STELL's POV
"The most painful tears we cried,were the tears we cried in silence."
Sabi ng isang quote na nakita ko sa IG.Tulala akong nakatingin sa phone habang tuloy-tuloy ang pag-scroll. Nakatulog si Addie sa tabi ko. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Sinubukan ko siyang gisingin pero napasarap na tulog niya.
Time check: 2:00AM
Dahan-dahan ko ng binuhat si Addie papuntang kama.Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang tulog. Hindi mawala sa isip ko yung yakap niya sakin kanina nung sinabi kong susuportahan ko siya ano man maging desisyon niya tungkol kay Josh. Bakit ganun? Bat iba sa pakiramdam... Parang hinihintay lang niya yung approval ko?
Nakahiga ako sa tabi niya. Diretsu lang ako nakahiga nakatingin sa kisame.Sinubukan kong pumikit pero pilit akong ginigising ng diwa ko. Naiisip ko yung mga nangyari nung party. Tumunog yung kantang BEGINNING, MIDDLE, END na hindi kaming dalawa ang magkasayaw. Jam namin yun e, usapan namin pag yun na ung pinatugtog ni Jah kaming dalawa yung sasayaw. Agad pa man din ako nagpaalam kay Steph after namin magsayaw nung hahanapin ko na siya nakita ko silang dalawa ni Josh ang magkasayaw, kaya niyaya ko ulit si Steph. Kitang kita ko pano siya tingnan ni Addie, yung titig na kahit kelan di niya magagawa saken.
Ramdam na ramdam ko na mga susunod na mangyayari kaya sabi ko kila Jah sasama na muna ko sa kanila. Just as I expected nilapitan niya ko't ipinagpaalam sakin si Addie. Gustong gustong gusto kong tumanggi... Gusto kong sabihin na hindi pwede, na ako ang maghahatid since ako ang sumundo... Na AYAW KO. Pero nung tingnan ko si Addie sa malayo kausap sila Melody kita ko saya sa mukha niya... She's glowing.
Maayos niya kong kinausap lalaki sa lalaki, ramdam ko naman na seryoso siya na gusto niyang ligawan si Addie kaya wala na ko nagawa kundi hinayaan na siya ang maghatid sa kanya. Para kong binihusan ng napakalamig na tubig habang nakikita silang magkasama palabas ng function hall at nung nasa parking lot.
Sabi nga ni Paulo napakagaling ko daw na artista. Kayang kaya ko daw magpanggap na masaya kahit sa totoo durog na durog na ko. Pagdating namin kila Jah, dumiretso ako kaagad sa kusina para kumuha ng beer sa ref.Wala sa usapan namin ang uminom kasi allergic kami ni Ken sa alcohol saka di talaga namin sinanay yung katawan namin sa ganun pero gusto ko muna malasing, mamanhid at ibuhos ko lahat ng nararamdaman ko. Iniyak ko sa kanila lahat.Naalala ko pa nga sabi ni Pau, masyado daw ako martir. Ano bang dapat ko gawin? Aminin ko sa kanya na mahal ko siya? Tapos ano?Maiilang na siya sakin? What if di naman kami pareho ng nararamdaman para sa isa't isa? Tapos ang ending pati friendship namin masisira...? AYOKO!
Excited akong umuwi dito iniisip ko na sa kahit ganitong paraan na lang sana maparamdam ko kung gano ko siya kamahal. Pagdating ko wala siya.Magkasama daw sila ni Josh. Naghintay ako, maya-maya tumawag sila kay Mama... Stranded daw sila sa Tagaytay. Akala ko ba tayong dalawa unang pupunta sa Tagaytay Addie? Binalak kong umuwi pero di ko magawang lumabas, naisip ko kasi baka ito na lang ang huling pasok ko sa kwartong to kaya sinulit ko na. Nilinis ko ang kwarto ni Addie, pagtapos naligo, nahiga na lang sa sobrang pagod na rin kakaiyak.
Nagising ako sa boses ni Mama. Tanghali na pala. Sumilip ako sa bintana. Dumating na sila, daming dalang pasalubong. Hindi ako lumabas ng kwarto. Nakikinig lang ako sa usapan nila although di ko masyado marinig si Addie na nagsasalita. Nagpaalam si Josh. Sumilip ulit ako sa bintana. Kita ko saya ng mata niya habang kausap si Addie, bigla niyang niyakap. Kahit di ko narinig pero kita ko sa galaw ng labi niya ... "I love you Addie..."
Hindi ko alam kung sumagot si Addie. Basta ang alam ko tuloy-tuloy lang ang luhang pumapatak sa mga mata ko habang pinagmamasdan sila. Nagmadali akong naghilamos sa CR at bumalik sa pagkakahiga't nagpanggap na tulog. Naniwala naman siyang tulog pa ko, masaya siyang nagku-kwento ng mga adventures nila nung road trip hanggang makarating sa Tagaytay, nakikisaya at nakikibiruan na lang din ako para di halata.
Tulala pa rin akong nakatingin sa kisame ng biglang gumalaw si Addie't yumakap sakin. Isinandal ang ulo sa dibdib ko. Umakbay naman ako sa kanya at humalik sa noo.
"Pano nga ba mapapawi labis na pagdurusa?
Kung wala mang pag-asa
Turuan mo naman akong limutin ka..."Pabulong kong kanta. Iba si Josh sa lahat ng naging manliligaw ni Addie. Ngayon ko lang naramdman tong ganito ... Yung pakiramdam na parang aagawin na sakin ang best friend ko.
Susuko na ba ako?

BINABASA MO ANG
Endlessly
FanfictionIs long-term friendship worth the keep if you both know that you're feelings for each other is way beyond being "FRIENDS".Will you keep the friendship? Or are you willing to take the risk?