Chapter 1: Give Up

5.5K 86 8
                                    


Watch the trailer in the MEDIA SECTION :)


SEALED

Behind Those Tears Book 2

Split Ending Number 1 used.



After 1 Year.




Dabi's POV



" Del Olmo for President.." ang laki ng ngisi nito pagkatapos niyang ibigay ang flyers niya sa akin. Binasa ko ito pagkatapos ay pinunit sa harapan niya.




" Tingin mo mananalo ka laban sa akin?" banta ko sakanya. " Hindi mababayaran ng mukha mong yan ang boto ng mga estudyante." ngunit ngumisi parin ito ng makahulugan sa akin pagkatapos ay inakbayan niya ako sa harap ng maraming estudyante at nagsimula na silang magbulong-bulongan.




" Get your hands off me.." tinabig ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Itinaas niya naman ito at nabigla yata sa ginawa ko kaya tinignan niya ako ng mariin.




" Tss.." he smirked. " One day Alexa, One day i'll win over you.." sumipol siya at namulsa pagkatapos ay iniwan akong nakanganga sa harapan ng iba. Padabog akong tumalikod at naglakad palayo sa lugar. He's competitive. Maraming slots ang available pero bakit President pa ng Student Council ang gusto niya? Malapit na kaming mag 2nd Year College at kailangan ko ito. Hindi ba pwedeng mag Vice President nalang siya?





" Ang kapal ng apog na tawagin akong Alexa. Close kami? Close? Close?" padarag kong ibinagsak ang tatlong makakapal na librong bitbit ko sa table nila Lizie at Zen. Wala naman kasi si Belle dito, wala na kaming balita sakanya simula nung may nangyari sakanila ni Kuya.




" Grabe! Pwede namang ilapag ng mabuti Dabi kailangang ibagsak?" nakasimangot na sabi ni Lizie sa akin tumango naman si Zen bilang pagsang-ayon. Hindi ako nagsalita sa halip ay ibinaon ko ang mukha ko sa mga libro.






" Shit kasi Lizie! Gustong gusto niya yatang matalo ako. Alam ko naman na patas ang hatak namin sa mga estudyante pero di hamak naman na mas marami ang female population sa campus. Bwisit na kagwapuhan yan! Mamatay sana! I need this slot. I want mommy and daddy to be proud of me yung kakambal ko sikat na pero ako? I dont know.." Aigoo. Iniisip ko palang ang mukha ni Rence na nagbubunyi sa pagkapanalo ay hindi ko na matanggap. Dapat 1st Place ka lagi Pia Alexa.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon