***26TH***

82 6 0
                                    

"Happy birthday!!!!!"

Sabay-sabay na sigaw ng mga co-workers namin ni Stell. Since magkasunod ang birthday namin dalawa nagdecide yung team namin at nila Pau na pag-isahin na lang yung celebration.

"Oh kids make a wish muna before you blow the candles" - pang asar naman na sabi nila Melody. Pumikit ako then sinabi ko sa isip ko ang wish ko, pagdilat ko nakapikit pa rin si Stell... Andami yata niyang wish?

Pagdilat niya sabay namin binlow yung mga candles then palakpakan naman sila. Masaya kami nagsalo-salo.Sina Josh at Paulo ang sumagot sa food.

"Happy birthday teyteyman" - sabi ko kay Stell na katabi ko kumakain, nakatayo kami malapit sa may table. "Happy birthday Addie Marie" - reply naman niya.Nagbibiruan kami ng biglang pumasok si Josh. May dalang bouquet of flowers.

"Happy birthday...." - sabi niya sakin sabay abot nung mga bulaklak. Sigawan naman sa kilig mga kasama namin.Binitawan ko yung plate then kinuha yung flowers. "Thank you" - sabi ko naman. He hugged me then kiss sa cheeks. "Happy birthday din sayo Stell... may regalo din ako sayo pare" - sabi naman niya kay Stell sabay fist bump. "Ay grabe naman nag abala ka pa" - biro naman ni Stell. Masaya naging salo-salo sa office.

Maaga kami pinauwi. Pagdating sa bahay kasama nila Mama sa may terrace ang ilan naming kapitbahay. Sabi ko sa kanya wag na ko mag handa kaso sabi niya gusto daw niya magbigay sa mga kapitbahay so hinayaan ko na lang.

"O mga kumare heto nga pala ang napaka gwapong boyfriend ng anak ko .. si Josh, ampogi ano? - pagmamalaking sabi ni Mama sa mga kapitbahay. Natawa naman ako kasi namula si Josh sa hiya. "ay oo nga mare... Swerte mo naman Addie! Happy birthday pala" - sabi naman nung isa. Nagthank you ako.

Nagbihis lang ako saglit kasi niyaya ako ni Josh na magpunta ng condo. Nagpaalam ako kay Mama.

Pagbukas ng ilaw sa loob ng unit ni Josh e laking gulat ko sa party popper at sigaw na "HAPPY BIRTHDAY!!!!!". Nasa loob sila Ken, Justin at Stell na nakasuot ng mga party hats.. ang cute! Haha pero wait....

"Paulo...? Joy..?" - nagtataka kong sabi then I realized.. wow they're officially dating. We'll played Pinuno. Pumasok kami ni Josh and nakita ko may banner sa wall na nakasulat :

"DIPAPHY HARTBY
STELL & ADDIE
26TH"

Pustahan tayo sila Ken at Justin me gawa niyan. Andaming food grabe.Medyo nahihiya na ko kay Josh at andami dami na niya atang nagagastos. "Hepppp! Wait lang may special guest tayo" - sabi naman ni Ken. Pagkakita ko .. si KURO!!!!!!!

"Awwwwww Kuro-chan!!!!" - sabi ko at patakbo kong nilapitan si Ken at kinarga si Kuro, as always tahimik lang siya't parang walang pake sa mundo .. mana sa amo! Haha "Laki na ni Kuro" - sabi ko kay Ken. "Oo nga e papabugbog ko dyan si Saoirse, liit-liit nun e" - pangisi ngisi niyang sabi habang nakatingin kay Jah. Sama naman ng tingin ni Justin. Haha

Ang saya. Bukod sa napakaraming food and drinks, walang humpay na kantahan naman ang ginawa namin. Ang ganda ng tunog since malalaking speakers yung nasa sala ni Josh. Nakapagtiktok din kami. Pati si Joy game na game. Habang nagkakasiyahang kumakanta sila Ken sa may sala niyaya naman ako ni Josh sa kwarto.

Pagpasok namin sa kwarto bigla niya ko niyakap ng mahigpit. I hugged him back. "You happy?" - malambing niyang tanong sakin. Tumango naman ako.

May kinuha siyang malaking box sa may cabinet. "I want you to wear this tomorrow pag nagpunta tayo sa drive-in" - seryoso niyang sabi pagkaabot sakin ng box. Pagbukas ko, halos manlaki ang mga mata ko dahil ito yung dress na nakadisplay sa mall nung isang araw na naglalakad kami .. ang mahal nito!

Mabilis kong sinara at binalik sa kanya. "Why? You don't like it?" - sabi niya. "Josh, this is too much.. andami mo na ginastos sa birthday ko, mula sa office, dito sa condo.. tas pati yan? Grabe ang mahal niyan e" - sabi ko. Inabot niya sakin ulit. "You deserve it" - sagot lang niya. Kinuha niya yung box then binitawan sa may kama then hinawakan niya magkabila kong kamay habang nakaharap sakin.

"Tomorrow... I'll make sure that your first drive-in experience is something you will never forget" - malambing niyang sabi then hugged me.

-----------------------
STELL's POV

Kandong-kandong ko si Kuro habang sila Pau at Joy e sweet na sweet na nagduduet. Di ko naman mapigilang hindi mapatingin sa may bandang kwarto. Bat antagal nila sa loob?

Biglang lumundag si Kuro at tumakbo palayo, "Kuro..! Pssst! Kuro san ka pupunta huy!" - pahabol ko naman sabi sa kanya. Hinabol ko siya hanggang nung sakto ko na siyang makukuha bumukas ung pinto ng kwarto at palabas sina Josh at Addie.

"Oh ... Kuro? Whatchu doin huh?!" - malambing na salubong naman ni Addie habang kinarga si Kuro. Nauna maglakad si Addie pabalik sa may sala, nagsabay kami ni Josh. "okay ka lang ba Stell? Are you enjoying your birthday?" - tanong niya sakin. "Oo naman .. salamat ah pati ako e nakaangkas pa sa pa-birthday mo kay Addie" - sabi ko naman. "It's nothing compared sa lahat ng tulong mo sakin, siguro if you didn't trust me nung ipagpaalam ko sayo si Addie, none of this would happen, kaya I should be the one to say thank you. Thank you kasi hinayaan mo kong maging parte ng buhay ni Addie" - nakangiti niyang sabi.

"Oo naman... Basta ikasasaya ng best friend ko eh susuporta ako" - sagot ko.Matapos ang ilang oras na kantahan e nakaramdam na kami ng pagod at nagpahinga muna. Nakaupo kaming lahat sa carpet, sala pa rin. Si Addie mukhang pagod na rin kasi di na siya kumikibo't nakasandal na lang sa balikat ni Josh.

"I booked everyone a ticket na para dun sa drive-in bukas, I added another one para kay Joy" - sabi ni Josh. Kinantyawan naman namin sa dalawa. Para di marinig ni Addie mga susunod na usapan kunwari nagpasama si Joy sa baba para bumili.

"Ano? Stick to the original plan ba?" - tanong ni Pau. "Oo nakausap ko na mga origanizers dun and pumayag naman na sila sa magiging setup if ever" - sagot ni Josh. "Nagawa saka na-edit ko na rin yung mga pinapagawa mo" - sagot naman ni Jah.

Tuloy na tuloy na talaga...

Tahimik lang ako nakikinig habang hinihimas himas ko ang nakakandong saki't tulog na tulog na si Kuro. "Grabe na-eexcite ako. First time ko makakapanuod ng real life wedding proposal" - medyo napalakas boses ni Ken kaya halos kaming lahat sabay sabay na nag-Ssshhhhhh at tinakpan naman ni Ken ang bibig niya. Nagising si Kuro lumipat sa amo niya.

Bigla naman tumingin sakin si Josh. "Stell.. there's something I need you to do" - bigla niyang sabi sakin. At niyaya niya ko sa may taas.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon