Chapter 40- Over

886 30 6
                                    

9 am ang flight ko papuntang Baguio at ngayon ay ihahatid na ako ni Daddy at Mommy sa airport.

"Mag-iingat ka dun ha? Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo ang tita Sheryl mo." bilin ni Mommy.

"My naman! di na po ako bata para bigyan pa ng sakit ng ulo si tita Sheryl. Ikaw po ang dapat na mag-ingat! preggy ka pa naman."

"Yun na nga ang sabi ko sa Mommy mo e. Ayaw pa ring magleave sa firm." saad naman ni Daddy.

"B. di naman ako maselan kung magbuntis." tawa naman ni Mommy.

"kahit na." sagot naman ni Daddy. Hayy! ang mga parents ko talaga hanggang ngayon ang sweet pa rin.

Dumating kami sa airport ng mga 8am nauna ng umalis si Mommy at Daddy bago ang flight ko kaya naman mag-isa nalang din akong naghintay.. The flight was safe at pagdating ko sa Baguio ay sinalubong kaagad ako ni tita Sheryl.

"Tita!"

"Dabi!" tuwang tuwang sabi niya.

"Halika na.." yaya niya sa akin. " Alam ba ni Lucas na pumunta ka dito?"

"Hay naku tita, yang anak mo hindi ko alam kung makakagraduate pa sa kabulastugang ginagawa niya. Habulin ng babae e."

"Saan pa nga ba magmamana kundi sa Dad niya." tawa naman ni tita she. umiling naman ako.

"Tita?"

"hmm."

"ah wala po." ngayon kasing lumalaki na si Lucas mas lalo kong nakikita ang pagkakapareho nila ni Ninong Karl. Chinese ang naging asawa ni Tita Sheryl pero bakit si Lucas parang pure korean ang dating? ni hindi nga singkit ang mata niya e and besides I overheard Tita She and Mom's conversation.. totoo nga kayang anak ni  Ninong Karl si Lucas kay tita She?

"so how's my son in Manila?" saad ni Tita habang nagmamaneho. " Kamusta sila dun?" tapos ay napatigil ng madali bago dinagdagan ang tanong niya. " How's your ninong Karl?"

"Lahat kami okay Tita.. lalo na si Ninong Karl." sagot ko.

Maya-maya pa ay dumating na kami sa tinutuluyan ni tita She. Malamig nga pala talaga dito sa Baguio. Hinaplos ko ang braso ko para hindi ginawin.

"Oo nga pala Dabi mamaya ay pupunta dito yung ibang kasamahan ko kaya hindi muna kita maipapasyal dito ha? bukas nalang tsaka magpahinga ka muna alam kong pagod ka sa byahe."

"Sige po tita." saad ko bago pumasok sa kwartong hinanda ni tita. It was a cozy place. Tatlong araw lang ako dito kaya naman susulitin ko na. Hindi ko naman namalayang nakaidlip ako kaya naman pag gising ko at pagtingin ko sa relo ko ay alas otso na ng gabi at may mga tao na sa baba. hula ko ay nandito na ang mga kasamahan niya sa trabaho. Inayos ko na muna ang sarili ko bago bumaba. I'm now wearing a gray shirt mga nakadalawang damit pa ako sa loob ay stripes at sa labas ay isang simpleng gray shirt na nilagyan ko pa ng isang tapis ng gray shole. lumapit ako kay Tita at ipinakilala niya naman ako sa mga katrabaho niya.

"how I wish I have a daughter too." ngisi ni Tita Sheryl.

"Tita, lalabas lang po muna ako." paalam ko. Tinignan ko naman ang cellphone ko at halos malowbat na ito sa dami ng message at calls. Umupo ako sa may labas ng bahay at nakitang may dumarating na sasakyan. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa huminto ito sa parking space ng bahay. Nanlaki naman ang mata ko nung makita ko kung sino ang may-ari nito.

Si kuya Kian?

Kaagad akong tumalikod para hindi niya ako makilala pero sadyang minamalas nga ako dahil huli na dahil nakita niya na ako. Lumapit siya sa akin at wala akong nagawa kundi harapin siya. What a small world.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon