Alas onse na ng umaga ako nagising. Medyo pagod2 kasi tas anong oras na kami nakauwi. Pakurap-kurap muna dahil medyo antok pa. I checked my phone.
"Good morning pretty. Di na kita pinagising kay Mama mo para makapag pahinga ka ng maayos. I have to go na, papaayus ko pa tires ng sasakyan. Thank you again for last night" - Josh
Enebe nemen yen.... Hala bat kinikilig ako! tsk!
Bigla ko naman naalala si Stell. Nakauwi na kaya yun?Inopen ko messenger. "Good morning! Dito pa ko kila Jah inumaga kaming nagvivideoke eh.. kagigising ko lang. Mamaya pa ko siguro uuwi samahan ko daw siya mamaya" - chat niya. Nag reply ako "good morning teyteyman.. kakagising ko lang din. San kayo pupunta nila Jah? Off natin ah akala ko ba tutuloy natin ung movie marathon na naudlot kasi natulog ka lang nung andun ako sa inyo?" Bigla siyang nagvideocall...
"Uy nagtatampooooooo....." - pang asar niyang bungad sakin. "Wag mo ko umpisahan Vester ah kakagising ko lang" - sagot ko naman. Nakahiga lang din siya. Katabi si Ken. "Sorry na... Eh nagpapasama kasi si Jah, may aasikasuhin sila ni kuya Yani sinasama ako. Edi pag agad kami natapos diretso ako dyan" - malambing niyang sabi. Bumelat ako sa kanya.
"Kumusta naman manliligaw mo?" - seryoso niyang tanong bigla. Narinig ni Paulo. "Manliligaw???? Aba... Nadaan sa gown at pakulot kulot ah ..." - asar niya sakin. Bigla naman hinablot ni Ken yung phone saka tinutok sa mukha niya "mas gwapo ba sakin yan ha?ha?" - mayabang niyang tanong habang nagpapa-cute. Hinablot naman ni Stell ang phone.
"Phone ko yan eh ..!" - iritang sabi ni Stell na natatawa rin sa pang-aasar nila Ken at Paulo. "Dito siya pinatulog ni Mama" - sagot ko.
"HAAAAAAAAAAAA?!!!!!! DIYAN SIYA NATULOG SA INYO?!!!!!!!!" - sabay sabay nilang sigaw.
"Sinong natulog? Saan? - sabi naman ni Justin na kakadating lang at walang ka-alam2. Hahaha
"Grabe ah... Pati sa pag-react dapat harmonizationismness?! - pabiro kong sabi. Kanya kanya naman sila ng komento sa sinabi ko while si Stell natahimik at seryoso niyang tinanong "bakit? Buti dyan siya pinatulog ni Mama.. huy! Ang ingay niyo!" - sabi niya sabay saway kila Pau na napaka ingay na nagsasalita ng kung ano-ano.
"Na-flat yung isang gulong ng kotse niya. Ano ng oras yun mag aalas dose na halos, wala ng bukas na talyer malapit dito. Kaya sabi ni Mama dumito na lang muna siya. Dun siya sa kabilang kwarto natulog" - maayos na paliwanag ko. "Ahhh yun naman pala sa kabilang kwarto natulog dre ... Kala namin eh...." - side comments nila Ken. Binato siya ng unan ni Stell.
"Ang kalat niyo!" - sigaw ko naman sa kanila. Pag nagsama talaga si Paulo at Ken naku... Kung pikon ka talo ka. "Andyan pa siya?" - tanong naman ni Stell. "Wala na.. kakabasa ko lang ng chat niya maaga daw siya umalis pinaayos yung sasakyan niya" - sagot ko naman. "Di siya pumasok sa kwarto mo ah..." - pabebeng tanong ni Stell. "Luh! Bat ko naman siya papapasukin dito? Wala pang nakaka-beat ng record mo Stellvester, bukod kay Papa, ikaw pa rin ang kaisa-isang lalaki nakakalabas masok dito sa kwarto ko" - sagot ko naman sabay kindat. "Mabuti naman kung ganon" - tumayo ka na dyan at maghilamos. Ligo-ligo din ah?" - asar niya sabay tawa. Bumelat lang ako at nagbabye na.
Bumangon na ko't naligo. Pagbaba ko nakita ko si Mama sa kusina nagluluto. "Good morning Mama" - bati ko sa kanya sabay yakap at beso habang tinitingan ko niluluto niyang adobo. "Mabuti naman at bumaba ka na malapit ng maluto ito" - sagot naman niya. Nagtimpla ako ng kape.
"Maagang nagising yung si Josh, nagulat nga ko paggising ko me nakaluto ng sinangag eh... Magaling din sa kusina nak!" - tuwang tuwang sabi ni Mama. Nakikinig lang ako sa kanya habang himihigop ng kape. "Gigisingin sana kita kanina kaso sabi niya wag na muna raw at ng mkpag-pahinga.. alam mo nak, boto ko sa batang yun.Napaka galang.Parang di laki sa amerika, saka walang ka-ere ere. Hindi mo aakalaing Presidente siya ng kumpanya. Tumango tango ako. I agree. Humble nga yung si Sir Josh.
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanficIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?