Sealed- Special Chapter 1.0

669 24 3
                                    

"I'm so happy for her.." I smiled. Now, I'm currently amazed at my boyfriends features.  Nakakainis aminin pero ang swerte ko talaga sakanya.

"Everyone's happy for them, Darling." sabi niya sabay halik sa kaliwang kamay ko na kanina niya pa hinahawakan. " But you cried a lot, parang ikaw ang Mommy ni Stacie."

"Ano ka ba! Bestfriend ko yun! Malamang! Nakakaproud lang kasi sila ni Mark. Tears of joy yun!"

"Hindi ko nga alam kung magpapasalamat ako sa kasal nila. After 3 months nagkita na rin tayo. Dont you miss me darling?" Oo nga pala, Rence and I are so busy with our career. Nasa Cebu siya this past 3 months since may kliyente siyang magpapatayo ng resort dun. Habang ako nandito sa Manila busy sa firm nila Mommy.

"Namiss kita." bulong ko.

"c'mon say it louder." panunukso niya sakin.

"nang-aasar ka ba?" I frowned.

"I dont wanna steal Stacie's spotlight today but I really want to kiss you on stage." hindi ko maiwasang mamula.

"Gago, bakit sa stage pa?"

"practice? para sa reception ng kasal natin pag nagkataon." marahan kong hinampas ang balikat niya.

"Sira, matagal pa yun." ngisi ko. Pagkatapos nun ay niyakap niya ako mula sa likod habang tinitignan namin sila Stacie at Mark na nagsasayaw sa gitna ng stage. Hindi ko na naman maiwasang mapaluha. Yung bestfriend ko kasi kasal na. Parang kailan lang ang babata pa namin. Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap ni Rence sa akin nung napansin niyanh nangingilid na naman ang luha ko.

"Sobra.. kitang.. namiss Dabi." Nanindig ang balahibo ko sa boses ni Rence na umaalingawngaw sa tainga ko. Humarap ako sakanya at ngumiti.

"Mas sobra sobra kitang namiss." sagot ko ulit.

"but I miss you more.." ayaw niya pang magpatalo.

"I miss you most."

Matapos ang kasal nila Stacie ay nagpasya kami ni Rence na umuwi na.

Pinayagan ako nila Mommy na mag overnight kila Rence dahil may party yata sa bahay nila. Kating kati na talaga akong kamustahin si Stacie kung ano na nangyayari sakanya, kung di ba yun kinakabahan sa honeymoon nila o kung ano, pakiramdam ko ako yung kinasal knowing masyadong wholesome yung kaibigan ko.

"Darling, enjoy. Wag mo na masyadong isipin si Stacie." puna sa akin ni Rence. Binigyan niya ako ng juice pagkatapos ay ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko.

"Gusto ko nung barbeque Rence." utos ko sakanya.

Tumango naman siya bago nagpasyang kumuha ng barbeque, pool party na naman kasi ang trip nilang magpipinsan ngayon. Maya maya pa ay may nagtext sa cp ni Rence na nakalapag lang sa harapan ko. I got curious so I decided to open it kaso pinalitan ni Rence ang password niya. Kumunot naman ang noo ko, kailan niya pa pinalitan ang password niya?

Di pa man ako nakakarecover e biglang nag appear sa screen yung

Casidee Calling..

Kinabahan ako nung nakita kong nag appear ang pangalan ng babae sa cellphone ni rence. Mas nainis pa ako nung napansin kong nakacustomize pa dahil nag aappear pa picture nung babae habang tumatawag.

"Hello?" malditang sabi ko.

"Who's this? why are you answering my boyfriend's phone?" mas malditang sabi niya sa akin sa kabilang linya.

"Excuse me? What are you talking about? I am his girlfriend!" padiin ko pang sabi.

"Do you want to die Bitch?" banta niya sa akin. " Dont you know me? Hindi mo ba kilala ang isang Casidee Beatriz Mojica?"

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon