Reminder: First Drive-in with Josh and friends
Nakasulat sa screen ng phone ko habang tumutunog ang alarm. Maaga ulit akong nagising. No, I'm not feeling productive. Sadyang excited lang talaga ko para mamaya.Nakatayo ako sa harap ng cabinet kung san nakasabit yung damit na binigay sa'kin ni Josh, isang Front Tie Puff Sleeve Mock Dress. Napaka-babae ko naman sa damit na to.
Bumaba ako at tiningnan si Mama, nasa sala nanunuod ng TV. "Aba... Hindi yata tayo busy ngayon ah" - pang aasar ko sa kanya. "Maaga ko nagising nak, kasi may lakad kami ni Rose mamaya" - excited niyang sabi. "Ayan ... Lalakwatsa na naman kayo ha tas niyan di na naman kayu uuwi naku Ma" - sabi ko sa kanya.
Umupo ako sa may maliit na sofa. Nagchat ako kay Josh. Di siya nagrereply. Himala. Mas nauuna magising sakin yun eh. Well, baka busy pa siya. Umakyat muna ko sa kwarto para tingnan kung ano pwede i-pair na shoes dun sa dress. Medyo hirap ako makakita sa dami ng kalat. Yung black leather korean boots ko na lang since di naman ganun ka-casual yung dress.
Time check : 4:30PM
Just woke up. Nakatulog pala ko kaninang nahiga ako dito't naghihintay ng reply galing kay Josh. Ang weird. Maghapon walang text, chat, or call. I checked my phone and kita ko masaya silang nagpapalitan ng messages sa GC sila Pau, excited sila sa lakad namin later. I added Joy sa GC since public na rin naman yung sa kanila ni Pau.
"Kausapin mo nga yang si Stell. Di daw siya sasama" - message sakin ni Paulo. Ha? Bakit???
Sinubukan ko siya tawagan thru videocall. Agad naman niya sinagot. Nakahiga din siya katabi si Gimo. "Pustahan tayo.. di ka mapakali no? Excited ka sa drive-in" - pang asar niyang bungad sakin. "O anong hanash mo naman bat di ka raw sasama sabi Pau? Kainis to.." - sita ko sa kanya. Ngumingiti lang siya. "Oh ano nga? Bat di ka sasama?Wag mo ko dinadaan sa pangiti ngiting ganyan Stellvester" - sabi ko ulit. "Mommy mo galit na oh.. ate chona" - sabi niyang parang kinakausap si Gimo't sinusumbong ako. Di ako kumikibo, tahimik lang ako. "oh napano ka?" - tanong niya. "wala.. sigi kung ayaw mo sumama okay lang pahinga ka na lang dyan" - seryoso kong sabi then I ended the call.
Haaaay ....
"Addie ...! Jowa mo andito sa baba" - sigaw ni Ate Rose.Tumayo ako at mabilis na binuksan ang pinto then bumaba papuntang sala. "kakagising mo lang yata?" - salubong niya sakin."Oo e nakatulog ako kaka-antay sayo" - sabi ko sabay irap. Natawa siya. "I'm sorry... May inasikaso lang kasi ako, sorry na" - malambing niyang sabi. After namin mag-merienda nagyaya si Josh sa condo, dinala ko na lang yung mga gamit ko para mamaya.
Nakarating kami sa unit niya.Nilapag ko muna sa sofa yung mga dala-dala ko then naupo. Tumabi siya sakin, sumandal siya sa may balikat ko't hinawakan ang kamay ko. "Napagod ka yata?" - tanong ko. "Medyo lang... Addie?" - sabi niya. "hm?" - sagot ko naman. "I love you..." - he said. Napangiti ako then I kissed his head na nakasandal sakin then bigla na tumahimik ang paligid. We stayed there for about an hour na walang kibuan. Nakaupo lang. Pakiramdaman, hawak hawak pa rin niya kamay ko habang nakasandal siya sa balikat ko.
It's already 6PM. Niyaya na niya ko mag ready kasi 7PM mag-oopen na yung gate for the event. Nauna siya naligo, mabilis lang siya natapos. He looked elegant sa suot niyang polo long sleeves na army green ang kulay paired with khaky pants then his hair na naka-push back.Napatingin siya sakin, nangiti siya kasi napansin niyang titig na titig ako sa porma niya. "bakit? Kalma Addie.. ako lang to" - biro niya sakin. "Parang sa drive-in lang naman tayo ah ..." - banat ko naman. "Siyempre... Ganda ganda ng girlfriend ko eh" - sabi lang niya sakin sabay kindat. Ngumiti na lang ako then I decided to take a quick shower na para makapag bihis na rin. Habang nasa CR narinig ko yung speaker sa may sala tumunog.
Di man ako para sa'yo, puso'y di magbabago
Walang iba, walang iba
Wala ng hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sayo
Sa'yo hanggang sa huli....

BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?