Natapos ang harutan, ang ending.. si Stell ang nag-order at nagbayad ng pizza and drinks. Parang ngayon na lang namin naulit ang ganito dahil nung kami pa ni Charles e madalas niya pagselosan si Stell.
Naglaro muna kami ng favorite naming ANIMAL CROSSING, nakipag laro sa ibang friends ng Pokemon Unite and lastly, Movie marathon.
"Namiss ko ung ganito Addie" - biglang sabi ni Stell habang nginunguya ang pizza't nakatingin sa movie na pinapanuod namin."Oo nga e parang antagal din natin di nkpag-bonding ng ganito.. yaan mo Tey, since pareho na tayong single ngayon e bumawi tayo sa isa't-isa" - I replied sabay kindat.
"Sure ka di mo na babalikan yun? Baka gamitan ka na naman ng pa-beautiful eyes effect e maging marupok ka na naman hayyy nako Jia Cassidy Dela Cruz" - iiling iling niyang sabi. "Excuse me Mr. Stellvester Ajero, this time I MEAN IT!!! Itaga mo pa sa pizza na kinakain mo" -sabay nguso sa kinakain niyang pizza.
"Oh mabuti naman kung ganon, ayaw ko lang kasi ung nakikita na iiyak iyak sa taong di naman deserving, You deserve much better Addie" - seryoso niyang sagot. I don't know what's gotten into me pero bigla ko siyang kiniss sa left cheek, "kaya mahal na mahal kita eh, ano ggawin ko kung wala kong best friend na tulad mo... Answerte talaga ng mapapangasawa mo" - pangiti kong sabi.
"Kadiri naman to binigyan mo pa ko ng pizza sa pisngi ihhhhh! Addie!" - irita niyang sabo habang pinupunasan ang left cheek. "Grabe naman.. ang sweet ko nga tapos .. hmp! Edi wag" - sagot ko.
Nauwi na naman sa harutan pero nakatapos naman kami ng dalawang movie until 3am then feel asleep na.

BINABASA MO ANG
Endlessly
Hayran KurguIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?