Time check : 10PM
Finally natapos ko din. Stretching ng very light dahil ngawit na ngawit na balikat at likod ko. Habang inaayos ko gamit ko I'm still trying to call Stell pero di talaga niya sinasagot. Hayyy ewan ko sayo Vester. Pero naisip ko rin baka tulog na yun.
Pababa na ko ng building. May mga maintenance pa na nasa lobby at naglilinis, "na-late po ata kayu ng uwi ngayon Mam?" - bati sakin nung isa sa mga maintenance. "Opo eh andami po kailangan tapusin. Kayo po bat andito pa kayo?" - sagot ko naman.
"Pauwi na rin po ako niyan Mam" - sagot niya. "O sige po mauna na ko ha? Ingat po kayo" - I replied. Palabas na ko ng bigla niyang sabihin "Ay Mam.. kanina pa po pala may naghihintay sa inyo sa labas" - sabay turo sa labas ng building.
Nagtataka pero dali-dali kong tiningnan kung sino.
Si Stell. Nakatayo malapit sa hagdan. Mabilis ako lumabas at dali-dali ko siyang niyakap sa likod. "Vester!!!" - gulat ko sa kanya. Humarap siya, both hands are on his pockets. "Alas-diyes na Addie" - seryoso niyang sabi."Alam ko.. e kailangan ko talaga tapusin yun parang di mo naman alam si Boss Mel" - paliwanag ko. Inaya ko na siya maglakad malapit sa bus stop.
"Kundi kita sinundo ikaw mag-isa naglalakad sana ngayon. Hayyyy nako Cassidy Marie" - sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. "Akala ko nagtatampo ka na naman saken .. tinatawagan kita di mo sinasagot" - sabi ko naman. "Nagbihis na ko nun ... Di ko sinabing susunduin kita kase panigurado sasabihin mo wag na" - he replied.
Dumating na ang bus at sumakay kami sa may dulo. Sobrang pagod na pagod ako. Habang nakaupo, I lean my head sa balikat niya... "Pagod yern" - malambing niyang sabi while gently massaging my hand. Tahimik lang ako, magaling mag-massage si Stell. Alam na yung mga pressure points kaya pag minamasahe niya kamay ko nare-relax talaga ko. Napapapikit ako.
"Tey, ano yung meet-cute?" - bigla kong tanong sa kanya. "Meet-cute? Diba yung sa movie na pinanuod natin un? Yung To all the boys ba un? Yung bida dun ung crush mo e" - sagot niya. Tumango lang ako habang nakapikit pa rin. "hm... Meet-cute, sa pagkakaintindi ko yun ung parang first encounter ng dalawang characters na magli-lead sa isang romantic relationship.. based dun sa movie ah, bakit?" - tanong niya.
"Wala lang" - nangingiti kong sabi. "Bakit may naka-meet cute ka today?" - tanong niya. "Hindi kasi kanina diba magka videocall tayo, hala yung bagong boss di pa pala umuwi! Nabigla na lng ako asa likod ko siya" - kwento ko. Napatigil naman pagmasahe ni Stell, halatang interesado sa iku-kwento ko.
"Hala pano un? Nakita niya nag-uusap tayo?" - he asked. "hindi in-end mo na yung call nun, tinanong niya ko bat daw gabi na asa office pa ko sagot ko dami pa dpt tapusin tas nagsorry ulit siya kase natapunan ng kape ung blouse ko tas biga niyang sinabi LOOK, I KNOW NA HINDI NAGING MAGANDA ANG MEET-CUTE NATIN" - sabi ko while trying to imitate Sir Josh's voice.
Natawa kaming pareho ni Stell. "Sinabi niya talaga yun?! Bagets yern?!" - tawang tawa niyang sabi. "IKR! Di talaga mawala sa isip ko eh kaya nga tinanong ko sayo kase baka mali lang ako ng pag-intindi" - sagot ko. "Sana tinanong mo, ano po ba kasi mga pinapanuod niyong chic-flicks ser?" - sabi ni Stell. Lalo akong natawa. "Di ko pa nakikita yun e di pa ko nagagawi sa floor niyo, sino mas mukhang gurang sa kanila ni Mr. Gomez" - tanong niya.
"Well actually hindi siya gurang,sa pagkakaalam ko e siya daw yung youngest President sa history ng company. 27 years old pa lang eh" - I answered. Natahimik si Stell. "Ano itsura?" - he asked.
"hm... Okey lang" - sabi ko naman. Parang nahihiya kong sabihin na cute siya pag naka-smile. "Bata lang pala, akala ko another gurang na naman" - sagot niya. Pababa na kami ng bus at naglalakad na kami malapit sa bahay. Humawak ako sa braso niya, "Thank you sa pagsundo" - sabi ko. "Naku kala mo naman matitiis ko siya. Basta sa susunod wag ka magpapagabi ng ganun ah? Pano kung di busy ako? Tas di kita masundo?" - seryoso niyang sabi. "Oo na ... Ngayon lang naman eh, saka need ko magpa goodshot, remember akala ko muntik na ko masisante?" - sagot ko. Natawa naman siya.
Nakarating na kami sa bahay. "Salamat ulit.. sorry napuyat ka tuloy, see you tomorrow" - malambing kong sabi. He kissed me sa forehead. "Kain ka muna tas matulog ka na rin ha? Kita ulit tayo sa weekends" - sabi niya. "Oo sa inyo naman ako matutulog nun namiss ko na sina Mama at Gimo" - sagot ko. Kitang kita sa mukha niya ang excitement."Talaga?! Sa bahay ka matulog?! Yes!!!! Sigi sasabihin ko may Mama matutuwa yun" - he answered then he kissed me ulit sa forehead.
Nadatnan kami nag uusap ni Mama sa gate, inaya niya pumasok sa loob si Stell kaso sabi ko maaga pa kami bukas."Sige ingat sa daan teyteyman! Salamat sa pagsundo kay Addie" - sabi ni Mama.
After nila mag-hug eh naglakad na paalis si Stell.
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?