***HER PRESENCE***

212 9 1
                                        

STELL's POV :

Halos katatapos ko lang maligo saktong paglabas ko ng banyo nakita ko siya sa kama... Natutulog.

Tinulugan mo na naman ako Addie.

Few minutes later....

Busog na busog. Kasabay ko nag-dinner sina Mama Jane at ate Rose, di ko na inaya si Addie kasi kasarapan ng tulog niya baka magalit pa pag ginising ko. After ko maghugas ng plato at makipag kwentuhan kina Mama eh pumasok uli ako sa kwarto.

Tulog pa rin siya. Galing diba?Lakas maka-sabing "WAG UUWI" tas tutulugan ka lang. Nahiga ako sa tabi niya. Di na bago samin ni Addie yung mga ganito kase bata pa lang kami madalas na kami magtabi matulog dahil nag-oovernight din siya sa amin nun.

Ganda ng mga songs nagpe-play sa phone niya. It's connected sa Bluetooth speaker kaya ang tunog e umiikot sa room. Kasalukuyang nagpe-play yung song na "DOUBLE TAKE" by Dhruv.

"In the midst of the crowds
In the shapes, in the clouds
I don't see nobody but you...
In my rose-tinted dreams
Wrinkled silk on my sheets
I don't see nobody but you"

Hearing those lyrics, di ko mapigilang tumitig sa maamo niyang mukha habang tulog, God she's so beautiful. Kung pwede ko lang sabihin sa kanyang I LOVE HER since day 1, kaso alam ko naman na hanggang best friends lang talaga kami.

"Boy, you got me hooked onto something
Who could say that they saw us coming?
Tell me, do you feel the love?
Spend a summer or a lifetime with me
Let me take you to the place of your dreams
Tell me, do you feel the love"

Lakas maka-hatak Ng lyrics ng kantang to, natetempt akong halikan siya. Habang papalapit ng papalapit mukha ko sa mukha niya... Nawala ko sa momentum nang bigla siyang dumilat.

"Ginagawa mu? Ki-kiss mo ko no?!" - paasar niyang sabi.

Kainis.

"Feelingera... Chinecheck ko lang kung talagang tulog ka saka gusto ko marinig kung naghihilik ka" - palusot ko. "Weh?Hahalikan mo ko eh..." - sabi niya ulit sabay kiliti sa may bewang ko. Gumanti ako, ang ending .. kilitian na nauwi sa umpugan.

"Aww!" - sabay naming sabi habang pareho kami napahawak sa mga noo namin kase nagkaumupugan kami. Bigla naman parang slowmo ang lahat ng bigla kami nagkatitigan, eye to eye.Grabe ang ganda talaga ng best friend ko. Titigan habang unti unti naglalapit mga mukha namin ng biglang tumunog ang BUDOTS.

🤦🤦🤦

"WAHAHAHAHAHAHA" - halaklak niya habang pabalikwas siya tumayo at akmang sasayawin ang budots. Nakakainis kase akala ko magkakaron na kami ng "Slowmo moment" kaso di ko mapigilang di tumawa, ambaduy niya mag-BUDOTS! haha

"Oh see! Tumawa ka na!!!! Sabi na eh ako talaga happy pill mo" - Addie said sabay kindat

"Ewan ko sayo Addie Marie!Bat may budots sa playlist mo?!" - I replied. Kahit ang gusto ko naman talagang sabihin eh

"Oo Addie, you're my happy pill ever since..."

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon