***VESTER TO THE RESCUE***

109 5 0
                                    

Kringggggggggg .....!
Kringggggggggg .....!
Kringggggggggg .....!

6AM again. Ayoko bumangon,nag-iisip ako anong idadahilan ko para makapag-absent. Feeling ko di ko kayang harapin yung Mr. Josh Cullen na yun after nung mga pinagsasabi ko sa knya.

Pumasok si Mama. "Huy Jia Cassidy papasok ka ba o hinde? Kanina pa tunog ng tunog alarm mo ah baka ma-late kayu ni Stell niyan" - sabi niya. "Andyan na po ba siya ma?" - sakto ko nasabi yun narinig ko na boses niya sa baba. "O Ayan speaking... Bumangon ka na dyan babae ka at magprepare ka na, may almusal dun sa baba kumain muna kayo bago umalis" - sabi ni Mama habang palabas ng kwarto.

Hayyyy naku Addie! Ano ba kasi ginawa mo🤦

Napilitan akong magprepare for work. Wala eh, need ko harapin ang consequences sa mga actions ko. Palabas ako ng CR ng madatnan ko na naman si Stell nakaupo sa harap ng salamin inaayos ang buhok niya. "Oh? Di ka agad nagising?" - salubong niya. "Natatakot ako pumasok Stell, baka nasa lobby pa lang ako e palayasin na ko ni Boss Mel" - I replied.

Tumayo siya sa harap ko at hinawakan mga balikat ko. "What if hindi naman ganyan ang mangyari? Di natin malalaman if di ka papasok, whatever happens at least you remain professional at nagreport ka sa work, bawas bawasan mo pagiging Ate Chona mo ha?" - matawa tawa niyang sabi then he kissed my forehead.

I hugged him. "Teyteyman....." - I whispered.

"Kaya mo yan, edi pag pinatalsik na nila magreresign din ako sabay ulit tayo mag apply sa iba" - sabi niya. "ay hinde! Di ka pwede mag resign malapit ka na ma-promote madadamay ka pa sa kagagahan ko, sige papasok ako and try ko mag-sorry" - pagaalala kong sinabi. Hindi siya pwede magresign, subject for promotion na kasi siya sayang naman if di pa niya makuha yun dahil lang sakin.

After we had our breakfast nagpaalam na kami kay mama at umalis na. While walking, biglang hinawakan ni Stell yung kamay ko... "Wag ka mag-overthink, smile na" - pangiti niyang sabi sakin. I just smiled at him. Kung wala sigurong Stellvester sa buhay ko matagal na kong sumuko. Buti na lang andyan siya.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon