Alas siete ng umaga ng magising ako. Feeling productive na naman ako today! Wala kasing pasok, since naging maganda performance ng company, ang kataas-taasan ay nagdecide na magkaron ng block off.
Tuwang tuwa naman si Boss Mel kasi sakto birthday niya. Kaya todo invite siya sa GC, magpapa-party ata si Madam. Hindi pa ko sure na pupunta kasi parang gusto ko lang muna magstay sa bahay.
After breakfast. Umakyat muna ko sa kwarto para ayusin ung iilang gamit ko na nakakalat sa sahig. Baka pag nakita na naman to ni Mama e sabihin parang dinaanan ng bagyo ang kwarto ko.Habang nagpupulot ako ng mga gamit e bigla naman nag-ring ang phone. Si Sir Josh.
"Aba ang aga nating nagising ah ... Good morning" - masayang bati niya sakin. "Oo feeling productive ako today! Cheret! Haha" - pabiro ko naman sagot. "Palabas ako ng condo, may bibilhin sana ko mall pang-regalo kay Mel ... Samahan mo naman ako oh" - malambing niyang sabi sakin. "Sige anong oras ba?" - tanong ko naman.
"Once you're done picking up those... San ka pala maguukay-ukay?" - bigla niyang sabi. Nagtaka naman ako bat biglang lumakas ang boses, pagharap ko nakita ko siya nakatayo sa harap ng kwarto nakangiting nakatingin sa mga nakakalat kong damit sa sahig. Sa sobrang gulat ko patakbo kong isinara at ikinandado ang pinto.
"Aray ko naman" - sabi niya. "Sorry ... Oh e bakit naman kasi walang pasabi! Sabi mo palabas ka pa lang ng condo mo tas andito ka na nga bigla" - sagot ko naman. Tawang tawa siya. "Sige sige antayin kita sa sala bababa na ko.. pulot well" - asar niya sakin. Nasanay na rin kami sa isa't isa since halos mag iisang buwan na rin siya nanliligaw sakin. Napaka-tiyaga niya. Kahit naka-ilang "Will you be my girlfriend?" na siya sakin na panay hopia e di pa rin siya sumusuko.
Mabilis ako naligo at nakapag-bihis. Yung white na Paramore shirt yung suot ko na naka-tuck in sa denim shorts ko tapos vans naman sa shoes. One last look sa salamin sabay hablot ng maliit na backbag then bumaba na ko. Nakaupo siya sa may sofa sa sala then bigla na siya tumayo pagkakita sakin. Pinagpaalam niya ulit ako kay Mama then umalis na kami.
"Ano ba magandang gift kay Mel?" - tanong ni Sir Josh while driving. "Plantita yun alam ko eh .. try mo kaya bilhan ng halaman?Di lang ako sure kung may tindahan ng plants sa mall pero napansin ko kay Boss Mel mahilig din siya sa mga damitang casual so yun... Pili ka na lang dun sa two options" - sagot ko. "Ang galing... Kaya tama ang desisyon kong isama kita e" - sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
As expected, wala ngang tindahan ng halaman sa mall so he ended up buying clothes na lng para ky Boss sinamahan pa niya ng mug then pina-giftwrap niya. Naging schoolmate pala niya si Boss Mel nung highschool sa US kaya malapit siya kay Madam.
"Okay lang ba daan muna tayo sa condo bago uwi sa inyo may kukunin lang ako saka magbibihis na rin ako.. pinipilit niya kong pumunta e" - sabi niya. Pumayag naman ako.
We arrived at his condo. Sa may 20th floor ang unit niya. Napakaganda ng ambience. Hallway pa lang halata ng mga yayamanin lang at big time ang makakapag avail ng mga units dito. Nakaakyat na kami sa unit niya. Pagbukas pa lang ng pinto at pagpindot niya ng switch, bumukas ang ilaw at bumungad sakin ang napaka gandang sala na parang yung mga nakikita ko lang sa movies.
"Wow ... Eto talaga yung mapapasabi ka ng SANA ALL" - sabi ko habang naglalakad at patingin tingin sa paligid. Napaka elegante ng room. Malinis. Plain white and gray ang color combinations ng wall, halatang lalaki ang may-ari. May malaking picture siya na nakasabit sa gitna. Ang gwapo niya dun. Tiningnan ko rin mga maliliit na pictures na nakadisplay. Mama niya siguro yun at kapatid na babae.
"Feel at home ah? Shower lang ako saglit" - paalam niya. Tumango lang ako.
Mga ilang minuto lang lumabas na siya ng kwarto. Natulala naman ako sa suot niyang dark blue polo na may print ng parang mga palm trees paired with leather pants tas bumagay yung biling bling style necklace na suot niya with his hair na naka-pushed back di siya naka-eyeglasses kaya nagmukha lalo siyang bata.
"Wow... Baka ikaw pagmakalang may birthday niyan" - sabi ko. Ngumiti lang siya. "Ayaw mo ba talaga sumama sa party?" - tanong niya sakin habang inaayos yung mga gifts ni Boss Mel. Sa isip ko naman.. parang gusto ko na hindi na ewan. Pero may mas iba kong gusto ngayon.. hehe
Pumasok ulit siya sa kwarto niya. May kukunin lang daw. Mula pa kagabi ko pa kasi pinag-iisipan. It's almost a month na rin naman.
Sinundan ko siya sa kwarto niya. Bukas yung pinto pero kumatok pa rin ako. Nadatnan ko siya inaayos yung higaan niya. Nahiya naman ako sa kwarto ko. Hehe
"Oh... Lika pasok ka, sorry medyo magulo eh" - sabi niya habang inaayos ang pillows. "kumusta naman kwarto ko" - pabiro kong sabi. Ang ganda din ng room niya. Pwede makipagsabayan sa mga rooms ng celebrities. Naupo ako sa gilid ng kama habang patingin-tingin lang sa paligid.
Meron din siyang gaming station.Ang ganda! Parang yung sa mga streamers. "Mahilig ka rin pala sa games" - sabi ko naman habang lumapit ako sa gaming station niya tiningnan mga gamit. "Yah. Nung first week ko dito since di pa ko pumapasok sa work yan lang libangan ko" - sagot naman niya. Pati gaming chair mukhang mamahalin.
"Sorry Addie ah .. medyo natagalan tayo dito, tara na? I'll drive you home" - sabi niya sabay kuha ng susi sa table pati ung paper bag."Ahm... Josh?" - sabi ko pagtayo sa gaming chair. "Hm..?" - tanong naman niya habang tinitingnan niya ayos niya sa salamin. "Yes" - bigla kong sabi. Kinakabahan ako pero I said it na. "Ha?Sama ka na kila Mel?" - nagtataka niyang tanong. "No! I mean yes sasama ako pero...ih YES NA NGA EH!" - sabi ko. Kinakabahan ako na nalilito na hindi ko maintindihan. Napatigil siya sa pag ayos ng polo niya't binitawan ang mga bit it niyang gamit then lumapit siya sakin. "Wait ... Y---yes? As in ....? - pautal niyang tanong. Ngumiti akong tumango tango sa kanya.
Yes po. Tama po kayo. I said YES na, it's official!!!!
Antagal niyang speechless, napayuko siya na tumingin tingin sa paligid na ewan... "S-- sorry ah wait lang .. so does this mean.. Girlfriend na kita?" - pag ulit niya. "Sabi ko ng Yes, ayaw mo yata eh" - sabi ko sabay kunwari magwo-walkout. "No!..we----wait! I mean No wag kang aalis.. and YES! I would love to be your boyfriend" - pahabol niyang sabi sakin. Nakangiti lang ako sa kanya. I feel na it's the right time na. Boto naman sa kanya si Mama, goods si Stell sa kanya.. and ako.. iba na rin naman nararamdaman ko sa kanya.
Niyakap niya ko ng mahigpit. I hugged him back. "Salamat kasi di mo ko sinukuan kahit ilang besis ka na-hopia" - sabi ko habang nakayakap sa kanya. "You're worth the wait Addie.. I love you" - sabi niya. Inalis niya pagkakayakap then hinawakan niya magkabilang pisngi ko then parang sa pelikula lang...
We kissed.
Omg! Himlaaaaaaaaaaaay!!!!!
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?