakap.
Angelica...?

BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?