Chapter 20-Wounded

974 33 0
                                    

10 pm pa lang ay tulog na si Rence. Abala naman ako sa pagchecheck ng Unit niya. Sinimulan ko sa sala. All the things are shades of maroon and white. Malinis ito at mukhang inaalagaan, walang alikabok sa sofa, sa glass table at namangha pa ako dahil may aquarium sa loob ng glass table niya na may dalawang goldfish sa loob. Matapos ay tinignan ko din ang mga magazines na nakapatong sa table, karamihan dito ay home and furniture related mags, ineexpect ko pa naman na may FHM dito dahil si Lucas at Kuya ay mahilig dun. Napansin ko rin ang nakaorganize na cd's sa ibaba ng flat screen tv niya. I checked it at puro scifi movie ang nandun, Grey's Anatomy and The Walking Dead Dvd's. So mahilig pala siya sa mga ganito?

Pagkatapos nun ay kaagad na akong pumunta sa mini kitchen niya, inuna kong buksan ang ref at hindi ko inaasahang pati ito ay organize ngunit karamihan ay instant foods at mga beer na in can. Paano naman ako magluluto para sakanya bukas kung ganito ang laman? napabuntong hininga na lamang ako bago ko napansin ang nakasabit na colored wine glasses. Malinis din ang kusina. Bakit ganun? nung huling punta ko sa unit ni Den ay ang gulo gulo ng lugar niya, hindi katulad dito. maaliwalas at ang presko ng amoy tingin ko ay orange pa ang air freshener na gamit ni Rence e.

Sinilip ko naman si Rence na mahimbing parin ang tulog sa kama at parang bata kung matulog. Matapos nito ay pumunta ako sa CR niya, kahit dito ay organize din. napahawak ako sa shaver niya tapos ay binasa ang brand name. Hmm.pareho sila ng gamit ni Den. Blue rin ang kulay ng toothbrush niya. pagkatapos ko sa cr ay pumunta kaagad ako sa lalagyan niya ng mga damit. Obsessive compulsive ba itong si Rence at kahit damit ay nakacolor coding? An organize man is every woman's dream at isa na ako dun. maya maya pa ay lumapit na ako sa kama ni Rence. May napansin akong dalawang photo album sa bedside niya, ang isa ay picture nila ng pamilya niya at ang isa ay baby picture niya. He's cute. Napangiti ako.

"are you done checking my unit?" nagulat ako ng makita kong gising na naman siya.

"pinagloloko mo ba ako? nag tutulog tulugan ka lang ba?"

"Nope, I really fell asleep." saad nito tsaka pinalo ng marahan ang kama niya. "di ka matutulog?"

"Sa sofa na lang ako." palusot ko.

"If you're thinking of me raping you then stop thinking, the probability is 0.00."

"Good!"

"Now come here. Gusto mo lagyan natin ng unan sa pagitan?" offer nito.

"hindi ba dapat ay sa sofa ka matulog kasi parang awkward." suhestyon ko. "gentleman ka naman diba?"

"but.."

"please?" pakiusap ko.

"aish! Hindi na ako inaantok! Magpuyat na lang tayo." saad nito tsaka bumangon at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papuntang sala. total hindi rin naman ako inaantok ay nagpahila na lamang ako sakanya.

" tapos?"

"lets watch?" yaya niya pero tumanggi ako. Di ako mahilig manood ng TV e pero may naisip akong pwede naming gawin.

"how about we'll play a game?" suhestyon ko. "Packing Tape game!" tapos ay kinuha ko yung masking tape na nasa bag ko. Ibinalik ito sa akin ni Lizie kanina mabuti na lamang at naisip kong nasa bag pala ito. "Tadaa!" sabay pakita ko ng packing tape.

"tapos?"

"Syempre sa tuwing matatalo ka ilalagay sa hairy part mo yung packing tape tapos yung mananalo e siyang magtatanggal nung packing tape. so game?" napangisi naman siya sa sinabi ko.

"Hairy part huh?" saad niya. Bigla naman akong namula nung narealize ko ang gusto niyang iparating. Babae ako pero mabuhok yung legs ko! nakalimutan ko pang magshave this week!

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon