Chapter 56- Handle

957 34 12
                                    

Nagkulong ako ng dalawang araw sa bahay. Nataon kasing saturday at sunday noon. Hindi na rin ako nagsimba. Mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. I turned of my phone and instructed Manong Guard to not let anybody visit the house. Nasa field Trip din si Amber habang si Kuya nasa Surigao kasama si Belle at ang parents ko nasa Camarines para imeet yung bagong client nila kaya naman naiwan akong mag-isa dito kasama si yaya. I tied my hair and decided to take a quick bath bago bumaba at kumain. Napagpasyahan ko ring manood ng Anime sa laptop ko. I opened the Fushigi Yuugi folder and watched it again. There's this scene wherein Tamahome and Miaka are so damn happy kaya naman mas lalo akong naiyak. Nakakainis! Kahit na masaya na ang ambient ng pinapanood ko ay iniiyakan ko pa rin. I grabbed the nutella on my bedside and started eating like I said this food is my stress reliever patapos na sana yung pinapanood ko nung nakarinig ako ng sunod sunod na tunog ng busina ng sasakyan. Nairita ako lalo kaya naman bumaba ako.

"Sino ba yang busina ng busina Delia?" tanong ko sa kasambahay namin.

"Si Sir Rence ho Maam." magalang na sabi niya sa akin magkasing edad lang kasi kami.

"Damn it." mura ko bago lumabas ng bahay. Patuloy pa rin siya sa kakabusina. Padarag kong binuksan ang gate at kaagad naman siyang lumabas sa kotse niya. " Ano ba! Nakakaistorbo ka sa mga kapitbahay!" sigaw ko.

"Because you wont talk to me. Damn two fucking days Dabi." ang kapal ng mukha mo Rence!

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" inis na sambit ko. " pwedeng patahimikin mo na muna yung buhay ko?"

"Will you please calm down and listen to my explanations." Tangina naman Rence. Wala akong panahon para makinig sa kagaguhan mo.

" Rence! Please? Leave me alone." pakiusap ko sakanya pero pinigilan niya ako. Sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko na kaagad kong binawi.

"You are pushing me away again."

"Its because you deserved this freaking treatment Rence!" sigaw ko ulit sakanya. " Kaya wag na wag mong isusumbat sa akin yan."

"I did those things because I fucking love you!"

"You fucking love me? sinong ginagago mo?sige nga!Sinong tao ang kayang pagsabayin ang pagmamahal at panloloko?"

"Ang kitid ng utak mo." galit niyang sabi. " Hindi na ako makatulog at makakain sa kakaisip kung gaano katindi ang galit mo sa akin. I knew this time would come but I totally have you right now. Mahal mo na ako Dabi. What's wrong with it?"

"Shit! Mas makitid pa pala ang utak mo eh." bulyaw ko. "What's wrong with it? marami! Kasi una ikaw ang dahilan kung bakit umiyak ako at sinaktan ako ng taong mahal ko. You love to see me being helpless without him and why? para ikaw ang takbuhan ko? That's bullshit Rence! Hindi ko lubos na masikmura at mapaniwalaan na magagawa mo yun!"

"Sweetheart please! Listen to me." pakiusap niya.

"NO! Stop calling me your sweetheart Rence! Stop this game dahil hindi ito maganda. Sinaktan ko si Denver kahit wala siyang kasalanan." and now my tears started to fell down from my cheeks. Pupunasan pa sana niya kaso tinabig ko na ang kamay niya. " at yung sa Tagaytay Rence? akala ko pumunta ka lang dun para sa wala pero lahat pala yun nakaplano and then what? ang kapal ng mukha mong ipakita yun kay Denver. Ni hindi mo naisip kung anong mararamdaman naming dalawa. You are selfish Rence, handa kang saktan kaming dalawa para lang mapasayo ako. Putang ina naman Rence! Hindi ako prize sa isang competition."

"Your way of thinking is wrong!" saad niya. " Sa tingin mo ba kung hindi ako naging selfish mapapansin mo ba ako? Diba Hindi? You're too busy taking
good care of him. did you even wonder about me competing with you?"

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon