***BESTIES DAY PART 3***

97 6 0
                                        

9AM pa lang nagising na ko. Ang aga rin namin kasing nakatulog ni Stell. Di man kami nakapanuod ng movie. After ko mag toothbrush at hilamos pababa na ko ng salubungin ako ni Gimo.

"Hello baby ko good morning po" - malambing kong bati sa kanya saka ko siya kinarga. Napaka-hyper talaga ng aso na to. Nakita ko si Mama sa may kusina, "hi Ma good morning po" - bati ko sa kanya sabay beso. "Gising ka na pala oh lika dito mag almusal ka muna" - aya niya sakin sabay abot ng tinimpla niyang kape.

"Mama asan si Stell?" - tanong ko. "Ayun kasama ni tatay may inasikaso lang sila dun sa tindahan, dumating na kasi mga stocks kaya kailangan ng tulong ni tatay" - paliwanag ni Mama habang dahan-dahan humihigop ng kape.

Antagal namin nagku-kwentuhan ni Mama Mylene. Sa kanya talaga nag-mana si Stell. Tahimik na naka-kandong sakin si Gimo ng bigla siyang bumalikwas at nagtatakbo palabas. "Naku sina Stell na yan niyan.." - sabi ni Mama. Ang galing naman ni Gimo.

Binuksan ni Mama ang gate at sina Stell nga at tatay Jun. Nagmano ako kay tatay. Si Stell naman the usual gesture na guguluhin ang buhok ko tas pipisilin pisngi ko. Papasok kami sa loob ng bahay. "kakagising mo lang?" - tanong niya. Tumango ako habang hinihigop ang mainit na kapeng gawa ni Mama Mylene.

Pumasok sa kwarto si Stell at sumunod ako. "di man tayo nakapag-movie marathon kagabi natulog ka kasi" - patampo kong sabi sa kanya. "Oo nga e sorry ha? Ewan ko bigla akong inantok, edi ngayon na lang tayo manuod? Mamayang hapon ka pa lang naman uuwi diba?" - sabi niya habang nag aayus ng buhok sa harap ng salamin. Di man ako sumagot. Parang mas bet ko kasi na movie marathon e yung gabi o kaya madaling araw. Nakaupo ako sa gilid ng kama. Lumapit siya sakin.

"Sorry naaaaaa..." - malambing niyang sabi. Di pa rin ako sumasagot. "Bawi ako.. sa susunod na off natin dun ulit tayo sa inyo tas kahit magdamagan sige G" - dugtong niya. Ngumiti ako at tumango.

Masaya kami nanuod ng movie sa sala kasama sina Mama at Tatay Jun. Ang kulit-kulit rin ni Gimo nagpapakitang gilas! Mabuti raw at na-tyempong wala gaanu ginagawa sa shop at nakasama nila ko ngayon.

Nakapanuod din kami ng iilang episodes ng Modern Family ni Stell. Walang episode na di nakakatawa to! Haha

It's almost 5PM. Niready ko na mga gamit ko, nakipag harutan muna ko ng kaunti Gimo at maya-maya ay nagpaalam na ko kila Mama... "Ma next time daw si Mama ko mag overnight dito" - sabi ko. "Hayyyy naku sigi ba! Antagal na rin naming walang bonding ni Jane" - masayang tugon naman ni Mama. Nagmano ako at nagpaalam din kay tatay. Pilit sumasama sakin ni Gimo kaso sabi ko dyan na lang muna siya't hinihika kasi si mama.

Lumabas na kami ng gate. "Tara na?" - aya ni Stell. Humawak ako sa braso niya at nagsimula na kami maglakad. "Ang saya ko Addie" - bigla niyang sabi. "Bakit?" - tanong ko naman. "Kasi nakasama ka namin ulit nila Mama, tagal mo na kaya di nakakapasyal samin. Halatang miss na miss ka nila e lalo na si Gimo kita mo humahabol sayo" sabi niya. "Oo nga e parang antagal na no nung last pasyal ko, anlaki na ni Gimo. Namiss ko rin naman sila. Hayaan mo mauulit pa to" - I replied sabay kindat.

Waiting game na naman dito sa bus stop. Scroll2 lang sa IG while waiting. "Addie..." - biglang sabi ni Stell. "Yes?" - sagot ko sabay tingin sa kanya. Nakatingin lang siya sakin na parang may gustong sabihin. "Ano yun tey?" - follow up question ko.

"hm.. wala. Nakalimutan ko tatanong ko" - sabi niya sabay kamot sa ulo. Natawa lang ako sa kanya. Dumating na rin ang bus and the usual, umupo kami sa dulo. Habang naka-upo nilabas niya ung earpods niya then nilagay niya sa left ear ko ung isa, tas ung isa nilagay sa tenga niya. Then biglang nag-play yung song ng The Cab. Yung ENDLESSLY.

Napapasabay kaming dalawa. Napaka ganda kasi ng kantang to, pati yung lyrics... Nakakakilig.

"Ito yung gusto kong background music pag nagpropose ako" - biglang sabi ni Stell. Di ko alam ano ire-react ko. Parang napaisip tuloy ako kung may bago na siyang nililigawan at balak niyang pakasalan. "Oo tamang tama to pag nag-propose ka.. nakakakilig yung melody saka yung lyrics sigurado kung sino man ung maswerteng babae na yun e mapapa-YES kaagad!" - sagot ko habang nakatingin sa bintana. Di ko maintindihan. Pero bat ganun? Bakit parang ayaw ko muna magka-jowa ang best friend ko? Bakit nung marinig ko ung sinabi niyang PROPOSE kinabahan ako?tsk! Ewan ko sayo Addie.

Mabuti naman at bago mapadpad kung saan ang iniisip ko eh nagstop na ang bus. Bumaba na kami at naglakad. Bitbit ni Stell yung bag ko habang bitbit ko naman maliit kong backbag. Niyaya muna ko ni Stell na dumaan sa bakeshop para ibili ng pasalubong si Mama. Binilhan din niya ko ng milktea.

"Sarap ng milktea pag libre" - pangiti kong sabi sa kanya habang ngumunguya ng pearls. "Talaga! Palagi masarap kinakain mo e kase libre ko" - he replied sabay kindat. Sa dami ng pinagkwentuhan namin e di namin namalayan malapit na pala kami sa bahay. Since maaga pa naman he decided na pumasok muna sa loob.

"Mama cake po" - sabi ni Stell sabay abot ng cake kay mama. "Naku at napaka sweet naman talaga nitong si Teyteyman, Addie si Stell na lang asawahin mo" - biglang sabi ni Mama. Sabay naming nailuwa ni Stell ang iniinom na milktea. "Ma di ako type ni Stell jusko" - sagot ko naman. Tumango naman si Stell at tumawa.

Nagchikahan muna sila ni Mama then mag-aalas siete na nagpaalam ng umuwi si Stell. "Mama salamat sa kwentuhan uwi na po ako maaga pa kami bukas eh" - sabi niya. "Oh sigi iho mag iingat ka ha? Ikumusta mo ko sa mama mo" sagot naman ni Mama. Niyakap niya si Mama at hinatid ko sa may gate si Stell. "Ingat ka ha? See you tomorrow?" - sabi ko. "Oo basta maaga ka gumising ah? Thank you ulit for today Addie ang saya ko" - sagot niya sabay yakap ng mahigpit. I hugged him back. Masaya din naman ako whenever I'm with him. He kissed my forehead then lumabas na siya ng gate. He waved goodbye samin ni Mama.

Napabuntong-hininga na lang ako as I watch him, naglalakad siya palayo... Hayyyy Stellvester.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon