8PM na ng makarating kami sa bahay nila Mama at Ate Rose. Pagod na pagod ako. Galing kami kila Tita Lea, nag-birthday yung isa sa mga pinsan nila Mama kaya nagkayayaang mag reunion. Sa may resort malapit kila Tita Lea yung venue.
Niyaya ako ulit kumain nila Mama pero tumanggi na ko kasi medyo masakit binti ko dahil nakipagkulitan ako sa kiddie pool kasama mga chikitings ng mga pinsan ko. Hindi muna ko nagpalit ng damit at binagsak ko ang sarili ko sa kama. Hayyy pagod na pagod talaga ko.
Maya maya pa'y may kumakatok. "yihhhh Mama sabi ng ayaw ko na kumain e sakit ng binti ng kooooooo... Awwwww pakiramdam ko para pa kong nasa pool" - daing ko.
Nag-ring ang phone. Inabot ko, si Josh nagvi-videocall. Pagkasagot ko... "Patingin nga nung parang nasa pool..?" - salubong niyang sabi sakin. Siya pala yung kumakatok. Inend ko kaagad yung call at mabilis kong binuksan yung pinto at mahigpit ko siyang niyakap.
"Whoa... Kala ko ba masakit binti mo" - nakangiti niyang sabi habang nakayakap din sakin. "Sauce ... Pabebe lang yan Josh" - asar naman ni ate rose. Bumelat lang ako sa kanya. Sinara ko room ko then bumaba kami't naupo sa may sala.
Pinapatong niya mga binti ko sa lap niya then he gently massage my feet. "Ano ba kasing ginawa mo dun bat parang pagod na pagod ka?" - tanong niya habang tuloy lang siya sa pagmasahe. "Angku-kyut nung mga anak ng pinsan ko eh nakakatuwa silang tingnan enjoy na enjoy sa pool, ayun nakipagharutan ako. Akalain ko bang ganun sila ka-hyper! Di nila ko tinantanan tas yung isa ayaw niya magpabitaw nagpapakarga" - kwento ko with matching demonstration pa. Tawa siya ng tawa. "Tama yan magpraktis ka para pag nagka-baby na tayo di ka manibago" - sabi naman niya. Feeling ko namula ako sa hiya.
"You're blushing oh... Ang cute mo" - asar pa niya. Lalong uminit pisngi ko, di ko siya mahampas kasi nanlalambot talaga ko. Tinanggal ko na yung mga binti ko sa lap niya then tumabi sa kanya at yumakap.
"Anlambing naman ng Addie ko" - sabi niya as he gently rubbing my hair. "Syempre namiss kita... Sana sumama ka na lang samin" - sabi ko naman. "I'd love to .. kaso back to back yung mga meetings e di ako makaalis" - paliwanag naman niya.
Nagpaalam na matulog sila Mama at Ate Rose. Nasa sala pa rin kami ni Josh nanunuod. Hindi ko na siya pinauwi since di naman ganun kaaga schedule niya para bukas. Pumasok kami sa kabilang kwarto, dun namin tinuloy pinapanuod namin.
Nakahiga ako sa may chest niya.
"Kelan kaya ko makakapasok sa room mo" - bigla niyang tanong. Hindi ako kaagad nakasagot. "Pag natapos ko na pulutin mga kalat sa sahig" - sabi ko naman. Natawa siya. "bat kasi andami nakalaglag damit? Puno ba yung cabinet? Want me to buy you a new one?" - sabi niya. "Ay hindi! Wag .. naku naman.. hm ewan ko. May lalagyan naman pero ... Hayyy basta di ko alam eh. Turn off ka na ba?" - sabi ko. "Asus..." - lambing naman niya sakin then he kissed my forehead.
"Malapit na birthday ng Addie ko ah" - biglang sabi niya. "Anong gusto mo regalo?" - he added. "di ko alam eh ..pero wait" - sabi ko then bigla ko umupo para kunin yung phone ko sa side table. Nung masearch ko na, inabot ko yung phone sa kanya.
"2021 Drive-in Movie Night"
Sumandal siya sa headboard at binasa yung post na pinakita ko. "Bah.. malapit lang to ah, gusto mo dito?" - tanong niya. Naka-indian sit akong nakaharap sa kanya. Parang bata naman akong tumango tango. Ngayon lang magkakaron ang Pinas ng ganito kaya gusto ko isa ko sa mga unang maka-witness and feeling ko perfect na birthday gift yun. "Sige sige wait check natin yung ibang details" - sabi niya habang tuloy siya sa sa pagbasa.
"June 18, 2021. 7PM... Eh kinabukasan after ng birthday mo yung opening niya eh" - sabi niya sabay pakita nung info. Nalungkot ako ng very light. "ayyyy di pa ginawang 17 naman .. pero sige okey lang!" - biglang bawi ko. Natawa siya.
"Sige sige let's book some tickets na. Wait... Wala ka bang pasok nun? Habang maaga try to request for a vacation leave na para sure tayong matutuloy tayo sa June 18" - seryoso niyang sabi. Tumango tango naman ako habang bumalik sa pagkakahiga.
Mostly classic movies yung mga nasa lineup.Andun yung Serendipity, A lot like love, Me before you, A walk to remember at iba pa.
"Yihhhhhh excited na ko!" - masaya kong sabi."Anything for you..." - malambing naman niyang sabi. Hindi ko natapos yung pinapanuod namin nauna akong makatulog sa kanya.
-----------------
JOSH's POV
She fell asleep on my chest. Kissed her forehead then continue watching. Di ako makatulog. I need to talk with the boys about my plan. I'm gonna propose to Addie. Naisip ko yung sinabi ni Paulo .. "What if she says NO?"
Hayyyyyy...
Pinatay ko na yung TV then nakinig na lang ng music while staring at the ceiling...I connected my phone sa speaker malapit sa may cabinet then put my playlist on shuffle.
"There you are
With your perfect way
You got that little shine
In your eyes
To hear one word
Would make my day
But there's no room for me
In your life..."Hindi naman ako nakaka-relate pero bigla ako nalungkot hearing those lyrics.Gumalaw ng bahagya si Addie sa pagkakahiga pero hindi naman niya inalis pagkakahiga niya sa chest ko. I hugged her tighter.The song continued playing... Bawat linya, it's like it's saying something to me,
"And if I could change your mind
How would you hold me?
Would you say forever?
Or just leave me here to drown"Patapos na lyrics. I decided to just turn off the music at kung ano-ano naiisip ko. Dahan-dahan ko inayos pagkakahiga ni Addie, kinumutan ko siya then decided to go downstairs para kumuha ng tubig. Paglabas ng pinto, I couldn't help but to look at her room na ni minsan di niya ko pinapasok. Natawa na lang ako ng bigla ko maalala ko kung gaano kakalat yung room niya.
Pumunta kong kitchen to get some water then naupo muna ko sa may dining area. Inom lang ng tubig while looking at my phone. Tinitingnan isa isa mga pictures and videos namin ni Addie.Di ko mapigilan di mangiti seeing how beautiful her smile is. Matawa tawa rin ako sa mga TikTok dance videos namin. Who would've thought may taong makakahikayat sakin para mag tiktok.
I checked IG. Madalang lang ako mag open kaya amdami notifications.
Vester Ajero posted a video for the first time. Go check it out
Unang una sa notifications. Si Stell... Gising din pa rin pala siya, I checked the video.
"I know the house you grew up in
All of the names of your best friends
I know the way you feel about your dad
I spent the summer on your couch
You fell in love with someone else
You came to me the times that it went badI'm something so familiar
That you don't even notice
The way I wanna love ya
It's time that you should know this, know thisI'll catch a flight, go to the moon
Lay on the floor of your livin' room
And talk about the things that make you cry (cry)
I'll sell my soul, sell my guitar
Sleep in the back of a beat up car
Girl, just tell me what I have to do
I'll do anything for you..."Sabi ng lyrics na kinakanta niya with his eyes closed. I pressed pause, literal din akong napatigil. Why do I feel like she's talking about Addie?
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?