STELL's POV
"Angelica...?"
Pabulong na sabi ko nung bigla ko siya nakita at yumakap sakin. "Musta? Di ka pa rin nagbabago ah... Gwapo ka pa rin" - nakangiti niyang bati sakin.Ngumiti lang ako kasi di ko pa rin alam kung ano sasabihin ko. "Kanina ka pa hinihintay ni Angelica nak, o pano maiwan ko muna kayo rito" - paalam samin ni mama sabay karga kay Gimo.
Niyaya ko sa may terrace si Angelica at kumuha ng maiinom sa kusina at binigay sa kanya."Hindi ba ko nananaginip? Ikaw nga ba talaga yan Angelica?" - pabiro kong tanong sa kanya. "Asus ikaw talaga .. di ka pa rin nagbabago" - sagot naman niya. Hindi rin naman siya nagbago. Maganda pa rin siya.
"May mga ka-meeting akong clients dito sa may area niyo, since kaagad natapos ang meeting kaya naisipan kong dumaan dito" - sabi niya. "Kanina ka pa ba nandito? Pasensya ka na ah kasama ko sila Pau" - paliwanag ko. "Ayus lang halos kadarating ko lang din naman. Kumusta ka na? Balita ko nakuha mo na yung promotion na matagal mo ng hinhintay?" - tanong niya.
Nagkwento ako. About sa work, kung pano rin nakuha ni Pau ang promotion niya, yung business nila Mama. Nagkwento rin siya kung bakit nauwi siya dito sa Pinas. Nakapag asawa na pala si Angelica, nakapangasawa siya ng Canadian at meron na silang dalawang anak na babae. Ang gaganda ng mga anak niya mukhang foreigner pero hawig niya. Ganun na pala kami katagal na di nagkikita.
"Oh ikaw naman kumusta love life mo?" - nakangiti niyang tanong saken. Ngumiti lang ako. "Hayyyy nako Stell.. don't tell me----" sabi niya pero di ko na siya pinatapos "nakapag move on na ko" - seryoso kong sabi sa kanya.
Nag-iba ang mood. Biglang nagseryoso.
"It's okay Stell, sakin ka pa ba magtatago?" - sabi niya. Kakaiba talaga si Angelica. Sa lahat ng niligawan at naging girlfriends ko before, siya na ata ang pinaka mabait at understanding.
"Masaya na siya eh" - sabi ko naman. "Diba yun naman yung importante? Makitang masaya yung taong mahal mo?" - dugtong ko. "Oo ... Kaya nga I set you free. Remember?" - nakangiti niyang sabi. Bigla akong nahiya sa sinabi niya't parang nagflashback nung time na nakipagbreak siya sakin.
Natahimik na naman ako.
"Few months ago nung accidentally nagkita kami ni Addie sa mall, I'm sure nakwento niya yun sayo?" - sabi niya. Tumango naman ako. "She asked me a question... Bakit daw ako nakipag break sa'yo nun" - seryoso niyang sabi. Hindi pa rin ako kumikibo. "Then sabi ko sa kanya na she should ask you... Na dapat sayo manggaling" - she continued.
"Ang hirap Angelica eh. Andami kong naiisip na pwedeng mangyari kung sakaling sabihin ko sa kanya ang totoo. What if hindi kami pareho ng nararamdaman tapos mag-iba siya? What if iwasan niya ko? O what if naging kami nga tas in the end di naman pala kami magkakatuluyan?edi pati yung friendship na iningatan namin since childhood mawawala?" - sunod sunod kong sabi.
"Eh what if lahat ng iniisip mong yan e kabaligtaran ng pwedeng mangyare? Hayyy nako .. you're still the Stellvester I knew. Alam mo nung maging tayo noon, walang araw na di ko pinalangin na sana ako na lang si Addie, na sana ako na lang siya kasi iba yung energy niyo eh pag magkasama, iba yung ngiti, iba yung tuwa, iba rin yung pag-aalala. Hindi ko magawang magalit sa kanya kasi napakabait sakin ni Addie. Kitang kita ko rin sa mga mata niya kung gaano siya kasaya pag andyan ka. Naalala mo nung nagsabay yung event na sinalihan namin non? May Quiz Bee ako tapos siya kasali sa singing contest. Pinili mo na samahan ako pero dahil nakita ko na mentally and emotionally parang di kita kasama kaya pinapunta kita kay Addie. Sumunod ako nun ng di mo alam. I will never forget how Addie's face lightened up nung makita ka na niya, that's when I knew...I have to let you go na" - seryosong sabi ni Angelica.
Hindi ko na napigilan at napahagulgol na ko sa iyak. Lahat ng kinikimkim kong sakit parang ibinuhos ko na nung time na yun, humingi rin ako ulit ng tawad sa kanya.Lumapit sa tabi ko si Angelica at hinagod hagod ang likod ko.Tuloy tuloy ang iyak ko. Inabutan niya ko ng panyo.
"Stell... I'm not saying this para paiyakin ka or what pero habang di pa huli ang lahat, be man enough na aminin sa kanya kung ano talaga totoong nararamdman mo. Ano pa man maging result at least masasabi mo sa sarili mo na sinubukan mong ilaban diba?" - she said. Hindi ako makakibo. May point naman lahat ng sinabi sakin ni Angelica, pero paano?
"Balak na siyang yayaing magpakasal ng boyfriend niya" - malungkot na sabi ko. "Oh my ... I'm so sorry Stell" - sabi ni Angelica na halatang nabigla sa sinabi ko't bigla niya ko niyakap. "Hayyyyyy Stell..." - nasabi na lang niya sakin habang nakayakap. Nang mahimasmasan na ko, naupo na kami ng maayos. "Salamat ha? Di ka pa rin nagbabago..." - sabi ko sa kanya. "Asus ikaw pa ba? Lakas mo kaya sakin" - nakangiti niyang sabi.
"Anong balak mo niyan?" - follow up question niya sakin. Nagkibit-balikat lang ako. "Ano ganun-ganun na lang? Na forever kang mag-a-I'm happy for you Addie?! For once isipin mo naman sarili mo Stell. Regardless of what the result is, at least di ka lang nagpaka totoo sa kanya.. kundi pati na rin sa sarili mo. Kaya mo yan no! Di ganyan ang Stellvester na nakilala't minahal ko noon" - sabi niya. Ngumiti ako sa kanya habang pinupunasan ko mga natirang luha sa mata ko.
Nabuhayan ako ng loob. Sige. Bago man lang siya mag-YES kay Josh. Aamin na ko...

BINABASA MO ANG
Endlessly
FanficIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?