***WHAT A DAY!***

94 4 0
                                    

We arrived at the office halos mag-8:30AM na. Hindi kasi ako agad bumangon, medyo nagmamadali na si Stell kasi marami daw siya kailangan tapusin.

"Oh basta kaya mo yan, pakiramdaman mo muna wag ka basta-basta gagawa ng kung ano .. okay?Sige na una na ko" - sabi niya at patakbo ng lumabas ng elevator.

Sinalubong ako ni Melody at may inabot na coffee. "Good morning madam. Parang di ka ata early bird ngayon, ayan coffee.. ng nerbyusin ka naman ng very light" - paasar niyang sabi. "Talaga eh no.. ganda ng intro mo,pero thank you friend da best ka talaga" - I replied.

Nakagawa na pala ko ng resignation letter. Pero gaya ng sabi ni Stell, pakiramdaman ko muna daw ang paligid at wag basta2 gagawa ng kung ano-ano. As I'm preparing my PC para umpisahan ko na trabaho ko, "Miss Dela Cruz, I need you in my office.... NOW!" - bungad ni Boss Mel. Naku yare! Eto na ata yun.

Kinakabahan man pero sumunod ako sa utos ni Boss Mel. Pumunta ko sa office niya. Dahan-dahan ko binuksan ang pinto. Yari ako sa bading na to.. tsk! "Please sit down" - utos niya habang nakatingin sa mga papel na nasa table.

Uunahan ko na sana at magsasabi na ipapasa ko na resignation letter ko biglang siyang nagsalita, "I need you to finish these reports, I need them tomorrow morning. No buts! I need them TOMORROW" - sabi niya habang iniabot ang pagkadami-daming papeles. Nabigla ako, ang ineexpect ko eh papagalitan niya ko't sisisantihin dahil sa ginawa ko sa bagong President.

"A-Ahhh okay po,so hindi niyo po ako sisisantihin Boss Mel?" - bigla kong tanong sa kanya. Naiirita siyang tumingin sakin "And why would I do that Ms. Dela Cruz? Is there something that I need to know?" - he said. "Ay wala.. wa-wala po Boss, I'll make sure to finish these today para mabigay ko sa inyo tomorrow. Thank you po boss Mel. - sabi ko sabay tayo, aalis na sana ako ng pahabol niyang sinabi "You should eat first, lutang ka na naman at kung ano-ano na sinasabi mo" tumango lang ako at nagpaalam na ko umalis.

Parang bigla ko nabunutan ng tinik sa dibdib. Akala ko sermon galore ang isasalubong sakin ni boss. Pero going back, hm... So ibig sabihin di siya nagsumbong??? Weird.

Nakabalik na ko sa aking cubicle and excited akong sabihin kay Stell na wala akong ginawang kalokohan ng biglang tumunog si messenger, "kumusta ka na dyan? Ano last day mo na ba daw ngayon? Hahaha joke lang! Balitaan mo ko ha? Wag papagutom" - STELL

"Teyteyman!!! Effective yung sinabi mong makiramdam muna ko! Haha parang di man ata nagsumbong yung bagong boss kase nung kinausap ako ni boss Mel e may pinapatapos lang siyang mga reports saka sabi niya di raw niya ko sisisantihin" - excited kong reply sa kanya. Maya-maya umilaw ulit ang phone, "oh see? Sabi sayo e.. ikaw naman kasi ang hilig mo manguna, haha basta galingan mo saka wag ka na mag-ate chona, mga tao dyan di naman tulad ko na kayang sakyan pagka bipolar mo!" Wahahaha peace! See you later" Nag-HAHA react na lang ako sa chat niya, baka kasi makita pa ako ni Boss Mel pagalitan ako sabihin oras ng trabaho nagse-cellphone ako.

Andami ng reports na kailangan ko tapusin. Feeling ko mago-overtime ako nito, pag sinabi ni Boss Mel na tomorrow dapat ngayon pa lang tapus na kundi yare.

Nagchat ako kay Stell sinabi ko na mauna na siya't kailangan ko mag-overtime.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon