Halos nagsisi-uwian na mga kasama ko sa office and ako tuloy lang sa pagtapos ng mga reports na pinapagawa ni Boss Mel.Nagpaalam na rin sakin si Melody at iniwanan pa niya ko ng banana cake at milk tea. Napaka-generous talaga niya.
It's almost 8PM and andito pa rin ako sa office. Yung ibang mga ilaw pinatay na ng mga maintenance, tanging ilaw na lang ng PC ko ang nagsisilbing liwanag.Since wala na rin naman akong kasama dito eh nagpatugtog na lang ako sa phone.
Now Playing : Bakit ba ikaw (SB19 cover)
Sumasabay ako sa kanta especially sa rap part ni Pablo, galing kasi talaga nila magcover ng mga kanta. Di nila iniiba yung tono at the same time mas ginagandahan pa nila. Habang busy ako sa pagta-type eh nagstop ang music, ng tingnan ko... Si Stell, nagvi-videocall.
Pagsagot ko. Si Stell kasama si Gimo! Awwww bigla ko siya na-miss! "Hello Mommy" - sabi ni Stell habang hawak-hawak si Gimo. "Hala yung baby namin na yan anlaki na ahhh .. I miss you Gimo" - palambing kong sagot. Pagkakita sakit ni Gimo eh bigla siyang naging hyper at tumahol-tahol, halatang excited nung makita mukha ko sa screen.
"Nagpa-vaccine yan kanina" - sabi ni Stell habang kandung-kandong si Gimo. Si Gimo ang aso na nabili namin ni Stell when we had our first salary nung first time namin magwork sa fastfood chain nung college. Mas madalas siya kina Stell kasi mas maaalagaan siya dun pero minsan kinukuha ko rin.
Habang tuwang tuwa akong pinagmamasdan si Gimo eh biglang tanong ni Stell "quarter to 9 na ah .. hanggang anong oras ka dyan di ka pa ba tapos?"
"Malapit naman na, need daw kasi to ni Boss Mel tomorrow morning e kaya kailangan matapos ko to ngayon. Tumawag naman na ko kay Mama sabi ko mag-overtime ako. Bat di ka pa natutulog?" - I answered."Eh di ako makatulog e saka iniisip ko pano ka uuwi... Oras na delikado sa daan Addie" - pag aalalang sabi ni Stell. "Marami pa naman taxi niyan sa labas e saka malapit ko na siya matapos promise, actually dapat tapus ko na to e tumawag ka lang" - pang aasar kong sabi sa kanya.
"Ah ganon?! Ako na nga tong concern sayo tas kasalanan ko pa na di mo agad matatapos reports mo?!" - sabi niya sabay end ng call. Anyare?! Sa kanya ba sumapi si Ate Chona? Haha
I tried calling him back pero nirereject niya. Hayyyy sumabay pa talaga siya sa ginagawa ko. Tinuloy ko na lang pagta-type ng biglang may naramdaman ako kamay na humawak sa may balikat ko sa bandang likod. Napapikit ako't mabilis na kinuha ang payong hahampasin ko sana ...
"Sorry! Sorry nagulat ba kita?!"
Pagkarinig ko ng boses na yun bigla ako napadilat. Si President Cullen!!! OMG di pa pala siya umuuwi. Baka nakita niya ko nakikipag-VC lagot na talaga ko.
"Ay! So---sorry Sir akala ko kasi kung sino, akala ko kasi ako na lang mag-isa dito" - sagot ko sa kanya. "May kinailangan lang akong tapusin kaya nag-overtime ako, ikaw? Bat andito ka pa? I thought 5pm out niyo?" - he asked. "I have to finish this Sir kasi sabi ni Boss Mel he need this tomorrow morning" - sagot ko naman.
Natawa siya't umiling, "hayy nako si Mel di pa rin nagbabago.. it's getting late. I'll go ahead. Ingat sa pag-uwi" - paalam niya sakin. Tumango lang ako. As I continue my work biglang my nagsalita na naman sa likod ko "Look, I know di naging maganda ang MEET-CUTE nating dalawa but I don't have any plan on getting you fired. I just want to say I'm sorry if natapon yung coffee sa blouse mo di ko talaga sinasadya" - he said. Akala ko umalis na siya.
Hindi ako agad nakapagsalita. I'm trying to absorb kung ano ba ung narinig ko ... "MEET-CUTE?" - I whispered. "Wait... Meet-cute ba sinabi ko?" - he asked. Nag-blush siya sa hiya, gusto kong matawa pero nagpipigil ako. Bading ata to? Haha
"Opo yata Sir?" - sagot ko. Di ko na mapigilan di matawa. "Sorry po Sir" - sunod na sabi ko, nagba-blush pa rin siya and natawa rin nung marealize niya sinabi niya. Cute naman pala to pag nakatawa.
"Nakakahiya... Wala kasi ko maisip na ibang term, pero ayus na rin at least napatawa kita. Are we okay now?" - he said. "Ay naku Sir ako nga po dapat mag sorry sa inyo sa inasal ko, thank you po kasi di niyo ko sinumbong kay Boss Mel" - sagot ko naman. Ngumiti lang siya. "And why would I do that? Ako nga tong me kasalanan sayo" - sagot niya.
Our conversation went well, nagpaalam na siyang umuwi. Napanatag na rin ang loob ko dahil di ako masisisante. And mabait naman pala siya. Pero di ko talaga makalimutan ...
MEET-CUTE... 😁
Nangiti na lang ako't napailing...
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?