6AM
Gising bangon. Back to reality. Work
Unat-unat habang pinipilit ko ang sarili dahil hinihila ako pabalik sa kama. Hindi na rin nakapunta si Stell kasi pinag-overtime daw sila't dumiretso ata sila kina Pau pag ayusin yung sounds na gagamitin namin para special number.
Andami notifications sa phone ko. Messages from my co-workers asking if okey na ba daw ako. Sa GC na lang ako nagreply para isahan.
Nag-notif si IG.
"Good morning... See you at work" - Josh
Napangiti naman ako. Naalala ko kasi yung naging bonding namin kahapon. Pinusuan ko yung message niya at nag ready for work. After almost an hour natapos din ako.. maligo, magbihis mag ayos ng buhok. Naisipan ko mag-curls. Wala lang. Feeling ko bagay sa suot.
Pababa na ko galing sa kwarto't papuntang kusina. Ambango ng amoy ng pandesal. Nakita ko si Stell nakaupo't humihigop ng mainit na kape habang ngumunguya ng pandesal. Napatigil naman siya ng makita ako.
"Wow!" - sabi niya. Habang nakatitig sakin. "Bakit?" - sagot ko naman. Umupo ako sa tabi niya't kumuha ng pandesal at kumain. Nakatingin pa rin siya sakin.
"Aba'y napaka ganda naman ng anak ko... May pa-kulot" - bungad ni Mama na galing likod. Nagbeso siya sakin. "Gulat nga ko Mama eh kala ko namamalik-mata lang ako" - sagot naman ni Stell.Tinampal ko naman siya ng kaunti. Nahiya tuloy ako.
"Anong meron at may pa-kulot si mayor?" - asar sakin ni Stell. Tumatawa naman si Mama. "Wala... Dati naman na ko nagkukulot ah saka humaba na hair ko kaya mas madali na siya i-curls dito sa may bandang ibaba" - sabi ko sabay hawak sa buhok ko. Tumango tango lang si Stell. Pang-asar talaga.
Natapos kami magbreakfast at nagpaalam na kami kay Mama. Paglabas namin ng gate hinampas ko sa may braso si Stell. "Aray..!bat ka nanghahampas inano ba kita?" - sita ni Stell. "Ikaw e inaasar mo ko nahiya tuloy ako sa ayos ko" - sagot ko naman. Natawa siyang bigla "oh bakit? Nabigla ako e ... Ang ayos ayos ko kumakain ng pandesal eh---" di na niya natuloy sinasabi niya "ihhhhhhhh....!" - reklamo mo. Lalo siyang natawa. Alam niya kasi pag ganun nahihiya na talaga ako.
Hinawakan niya bigla kamay ko. "Masisisi mo ba ko kung mabigla ako? Ang ganda kaya ng best friend ko" - pangiti niyang sabi sakin sabay kindat. Hala siya! Bat ako kinilig...tsk!
Fast forward. Nakarating na kami sa office. Same drill, nauna siya lumabas then ako sa 19th floor. Pagpasok ko ng office egad naman ako sinalubong nila Melody at kinamusta ako. Grabe para isang araw lang ako nawala eh. Nilibre ulit nila ko ng coffee. Habang inaayos ko station ko't sinesetup ang PC e nag-umpisa ng chumika si Melody. "Girl, alalang alala sayo si Boss" - pabulong niyang sabi habang hinahalo-halo ang coffee niya. "Si Boss Mel?" - I asked. "Gaga! Hindi si bading... Si gwaping" - pangiti niyang sabi sabay turo sa office ni Josh. Uma-agree naman si Emma sa sinasabi ni Melody.
"Alam mo bang nag-email pa siya sakin tinatanong kung anong nangyari sayo ... Wala naman ako idea kung ano iniiyak iyak mo nung nakita kita sa cr sabi ko na lang baka personal problems. Hala si Boss mabilis pa sa alas kwatro. Umalis!" - kwento niya. "malakas tama sayu nun dzai" - sagot naman nitong si Emma. Binawalan ko sila. Baka kasi may makarinig at gawan kami ng issue. Naputol ang chismisan ng biglang dumaan si Boss Mel. "Yes?Ang aga-aga chismis inaatupag niyo.Go back to work!" - pasigaw niyang sabi. Bumalik sa mga cubicle nila sina Emma at Melody.
"How are you Ms. Dela Cruz?" - seryosong tanong ni Boss Mel. "I'm doing good po Si----" di ko na magawang natapos sinasabi ko "Good. Then follow me. Pinullout ko sina Justin and the rest of you who will be doing the special number. Nasa 2nd Floor na sila sa may fitness room. Practice." - diredretso niyang sabi. Umoo na lang ako't mabilis na tumayo, kinuha phone at bag then bumaba na nag 2nd floor. Paktay! Wala ko extra damit pang-praktis. tsk!
Buti na lang may dalang extrang damit si Stell at napahiram ako. Halos practice lang ginawa naming lima di na kami pinabalik sa kanya2 naming work kasi gusto ni Boss Mel na maging maayos at pulido ang gagawin naming performance.
Humihingal kami't napahiga lahat sa sahig matapos ang tuloy-tuloy na praktis. Grabe nanibago ako. Di naman sila tumigil sa pang-aasar sakin dahil nga nag-kulot2 pa ko tas ganito lang pala gagawin maghapon. Tawanan lang kami. Sanay na ko sa kanilang apat. Matagal naman na kaming magkakakilala. Sina Pau, Ken at Justin e mga college friends namin nila Stell. Sabay2 kami nag apply dito ang luckily natanggap. Yun nga lang ako yung nahiwalay kasi sila magkakasama sa 16th floor.
Natapos ang praktis. 5PM na rin kaya nagka-yayaan ng umuwi. Kinailangan namin bumalik sa kanya2 floor kung san talaga kami naka-destino since may mga gamit pa kaming naiwan. Dumiretsong akyat na ko, di na ko nagbihis at pauwi na rin naman na. Suot-suot ko pa rin tshirt ni Stell. Naghigh ponytail na rin lang ako sayang ang kulot. tsk!
Palapit na ko sa may station ko ng makita ko sina Melody at Emma kausap si Josh. "oh ayan na pala siya Sir e.. Uy friend san ka galing.. saka bat ganyan suot mo?" - nagtatakang tanong ni Melody habang nakatingin sa suot ko. "Pina-pullout kami ni Boss Mel kanina kailangan na daw namin mag praktis" - sagot ko naman habang nagliligpit ng gamit. Ano ba yan nakita na naman niya kong pawis na pawis. tsk!
"Practice..? For what?" - tanong ni Sir Josh. "ay Sir ... Next week na po kasi ung anniversary ng company e yearly may celebration po tayo dito, tapos sila Addie eh laging may special number" - masayang paliwanag ni Melody. Umagree naman si Emma. "Really? Wow sounds interesting.." - sagot naman niya. Ngumiti lang ako. "hayyyy naku Sir hindi niyo po naitatanong etong si Addie, di lang beauty and brains yan.. napaka talented rin" - pagmamayabang naman na sabi ni Melody. Grabe nahiya naman ako. Sinaway ko siya. "bakit totoo naman, basta wait and see na lang boss I'm sure mabibigla ka" - dagdag pa ni Emma. Nakangiti lang si Josh habang nakatingin sakin. Nakakailang tuloy.
"Ewan ko sa inyo.. o siya uwi na ko" - nagbeso ako sa dalawa. "Bye Sir" - paalam ko kay Josh. "Bye... Ingat pauwi, can't wait to see your special number" - sabi naman niya. Kinikilig pa ang dalawa. Ngumiti na lang ako sumenyas ng lalakad sakto naman kasalubong ko si Stell at may inabot na milktea. Kinuha niya bitbit kong bag saka niya ko inakbayan.
"Bye Stell...!" - pahabol na sigaw naman nila Melody. Humarap naman si Stell sa kanila at sumenyas ng paalam. Nagba-bye din ako sa kanila habang iniinom ang milktea na bigay ni Stell.
Pababa na kami. Habang nasa loob ng elevator.Nagbukas ang pinto sa may 16th floor, may nakaabang na babaeng naka-casual dress. "Hi Stell" - pangiti niyang bungad sabay pasok sa elevator. "Hello Steph" - ngiting sagot naman ni Stell.
Sino to?
Patuloy lang ako sa pag-inom ng milktea habang pasimpleng tumitingin sa babae. Ang ganda niya .. halos magkasing tangkad lang sila ni Stell, para siyang beauty queen.
"Ay siya nga pala.. Steph si Addie pala best friend ko, si Stephanie.. bago naming kasama sa team" - sabi ni Stell. "Hi Stephanie" - bati ko sa kanya. Nginitian lang niya ko ng pilit. Ay... Suplada ka ghorl?
Nakababa na kami ng ground floor at nagpaalam ulit siya kay Stell pero ako di niya pinansin. Nakangiti siyang sinundan ng tingin ni Stell. "Ang ganda niya no?" - sabi niya habang nakatingin pa rin sa naglalakad na si Steph. "hmp! Suplada naman" - sagot ko. "Huh?! Di kaya.. ambait nga niya e" - he replied. Anlapad ng ngiti ni Stell.
Na-bother ako. Last ko siya makitang ngumiti ng ganito ay nung ipakilala niya sakin si Angelica. Wait... Bat bigla ako kinabahan? Selos ka Addie?
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanficIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?