***FEELINGS***

104 6 0
                                    

STELL's POV

as far as I remember best friend kita eh, hindi kita boyfriend"

Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko. tsk! Di ako makapag-focus sa trabaho. Tinabig ko yung keyboard. "Ayus ka lang dre?" - tanong ni Ken. Tahimik lang akong tumango.

Until now di pa rin kami nag-uusap ni Addie. She tried approaching me nung nakasakay sa bus pero di ko siya magawang kausapin. Nasasaktan ako. Alam ko naman kung ano ako sa buhay niya eh... Na hanggang best friends lang kami. Pero sana di na niya pinamukha sakin yun. Ansakit lang kasi.

Antagal kong tulala sa harap ng PC. Iniisip kung ano pwede kong gawin. Tinapik ako sa balikat ni Pau, "pare tara lunch na.. ikain mo na lang yan gutom lang yan. - aya niya sakin. Tumango lang ako at nagsabing susunod. I checked my phone. Walang messages coming from Addie. Hayyyyyyy...

Ilang minuto siguro akong nag-isip isip... That's it! Kainis di ako sanay ng ganito kami.. tsk! Puntahan ko siya sa taas.

Tumayo ako naisipang umakyat ng 19th floor. I'll check on her. Ayain ko siya mag-usap. Lumabas ako ng office pa-diretsong elevator, pinindot ang number 19. Hands inside my pocket iniisip ko pano ko siya i-aapproach hanggang umilaw ang no.19 at nagbukas ang pinto. Lumabas ako at nagcheck sa may canteen.

Nagtingin sa paligid to see if andun si Addie. It's lunch time na rin kasi. Wala siya. Sunod na dadaanan ko is CR. Habang papalapit nakakita ako ng mga kakilala "hi Trish, napansin mo ba si Addie sa loob?" - tanong ko. "Ay hindi e wala man ata siya kanina pa kami sa CR e nagcharge kasi ako ng phone. Hihi" sagot naman ni Trish. Nagthank you na lang ako.

Baka nasa loob pa yun. Pasok ako ng floor. Andaming tao... Parang ang busy ng department nila ngayon, di ko pa rin siya makita. Pumasok ako papalapit sa station nila Melody. Wala siya... Huh? Nasan si Addie. Malinis ang table niya. Lumapit ako kay Melody. Di ko pa man siya magawang nabati e "Uy Stell... Buti na lang nakita kita" - sabi niya hila hila ang kamay ko. "Okay lang ba kayo ni Addie? Anong nangyari sa best friend mo na yun?" - sunod sunod niyang tanong. Nagtaka ako.

"Bakit asan ba siya?" - tanong ko naman habang tumitingin-tingin sa paligid, saktong paglingon ko naman naglalakad papalapit samin... Si Mr. Cullen. "Hi Sir!" - bati ni Melody. Diretso lang ako nakatingin sa kanya, walang reaksyon mga mata ko pero anlakas ng kabog ng dibdib ko. Di ko gusto vibes ng lalaking to. "Hello Melody..." - pormal niyang sabi pero sakin siya nakatingin. ilang segundong eye contact din yun.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalagpas siya sa hallway. "huy Stell!!!" - pagulat namang tawag sakin Melody. Oo nga pala,tinatanong ko si Addie. "Sorry.. oo nga pala, anong nangyari at nasan na nga ulit si Addie?" - pabalik kong tanong. Pabulong niyang sabi "Umuwi... Nagpaalam siyang mag-undertime, pagdating pa lang niya kanina napakatamlay na niya. I even followed her sa CR .. ayun humahagulgol!!!! Ano bang nangyari dun? Nag aaalala ko sa kaibigan ko" - concern na sinabi ni Melody. Nanlambot ako. Akala ko ako lang ang nasasaktan. Hindi ko na-realized ganun din pala epekto sa kanya. Pagkasabing yun ni Melody mabilis ako naglakad palabas ng office.. "Stell...! Huy Stell san ka pupunta?" - tawag sakin ni Melody. Hindi ko na siya pinansin.Basta ang alam ko kailangan ko siya puntahan.

Nagpaalam muna ko sa Boss ko if pwede ako mag-undertime. Pinayagan naman ako since wala naman gaanu ginagawa ngayon. Mabilis akong nagligpit ng table. "Anyare dre? Ayus ka lang?" - tanong ni Ken na katabi ko ng table. Tumango lang ako at sinabing uuwi na ko.

Mabilis akong lumabas at nagmadaling tumungo sa elevator. Sa dami rin naman ng pwede ko makasabay eh eto na namang si Mr. Cullen. Ano ba ginagawa niya sa floor namin. tsk! Pagbukas ng pinto e sabay pa kami sumenyas ng "una ka na" pero pinauna ko na siya since siya yung boss. Nasa likuran siya. Sa may bandang harap ako tabi ng mga numbers. Tahimik sa loob. Ang awkward. Nakayuko lang ako pero kita ko sa peripheral view ko e nakatingin siya sakin.

Nakarating kami ng ground floor at mabilis akong lumabas. Pumara ng taxi at nagtungo sa bahay nila Addie. Habang nasa loob ng taxi di ko maiwasang maisip sinabi ni Melody na umiiyak si Addie. Mas lalong gusto kong magmadaling makarating sa kanila.

Nakarating ako sa bahay nila Addie. Mga 2PM ata yun. Mabilis naging biyahe kasi sabi ko kay kuyang driver na pakibilisan. Binigyan ko siya ng extra. After ko magbayad nag doorbell ako kaagad. Agad naman ako pinagbuksan ni Ate Rose. Kasambahay nila Addie. "Hi Ate, si Addie po" - bati ko. "Nasa loob halika pasok ka... Ate Jane andito si Stell" - tawag naman niya kay Mama. Habang papasok ako galing sa may kusina si Mama at sinalubong ako, nagmano ako't nagbeso.

"Oh? Aga mo ata nag-out ngayon Tey?" - nagtatakang tanong ni Mama. "Wala po kasing gaanong ginagawa, Si Addie po Ma?" - tanong ko. Sumenyas siya sa taas. "Nabigla nga ko't alas diyes pa lang e andito na di na ko kinausap dumire-diretso sa kwarto't nagkulong" - paliwanag ni Mama. "Dinamdam ata niya away niyo Stell, alam ko minsan talaga me pagka-pasmado talaga bibig ng batang yan pero alam mo? Nung pagkauwi mo ng gabing un umiyak siya sakin at sinabi niyang di niya sinasadya mga sinabi niya sayo.. ang sabi ko naman e wag kayo magsalubungan ng galit, mag-usap pag di na parehong mainit ang ulo" - Mama said. Tumango ako. Tama naman si Mama. May iniabot na susi si Mama... "Mag-usap kayo..." - sabi ni Mama. Niyakap ko ulit siya umakyat papunta sa kwarto ni Addie. Kumatok muna ko, walang nagsasalita.

Dahan-dahan ko binuksan ang pinto gamit ang susi na bigay ni Mama. Nadatnan ko siyang nakahiga yakap-yakap yung hotdog pillow na binili ko sa kanya nun.. tulog. Sinara ko ang pinto binaba ang bag ko sa may sahig at tinabi ang susi sa may table sa harap ng salamin.

I bended over. Tahimik ko lang pinagmasdan mukha niya habang tulog. I'm trying not to make any noise, baka kasi magising siya. Halata siyang umiyak. Mugtong mugto mga mata niya... Kawawa naman best friend ko. I gently rub her hair and tnry na hawiin ang bangs niyang humaharang sa left eye niya ng bahagya siyang gumalaw. Nilayo ko ng konte ang kamay ko then I noticed na may luhang dahan-dahang tumutulo sa mata niya habang nakapikit.

Nagtanggal ako ng shoes. I gently crawl in bed para tumabi sa kanya then hugged her from behind. Hindi naman siya gumalaw. Nakapikit lang ako...nag iisip, then biglang tumunog yung next track... The Feeling by Justin Bieber ft. Halsey.

Nakapikit lang ako while listening to the music. Mahilig talaga tong si Addie sa RnB.

"Am I in love with you? Am I in love with you?
Or am I in love with the feeling?
I'm trying to find the truth, trying to find the truth
But sometimes the heart is deceiving
Can't get out of my head and I need you to save me
If I am delusional then maybe I'm crazy
In love with you, am I in love with you?
Or am I in love with the feeling?"

Sabi ng chorus. Bumilis kabog ng dibdib ko. Yung parang lahat ng nararamdaman ko sinasabi lahat ng kanta.

"hayyyyyyy Addie...." - nasabi kong pabulong. Nagulat ako ng biglang gumalaw si Addie. Hala nagising ko ata siya. Nakatalikod siya sakin then bigla siya gumalaw nahulog ung hotdog pillow at bumaling siya paharap sakin. Nakatingin lang ako sa kanya.. kumukurap kurap siya na parang akma ng gigising...

"Stell ...? Is that you?" - pabulong niyang tanong. Medyo malat pa boses niya. Ngumiti lang ako then hinawi ko ulit bangs niya kasi natatakpan yung mata niya.

Nung ma-realized niyang ako nga nasa harapan niya bigla niya ko niyakap, her head on my chest.. then she cried. "Sorry na Stell..." - paulit ulit niyang sabi. "Ssh... Tama na.. I'm sorry din, wag ka na umiyak" - sagot ko naman while gently rubbing her hair.

I lifted her face then wiped her tears. "Sorry din kung nag-over react ako. Nag aalala lang naman kasi ako sayo eh.." - sabi ko habang siya tuloy tuloy lang ang iyak na parang bata. "uy tama na ampanget mo na oh" - pabiro kong sabi. Hinampas niya ko ng very light.

"Bati na tayo ah? Wag na tayo mag aaway... Di ko sinasadya mga nasabi ko sayo" - sagot naman niya. Ngumiti lang ako't tumango. Niyakap ko ulit siya."Pinuntahan kita eh nag-undertime ka raw sabi ni Melody" - sabi ko. Di siya kumibo, nakayakap lang siya sakin. Hinigpitan ko rin yakap ko sa kanya...

Hayyyyy Addie ...

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon