***ROOM 322***

81 6 0
                                    

"Naku Addie kundi lang kita mahal eh..."

Natahimik ako sa sinabing yun ni Sir Josh. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. "Ano palit na tayo?" - ulit niyang tanong habang natatawa pa rin. "Wag na baka sabihin mo pinagti-tripan kita saka parang manipis tela niyang suot mo" - palusot ko naman.

Quarter to 11PM na... Napaka lakas pa rin ng ulan sa labas. We decided to order some food at bigla kami nagutom. Tamang higop lang ng hot choco habang nakaupo kami sa may gilid malapit sa bintana. Tahimik lang din siya na nakatanaw sa bintana habang ako nanunuod ng tiktok sa phone. Isinandal ko ang phone sa may display sa mesa habang nanunuod.

Medyo napapagalaw ako habang tinatry imemorize sa utak ko yung steps nung BIYAHE dance challenge. Yung song ni JRoa. Ang cute kasi nun. Medyo nainitan ako kaya binuksan ko ng bahagya yung butones ng onesie, may long sleeves naman ako panloob. Napatingin siya sakin. Nahiya ako ... Oo nga pala may kasama ko sa room! Haha

Medyo nawala ang lamig sa room so I decided na tanggalin na ng tuluyan ang onesie. "oh bat mo tinanggal? It looks good on you" - sabi niya habang nakangiti nagpipigil ng tawa. Inirapan ko siya. "You know what halika nga dito tumayo ka dyan tara magtiktok tayo" - aya ko sa kanya hinawakan ko kamay niya hinihilang tumayo. Umiiling siya pero in the end wala rin siya nagawa.

Nakatayo na kami sa may harap ng TV. Pinwesto ko dun yung phone. "Sayawin natin to" - sabi ko sabay play nung tiktok video na BIYAHE. Pilit siya nagwo-walkout pero hinihila ko siya pabalik. Umiiling siya't sinasabing di siya mahilig sa tiktok. "ay walang di maga-magaling ... Madali lang steps nito saka wag ka mag aalala di ko ipopost" - asar ko sa kanya.

Tinuro ko sa kanya yung steps. Paulit-ulit. Madali naman niya nakukuha yung steps, feeling ko nga may dancing skills din to e di niya lang alam! Ahaha matapos ang makailang ulit. Finally na-perfect namin yung sayaw. Ang galing niya!

Nakatayo pa rin kami habang pinapanuod yung tiktok video namin. Namumula siya sa hiya ako naman tuwang tuwa. "O kita mo na! Sabi sayo madali lang e ang galing mo kaya... Post ko na to ah" - pang asar kong sabi sa kanya sabay talikod palakad ako papuntang kama ng bigla niya ko hinabol "uy no!Addie..! Wait! No! Baka makita ng ibang bosses" - taranta niyang sabi.

Inasar ko pa siya lalo iniwas iwas ko ang phone habang pilit niyang kinukuha sa kamay ko tawa ko ng tawa bumebelat sa kanya until naisandal niya ko sa may gilid malapit sa bintana. Mahigpit niyang nahawakan dalawang kamay ko't nilagay sa likod ko "gotcha" - nakangiti niyang sabi habang nakatingin sakin. Sobrang lapit na naman ng mukha namin. Kitang kita ko na naman ganda ng mga mata niya. Heto na naman ako sa pakiramdam na sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Napapikit ako kasi feeling ko hahalikan niya ko ng bigla niyang bitawan ang mahigpit niyang pagkakawak sa kamay ko't bigla niya kong niyakap ng mahigpit.

With my head on his chest, ramdam na ramdam ko rin ang bilis ng heartbeat niya, pumikit ako then I moved my hands papunta sa may waist niya at gumanti na rin ako ng yakap. It feels good. "I love you...." - he whispered habang hinigpitan niya ang yakap sakin. Hindi ko magawang bumitaw, part of me is saying na gusto kong bitawan pagkakayap sa kanya pero parang mas nanlalaban yung feeling na ayaw kong kumawala.

Teka lang ... Am I falling for him?

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon