Maaga kami nakarating sa office ni Stell. Ganado kami pumasok ngayon kase ... Last shift!! Woohooo! And excited din ako mag sleepover sa kanila, namiss ko na Ajero family.
Agad ko iniabot kay Boss Mel yung mga papers na pinapatapos niya sakin at sinend ko na rin sa email niya yung iba. "Well done Ms. Dela Cruz" - pormal niyang sabi. "Thank you Sir" - sagot ko naman.
"Oh I almost forgot, papalapit na anniversary ng company. I want it to be extra special, pa-welcome na rin sa bago nating President. I already talked to Justin kung pano magiging setup ng event, you gather the team and come up with an exciting and glamorous theme" - sabi ni Boss Mel. "May pa-contest po ba ulit Boss?" - tanong ko.
"I don't know, I'm thinking more on special numbers na lang and if kaya naman ng budget we can request bands na magperform" - he answered. Na-excite naman ako! Banda daw?! OMG! Sana SB19 na lang! Hihi
Tumatango lang ako as he is telling me additional instructions then palabas na sana ko ng bigla niyang sinabi "teka.. diba you used to perform before sa mga events dito sa office? Kayu nila Stell? Why don't you gather your group ulit para include ko kayo sa special number?" - excited niyang sabi. Di ko na magawang makasagot eh sinulat na niya sa papel niyang mag-special number kami. Hayyy Boss Mel talaga.
"I'll talk to them mamayang lunch po Boss" - sabi ko na lang. Tumango lang siya at saka na ko lumabas. Pagbukas ng pinto bumungad sakin ang mukha ni Sir Josh.
He smiled. Ganda pala ng mata niya.
"Good morning Ms. Dela Cruz" - bati niya sakin. "Good morning Sir Cullen" - sagot ko naman. Saka na ko nag paalam umalis.
Pagbalik ko ng table ko eh kaagad ako nagchat kay Stell. "Tey? Kasama mo sila Pau? Let's meet sa pantry dito sa floor namin mamayang lunch may sasabihin ako.. sama mo sina Jah at Ken"
"Ano ba yan miss mo ko kaagad? Hahaha bakit anong meron? Sigi ayain ko sila dyan mamaya. See you at lunch" - reply niya.
Pinusuan ko na lang. Dami pa need tapusin.
Lunch time...
Nagchat ulit ako kay Stell to remind him na magkikita kita kami sa canteen sa 19th floor. Umoo naman sila. Bumaba muna ko para bumili ng milktea. I bought 5pcs para sakto samen, baka kasi magtampu ung tatlo't humindi sila sa proposal ko lagot na naman ako kay Boss Mel.
Pagbukas ng elevator siya na naman ang mukhang bumungad saken. Si Sir Josh Cullen. Nag-smile siya saken. "Hi Boss" - bati ko naman sa kanya. "Andami niyan ah" - sabay tingin sa mga dala kong milktea. Ngumiti lang ako, wala ko alam sabihin eh di ko rin naman siya maoffer kase sakto lang samin. Tumayo ako malapit sa may number while siya sa may likuran.
Dumarami pumapasok na employee hanggang sa mausog ako ng mausog. Hindi ko namalayan malapit na ko sa kanya.. asa likuran ko na pala siya.Ang awkward. Anlapit ko sa kanya, feeling ko tuloy naamoy niya ko, di pa man din ako gaano nakapag-perfume.
Nagstop ang elevator sa 16th floor, pagbukas ng pinto maraming lumabas sakto naman nakatayo na ang apat, "Uy si Addie! Hi Addie" - bati sakin ni Pau habang papasok sila sa loob. Tumabi sakin si Stell, tinulungan niya ko sa mga dala-dala kong milktea. Since free na ang right hand ko humawak ako sa braso niya then I leaned my head sa may left shoulder niya. "Sana all" - asar na sabi ni Ken. Nagtawanan sila. "Coming from you ah na maraming chix" - sagot naman ni Stell. Sumenyas ako kay Stell na wag msyado maingay.
"Bakit?" - pabulong niyang sabi. Kinuha ko phone ko then I typed "Asa likod natin ang bagong boss.. si Mr. Cullen" sumenyas siya sa tatlo na wag maingay sa elevator at nung palabas na mabilis na lumabas ni Sir Josh. Nagulat kami.
"Sinu yun?! Yabang ah .." - sabi ni Ken. "Sshhh! Wag ka maingay! Boss yun sira! Yun ung pumalit kay Sir Gomez. Nabigla silang tatlo. Expected kasi pag sinabing President or Vice President e matanda na.
"Yun pala si Meet-cute" - sabi ni Stell. Hinampas ko siya sa kamay at sumenyas na wag maingay. Pagdating sa canteen e nakahanap kaagad ng pwesto para samin si Jah, binigyan ko sila isa-isa ng milktea. "Wow! Anong meron Addie bat may pa-milktea? Kayu na ba ni Stell?" - pang aasar na sabi ni Paulo sabay kantyaw naman nila Justin at Ken. "Di ko type yan no" - sagot naman ni Stell habang ngumunguya ng pearl. "Alam ko naman!" - sagot ko sabay irap.
"Ano bang meron at dito mo kami niyayang mag lunch?" - tanong ni Pau habang kumakain. "Feeling ko alam na ni Justin to e, kasi diba malapit na anniversary ng company? Sabi ni Boss Mel e i-gather ko daw kayo ulit to do a special number" - paliwanag ko.
"Ano?!!!! Na naman? NO! Ayoku nga mag attend e" - reklamo ni Ken. "Once a year lang naman eh .. to naman, sigi na" - pilit ko sa kanya. Ayaw nilang apat. Hayyyy lagot ako kay Boss.
"What's in it for us naman if papayag kami? Saka di na katulad ng dati na kumpleto tayu nagpe-perform" - sagot ni Pau. Wala akong masagot. Oo nga naman... What's it in for them. I continued eating na lang ng biglang sabi ni Justin "Sali ka ulit Addie!Para kumpleto tayo" ... Na-excite ang mga mukha nila.
"Oo nga Addie, sali ka ulit! Wala naman na kayu nung uguk na Charles na yun wala na magbabawal sayo" - dagdag naman ni Ken. Napaisip ako. Every year kasi pag may events kaming lima ang madalas mgperform on stage. Ilang besis na rin kami nanalo ng contest. "Sali ka ulet?" - Stell asked. "ihhhh mahigit isang taon din ako walang practice di na ata ako marunong" - sagot ko. Sabay-sabay silang nagsalita't nag reklamo.
"Osigi na sigi na sigi na sali na ko!" - bigla ko sabi para matahimik sila. "Yehey!!!!!" - masaya naman sabi ni Stell. "Ang tanong, ano ipe-perform natin? Ulit-ulit na lang ata ginagawa natin eh" - sabi ni Jah. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa, pumunta ng YouTube "gusto niyo bago? Eto..." Nilapag ko ang phone sa table at pinapanuod ang cover ng SB19 na bakit ba ikaw.At the end of the video nag-agree naman sila na maganda and willing sila itry kaso sabi kasi ni Boss e 2 daw ung special number na dapat namin gawin. So ayun nag isip na naman kami ng iba pang pwede gawin. Then KEN came up with "Bazinga! Yun na lang dre! Malupet yun! Diba alam mo steps nun Stell?" Tumango lang si Stell. Pumayag naman sila.
"Okay so it's settled na? Bakit ba ikaw and Bazinga ah.. next week start na tayo ng practice. Jah? Sa place mo ulit?" - I said. Tumango si Justin. After lunch bumalik na kami sa kanya-kanyang office at tinuloy ang work. Kaagad ko naman natapos yung nga tasks so 5PM makakauwi na ko.
As I'm doing CLAYGO (clean as you go) sa table ko eh kinalabit ako ni Melody at tumuro sa right side. Pagtingin ko si Stell. Sumenyas ako sa knya na lumapit. "Wow aga nating nag-out ngayon ah" - bati ko sa kanya. "Hi Stell" - bati naman ni Melody. "Oo excited ako umuwi eh.. hi Melody" - sagot naman niya.
Habang nakatayo siya at hinihintay ako iligpit ang dapat iligpit, dumaan ang Sir Cullen. "Bye Sir Cullen" - bati ni Melody na kahit kelan e feeling close talaga! Haha "Bye... Ingat pauwi ah" - sagot naman niya then bigla siya tumingin sakin. "Bye Ms. Addie" - bati niya saken saka dumiretso lakad. "Bye Sir" - sabi ko na lang. Sinundan siya ng tingin ni Stell. "Ms. Addie? Close kayo?" - tanong niya. "Oo nga friend.. parang ngayon ko lang narinig na tinawag ka niyang Ms. Addie.. hala friend crush ka nun!" - asar ni Melody na parang kinikilig. Sinaway ko siya. There's no way na magustuhan ako ng Boss. Sa inasal ko ba naman nung una kami magkita e panigurado turn off na sakin yun.
Bumaba na kami at nagpaalamanan ni Melody. Day off na day off na ko! Excited ako sa sleepover kina Stell!

BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?