Antagal ko rin nakayakap ni Stell. Akala ko nananaginip lang ako ng may naramdaman ako yumakap sakin from behind until narinig ko siyang bumulong. Kaya dahan-dahan akong gumalaw to confirm... Siya nga!
Hayyyy naku Stellvester! Anong ginagawa mo sakin... Pati ako nalilito na ko sa nararamdaman ko sayo, minsan gusto ko sabihin na parang nagkaka gusto na ko sa kanya kaso kasi sabi niya di niya ko type. Pero okay na siguro yung ganito at least mahal namin ang isa't isa as best friends.
"Bihis ka tara kain tayo sa labas..?" - aya niya sakin. Hindi ako kaagad nakasagot. Nakatingin lang ako sa mukha niya... Hala Addie anong nangyayari sayo. tsk! "Huy! Addie Marie!" - gulat niya sakin. Napakurap ako. "Ha?? Ano yun?" - palusot na sabi ko.
"Sabi ko tara kain tayo sa labas" - ulit niya. "San naman?" - tanong ko. Tiningnan niya watch niya. "Maghahapon pa lang naman oh punta tayo sa may kanto ... Barbeque gusto mo?" - sabi niya. Gutom na rin naman ako since kaninang umaga di pa ko kumakain kaya pumayag na rin ako. Nagbihis lang ako. Oversized shirt lang suot ko with shorts, sa kanto lang naman kami.
Nagpaalam muna kami kay Mama.
Habang naglalakad kami sa daan palabas ng kanto namin humawak ulit ako sa braso niya just like I always do. "Sorry ulit ha?" - sabi ko. Ngumiti siya, "tama na wala na yun bati na tayo basta sa susunod alam mo na ha? Kahit makitext ka lang sa mga kasama mo para di kami nag aalala sayo" - sabi niya.
Yun lang ba kinatampo niya? Naisip ko kasi nagselos siya nung makita niyang si Josh naghatid sakin. Nakarating kami sa may ihawan sa kanto . Napakabango... Nakakagutom. Nag-antay ako sa table namin while Stell is at the counter nag oorder.
Habang inaantay siya biglang nag-vibrate ang phone konsa bulsa. Kinuha ko, pagkatingin ko IG notif na naman...
"I hope your doing fine now...kahit wag ka na muna magreport for work tomorrow para you have extra time to rest. Don't worry plotted yun as leave so it's paid" - Josh
Nagulat ako. Wow! For the first time in forever...
"Talaga po?! Wow! Thank you boss!" - reply ko. "Sorry .. thank you Josh" - follow up chat ko. Nangiti ako. Wow! Minsan okay rin pala magdrama.. hahaha
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" - gulat sakin ni Stell na dala-dala mga inorder naming bbq. Nilapag niya sa table namin at umupo siya sa harapan ko. Sa sobrang excited ko pinakita ko sa kanya msg no Josh...
"Magka-chat kayo sa IG ng boss mo?" - seryoso niyang tanong. Parang di naman niya pinansin anong sabi sa chat. "Oo finollow niya ko sa IG.Di ako papasok bukas yehey!" - masaya kong sabi habang kumakain ng bbq. Tumango lang siya habang kumakain. Na-bother na naman ako. "galit ka ba?" - tanong ko. "Galit agad di ba pwede ngumunguya lang ng pork?" - sagot naman niya. Natawa ko! Ahaha medyo matigas nga ung pork na kinakain namin.
"Nakaka-bother e pag tahimik ka" - sagot ko. "Ay! Oo nga pala may ku-kwento ako dapat sayo kaso nag away tayo nung gabing yun" - sunod kong sabi. "Ano yun?" - tanong niya habang tuloy lang ang kain. "Hulaan mo sino nakita ko sa mall nung kasama ko sina Melody" - excited kong sabi. "Yung boss mo.. diba siya nga naghatid sayo?" - sagot naman niya.
"Iba pa yun... Bago si Sir Cullen meron pang isa! Hulaan mo dali!" - pilit ko sa kanya. "Hay nako Addie andami dami ko na iniisip dadagdagan mo pa sabihin mo na ... Sino?" - medyo naiinis niyang sabi. "Hahaha ang sungit naman neto... Sige na nga! Si Angelica" - sabi ko. Bigla siyang natigil sa pagkain. Halatang nabigla siya sa narinig niya.
"Angelica? Andito na siya sa Pinas?" - he asked. Tumango ako "halos kakadating lang daw niya nun nung magkita kami sa mall.. mas gumanda pa siya lalo ngayon Tey!" - excited kong kwento sa kanya. Nakikinig lang siya habang patuloy na kumakain. "Stell alam mo ba tinanong ko siya kung bat kayo nagbreak?" - sabi ko. Para naman nakarinig ng kung ano si Stell at naluwa niya ng konti iniinom niya. "Antagal na nun Addie bat mo pa tinanong" - paubo ubo niyang sabi. "Eh pano kasi ikaw ayaw mo sabihin sakin..." - sagot ko naman.
"Anong sabi niya?" - he seriously asked. "hm... Sabi niya tanong ko daw sayo, dapat sayo daw manggaling" - sagot ko. "Ang gulo niyo ring dalawa eh pinagpapasa-pasahan niyo ko" - dugtong ko. Tahimik lang siya. Di siya kumibo, "ano na? Di mo sasabihin?" - pangungulit ko. "Saka na lang.. tapos ka na? Tara na uwi na tayo" - aya niya sakin. Tumayo na rin ako since ubos naman na kinakain ko. Nagbayad si Stell sa counter at sabay kami lumabas sa ihawan.
"So sa bahay ka lang niyan bukas?" - tanong niya habang naka-akbay siya sakin, naglalakad na kami pabalik sa bahay. Tumango lang ako. "Sige daan ako bukas after work" - sabi niya. "Sana all may plotted na leave" - pang aasar niya sakin. "Hahaha oo nga e for the first time in forever!" - dugtong ko. Tawanan kami. "Feeling ko crush ka nun... Yung boss mo" - bigla naman sabi ni Stell. "pinag leave lang ako crush agad? Di ba pwedeng mabait lang siya at considerate na boss?" - sagot ko naman. "oh bat nagba-blush ka?!" - asar niya sakin sabay turo sa pisngi ko. Nahiya tuloy ako.. nag-blush ba talaga ako?
Nakarating kami ng bahay na inaasar pa rin niya ko. Medyo mag-gagabi na kaya di na rin siya gaanu nagtagal kasi maaga pa pasok niya bukas. Nagpaalam na siya kay Mama at hinatid ko ma rin siya sa may gate. "Thank you ... Ingat ka pauwi" - sabi ko sa kanya. Niyakap niya ko then kiss sa forehead. "Sige na pahinga ka ha? Wag ka muna magpuyat kahit wala ka pasok bukas" - sagot naman niya. Lumabas na siya ng gate at naglakad palayo.
Pumasok na ko ng bahay. Nag goodnight kay mama at umakyat na sa may kwarto ko. Naghilamos ng very light at nagpalit ng suot. Habang pahiga ako sa kama nagnotif si messenger.
"Cassidy Marie... bahay na ko. Tulog na ko niyan maya-maya, wag ka na umiyak ha? Pahinga ka ng marami" - chat ni Stell na may kasamang picture niya na katabi si Gimo. Ang cute nila...
"Sige di na ko iiyak basta wag mu na ko awayin! Haha oo ikaw rin matulog ka na kaagad wag ka magpuyat maaga ka pa bukas. Goodnight sa inyo ni Gimo" - reply ko naman. Pinusuan niya yung reply ko. Nahiga na ko sa kama. Gumaan na pakiramdam ko kasi bati na kami ni Stell. Di talaga ako sanay ng walang Stellvester sa tabi ko. Muni-muni lang na nakatingin sa ceiling hanggang sa dumating ang antok ko't nakatulog na ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/286675698-288-k852891.jpg)
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?