Kinabahan ako ng pagharap ko nakita kong nakatayo sa may gate si Stell. Nakapamewang. Halata sa itsura niyang galit siya. Napalunok ako. Yari ka Addie.
"Tey..." - pabulong kong sabi. "Pasok ka na" - sagot lang niya sakin diretso lakad after niya ikandado ang gate. "Mama andito na po si Addie alis na po ako" - bigla niyang sinabi at kinuha niya ang bag niya sa sofa. Nagbeso siya kay Mama saka dire-diretsong lumabas. Sumenyas naman si Mama na parang ibug sabihin eh sundan ko.
Hinabol ko siya. "Tey.. Stell! Sandali" - patakbo kong sabi sa kanya. Huminto siya malapit sa gate. "Uwi na ko maaga pa tayo bukas e matulog ka ng maaga para di ka hirap gumising kinabukasan" - matamlay niyang sabi sakin then he kissed my forehead. Grabe nagi-guilty ako. Parang antagal ata niya naghintay sakin.
Pabukas na sana siya ng gate ng papigil ko siyang hinawakan sa kamay. "Galit ka? Sorry talaga.. di ko kasi inexpect na magtatagal kami sa mall nila Melody e tas kung sino2 pa nakita namin dun---" di ko na makuhang matapos sinasabi ko bigla siyang sumagot. "Melody?? Eh bat lalaki naghatid sayo? Saka tama ba yung nakita ko? Yung bago niyong boss? Josh Cullen? Akala ko ba di kayo goods nun? E bat ngayun parang daig niyo pa mag-jowa ah? Napaka komportable na ata niya sayo't may pa-bye Addie see you tomorrow pa siya?" - tuloy tuloy niyang sabi.
Di ako nakasagot. Grabe, parang ngayon ko na lang ulit nakitang magalit ng ganito si Stell. "Sina Melody naman talaga kasama ko.. nakita lang namin si Josh sa Mall kinausap siya nila Emma't Melody parang di mo naman kilala yung mga un" - paliwanag ko. "Aba at tingnan mo nga naman .. JOSH? So Josh na lang no? Wala ng Ser... Aba level up" - sarcastic niyang sagot. Medyo nainis ako sa tono ng pananalita niya.
"Teka lang ha? Ano ba problema mo?! Bat galit na galit kang ganyan??? Nagsasabi naman ako ng totoo ah.. saka Oo Josh.. kasi sabi niya saming tatlo pwede naman namin siyang tawaging Josh pag nasa labas. Sinasabi ko naman sayo lahat ah bat ka nagkaka ganyan bakit ilang araw ka ba naghintay sakin? Saka diba sabi mo sa chat mo di ka na makakadaan dito kasi madami kang ginagawa?- katwiran ko.
"Una sa lahat hindi ko sinabi na di ako makakapunta, kaya nga may BAKA dun sa chat ko diba? Kase di ako sure e since agad ko naman natapos kaya nakadaan ako agad dito sa inyo. Sinabi ko bang di mo sinasabi sakin lahat? Tinatawagan kita Addie. Nagaalala ako sayo. Gumagabi na sana kahit man lang nagchat kang pauwi ka na. Kahit si Mama tumatawag di ka ma-contact. Gustuhin ko mang puntahan ka di ka nagrereply" - sagot niya.
Kinuha ko sa bag ang phone ko at hinarap sa mukha niya... Nag-shutdown na kasi nalowbat. "Happy?" - sabi ko. Umiling lang siya. "Sorry kasi nadisoras ka ng uwi dahil saken pero sana bago mo ko pagalitan ng ganyan e hinayaan mo muna ko magpaliwanag and as far as I remember best friend kita eh, hindi kita boyfriend" - bigla kong nasabi. Shit! Bat ko ba nasabi yun?tsk!
Nabigla siya. Kita ko na biglang nangilid luha sa mga mata niya... "Ah ganon? Oh pasensya ka na ha? Nag-aalala lang naman kasi ako sayo. Sorry ha ?!Oo nga pala best friend mo LANG ako!" - pagkasabi niya nun e mabilis siya lumabas ng gate at mabilis na naglakad palayo.
Gusto ko siya habulin at tawagin pero nawalan ako ng lakas ng loob. Bigla akong nalungkot. Pumasok ako sa loob ng bahay umiiyak. Yumakap ako kay Mama. "Kayo talagang mga bata kayo oh... Mag usap na lang kayu ulit pag di na parehong mainit mga ulo niyo" - sabi ni Mama. "Sorry po Ma if di ko masagot tawag mo kanina na-lowbat po kasi phone ko" - paiyak kong sabi. "Saka sina Melody naman talaga kasama ko eh nakita lang namin boss namin sa mall kaya namin siya nakasama, saka bumaba sa alanganing Lugar sina Melody kasi may mga sundo sila eh wala masasakyan na bus o kahit jeep kaya sumabay ako sa boss ko" - dugtong ko.
"Ah siya ba yung naghatid sayo?" - tanong ni Mama. Tumango lang ako. Pinunasan ni Mama luha ko at sinabi niyang umakyat na ko sa kwarto't magpahinga na. Yumakap ulit ako sa kanya at umakyat na ng kwarto. Pagpasok ng kwarto e agad ako nagcharge ng phone. Umiiyak pa rin ako habang nakatingin sa picture namin ni Stell "bat ka ganyan?Pinapaiyak mo ko?" - sabi ko habang nakatitig sa picture namin.
Nang mahimasmasan ako ay naligo na ko at nagbihis pantulog na... At humiga na sa kama. Naiisip ko pa rin yung mga nasabi ko kay Stell. Hayyyyyy bat kasi andami mo nasasabi pag galit ka Addie. tsk! Since full charged na phone ko I decided to turn it on. Gusto ko tawagan si Stell at magsorry. Pero naisip ko rin sinabi ni mama na mag usap na lang kami pag di na mainit ulo namin pareho. Kaya nag decide ako na wag na lang.
Magse-set na sana ako ng alarm ng may biglang nagpop up sa notification bar.. IG icon.
"Josh Cullen has requested to follow you"
Nagulat ako. Aba may IG pala to. Check ko sana profile niya nang bigla kong mapindot yung ACCEPT! Shit! Hay.. sigi na nga follow back ko na rin.
I checked his profile. Wala gaanong post. Madalang lang siguro magsocial media to, pero napansin ko sa mga lumang posts niya naglalaro siya ng mga online games. Back to my profile. I noticed may 1 na nakalagay sa may message icon.
"Hi Addie... Thanks for today. I really enjoyed your company, kayo nila Melody. Hope we'll get to hang out more soon. Goodnight!" - Josh
Gulat ako. Ambilis ah .. kaka accept ko lang ng follow request may message kaagad. Since di naman ako makatulog I replied, "Salamat din sa libreng coffee at paghatid. Goodnight"
"Sorry nagising ata kita?" - he replied. "Ah? Hindi... Gising pa talaga ako, medyo di ako makatulog hehe pero matutulog na ko niyan boss maaga pa pasok tomorrow e baka pag na-late ako e sermunan mo ko" - sagot ko naman.
"Josh na lang... Saka di ako ganun, di ako pala-sermon na tao Addie" - sagot niya. Ano ba yan at napapangiti ako whenever he says Addie, mapa-personal man or sa chat.
"Ay oo nga pala .. sorry Josh. Hehe Oo halata naman sayong di ka nanenermon napaka chill mo nga lang na boss" - I replied."Bago ako maging President e naranasan ko rin maging isang regular employee kaya I know what it's like" - sagot naman niya. Kanina ko pa gustong magpaalam na matutulog kaso nanlalaban din yun gusto ko pa siya magreply. Hay anu ba yan!
"You sleepy na ba? Sabihan mo lang ako ha?" - chat niya. Di pala ko nakapag reply dun sa unang sinabi niya. Pinusuan ko na lang at nagpaalam na matutulog na. He replied goodnight din naman.
Done setting up my alarm. Naguguluhan ako, nalulungkot ako kase nag-away kami ni Stell pero masaya naman ako kasi nakasama't naka-chat ko si Josh na mabait naman pala. Napagod na brain cells ko kakaisip hanggang sa makatulog na ko....
BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?