***NAPAKAHABANG GABI***

79 6 0
                                    

"Pwede ba kong formally umakyat ng ligaw sa inyo?"

Antagal pina-process ng utak ko mga salitang sinabi ni Sir Josh. "Hey Addie... are you okay?- bigla niyang tanong. Dun pa lang ako bumalik sa wisyo. "Teka lang ah .. ano sabi mo? Ligaw?" - ulit ko.

"Yes. Since the very first time I saw you it felt different, kaya ang saya ko nung makita kita sa conference room. Sounds ironic but I became more attracted nung sinigaw-sigawan mo ko't sabi mo magpa-pass ka ng resignation letter. No one has ever done that to me" - seryoso niyang paliwanag.

Abnormal ata to. Sinigawan ka na attracted ka pa?

"Para sakin, attractive ang mga babaeng walang filter. Yung sinasabi kung ano nasa loob nila" - dugtong niya sabay ikot naman niya sakin then bigla niya ko hinila, napahawak ako sa balikat niya at napapikit. Parang anlapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

Will you be my...
Beginning, my middle, my end?
Will you be my...
Beginning, my middle, my end?

Paulit-paulit na sinasabi ng kanta.

Bumibilis kabog ng dibdib ko. Napalunok ako. Habang diretso lang siya nakatingin sa mga mata ko. Grabe ampula ng labi niya. Lalong lumalapit mukha namin sa isa't isa nang bigla ng magbukas ang ilaw at tumunog ang party music.

Hayyyyyy muntik na yun!

Niyaya ko na siyang bumalik ng table. Pangiti ngiti naman nagbulungan sina Melody at Emma, alam ko na pinag uusapan ng mga to. Tumabi siya sakin since wala pa sa table namin si Stell. Lumilinga-linga si Sir Josh. Parang may hinahanap. "Where is Stell?" - tanong niya sakin. Nagkibit balikat lang ako.Hinahanap ko rin siya actually.

"Ayun oh..." - turo naman ni Emma. Tatawagin ko sana ng biglang tumayo si Sir Josh naglakad papunta sa kinatatayuan mi Stell. Nakatayo siya malapit kina Jah at Ken sa DJ's booth.

Nagtaka naman ako. Bat niya nilapitan si Stell.

Inaasar naman ako nila Melody. "Nakita namin yonnnnnnn" - asar nila sakin. Pangiti-ngiti lang ako, ayoko magkwento baka kasi i-chismis ako ni Melody! Haha "Ano? Totoo sinabi ko noon no? Malakas tama sayu nun cyst!" - pabaklang sagot naman nia Emma. Umiiling na lang ako't natatawa sa kanila.

Bumaling naman ako ng tingin sa direksyon nila Stell. Parang ang seryoso naman ata ng pinag-uusapan nila. Napapaisip tuloy ako.

JOSH's POV

Muntik na yun. Natetempt na talaga ako na halikan siya, God she's so beautiful... Pagbalik namin sa table naupo ako sa tabi niya. I mean what I said to her kaninang nasa dance floor. Gusto ko siyang ligawan. "Where is Stell?" - I asked. I need to talk to him, ako na lang sana maghahatid kay Addie. Sakto tinuro naman siya ni Emma. Nakatayo siya malapit sa DJ's Booth.

Maingay. Di niya ko marinig kaya I tapped his shoulder. Nabigla siya ng makitang ako."Stell ... right?" - sabi ko. Tumango lang siya. "I wanna talk to you about something... Okay lang ba na ako na lang maghatid kay Addie pauwi? Pormal sana ako aakyat ng ligaw eh" - I said. Siguro mga ilang segundo siyang di nakasagot. I'm not sure if narinig ba niya sinabi ko since maingay. Niyaya niya ko palayo sa DJ.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon