Chapter 26- Around

890 32 0
                                    

Kinaumagahan ay kaagad kong tinext si Rence. Niyaya ko siyang makipagkita sa akin hindi lang para magpasalamat sa ginawa niya kundi para pagsabihan din siya na wag ng lalapit sa akin para hindi kami mapag usapan ng iba..

Dalawang Major subject lang ang klase ko ngayon pero bawat isang subject ay tig tatlong oras kaya mamayang 8pm pa ang out ko. Nilagay ko sa bag ko ang files na kailangan for the upcoming events sa school dahil ipapasa ko ito sa Admin's office. It was a sunny day kaya naman nag apply ako ng lotion ang conscious ko ngayon sa skin ko pero bago pa man ako tuluyang pumunta sa school ay nagpasya akong bisitahin na muna si Stacie sa bahay nila.

Pagdating ko dun ay kaagad kong nakita si Kevin na nakatingin lang sa laptop niya. Hindi nga niya napansing nandito ako.

"mukhang busy ka ah." bati ko sabay upo sa tabi niya. Kaagad niya namang isinara ang laptop niya. "bakit mo in-off?"

"I'm sorry it was pretty confidential." rason niya. Pretty confidential? o may pinanonood kang kaanohan diyan. "nasa taas lang si Stacie bababa na rin yun."

"By the way, bumisita na ba si Mark dito?" tanong ko kaya naman medyo nagsalubong ang kilay ni Kevin. He's jealous.

"hindi pa." sagot niya. Ang sungit naman! magtatanong pa sana ako nung makita kong bumababa na si Stacie. wala dito ang mga magulang niya pero atleast kasama niya si Kevin.

"Dabi! Anong ginagawa mo dito?" masayang bati niya sa akin.

"kakamustahin lang sana kita." sagot ko. "You look so pale."

"Ano ka ba! I'm okay." depensa niya bago tuluyang umupo sa tabi ni Kevin habang ako ay umupo naman sa harap nila. Sinulyapan ko si Kevin na seryoso lang na nakatingin sa cp niya. His features are somehow the same with Rence. "Ano papayag ka na ba sa shoot?"

"Stacie Jaide Zhang-Young? kailan mo ba ako tatantanan sa shoot na yan?" biro ko kaya sumimangot naman siya.

Tumawa lang siya pagkatapos kong sabihin iyon pero yung mga ngiti niya parang may mali pa rin. We had a little chit chat at nagtagal ako sakanila ng mga isa at kalahating oras.

dumiretso na ako sa school pagkatapos ay nakatanggap ako ng reply mula kay Rence. binura bura ko pa ang number niya tapos hihingiin ko din pala ulit. Mabuti na lamang at may number ni Rence si Nessa kundi dehado na naman ako kay Kevin kapag hiningi ko ulit sakanya.

from: Rence 🔫

okay, 8pm rooftop.

tipid ng reply niya. Deserving talagang malagyan ng baril yung screen name niya. Asar siya.

Nagsimula ang sunod na klase ko kaninang 5pm.Brain Drained na ako kahit na isang oras palang na naglelesson si Prof Redusta. Hindi ako interested sa topic kaya naman medyo inantok pa ako mabuti na lamang at hindi ako nahuhuli ni Sir na umiidlip kahit na segundo lang.

"Class dismissed." saad niya bago tuluyang umalis na.

Bakit ba ang haba ng oras kapag nag aaral ka? hayy. Niligpit ko ang mga notebook ko at nilagay sa bag ko. Dumaan na muna ako sa may locker room para ilagay yung libro ko na hindi ko gagamitin bukas.

pupunta pa ako ng rooftop. Habang naglalakad ako papunta dun ay nakasalubong ko si Lyra at Joyce.

"Dabi! Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Joyce.

"Mamaya na. Magpapasundo rin ako e." sagot ko.

"Gusto mo sumabay ka nalang samin ulit nila kuya Ejay?" yaya ni Lyra.

"Naku! Okay lang." tanggi ko.

"Pacommonwealth din naman kasi itong si Joyce." dagdag pa ni Lyra. "Oo nga pala kinausap ko na si Prof. Pineda. Approved na daw yung project proposal natin."

"talaga?" halos magtatatalon ako sa tuwa. My God! kami ang unang naaprubahan sa batch namin. "e kamusta yung iba?"

"Yung kila Chyna tapos kila Paul ipaparevise ni Prof." saad naman ni Joyce. " Sige mauna na kami ha?"

"Sige, ingat kayo!!"

Pagkatapos nun ay kaagad na akong tumungo sa rooftop. Sinuot ko pa ang jersey jacket ni Denver dahil alam kong medyo malamig dun mamaya.

Hingal na hingal akong dumating sa rooftop. Binuksan ko ang pinto at wala namang tao. Nadismaya naman ako dahil akala ko ay late na ako at naghihintay na sa akin si Rence. Asar! Saan ba yun nagpunta?

Ilalabas ko na sana ang cellphone ko para itext si Rence nung makarinig ako ng mga yapak galing sa likod nung parang bodega sa rooftop. Bigla akong kinabahan lalo na nung makarinig ako ng mga kalampag ng kadena. bigla ring bumukas ang ilaw doon.

biglang nanuyot ang lalamunan ko. Inilagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko at lakas loob kong sinilip ang kung anong meron sa loob.

Hindi ako makahinga nung nasaksihan kong yung kadenang naririnig ko kanina ay isinasakal sa isang estudyante. Nanlalaki ang mga mata ko nung marealize kong kilala ko kung sino siya. Senior namin siya. Napatakip ako ng bibig nung makita kong may tatlong lalaking nakapalibot sakanya.

Oh my God Kuya.. kuya. Joden?

Napaatras ako nung nakita kong may inilabas na kutsilyo yung isa sakanila. Halos manlumo ako sa nakikita ko. Takot na takot ako at sa sobrang takot ko ay hindi ko maigalaw ang buong katawan ko na para bang gusto kong magshut down.

Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng uniform ko nung maaninag ko yung dalawa sakanila.

Si Kuya Renan at Bernard.

Pinipigilan kong hindi mapasigaw sa nasasaksihan ko. kailangan ko na yatang umalis!

"Sinabi ko naman sayo Joden diba? wag mo na kaming pakialamanan ni Riza. Madali lang namang magpaabort pero bakit mo pa pinaabot sa Admin? Gusto mo talagang makick out kami ano?" banta ni Kuya Renan.

"Renan tama na yan!" saway ni Bernard.

"anong tama na?" sinuntok niya si kuya Joden kaya naman napapikit ako lalo. " papatayin ko itong hayop na ito."

"Sige! subukan mo." matapang na sabi ni Kuya Joden. "mabubulok ka sa bilangguan pagkatapos nito gago ka!" sigaw ni Kuya Joden.

"Lagyan niyo nga ng putang inang packing tape ang bibig niyan." utos ni Kuya Renan kay Bernard. Sumunod naman ito sakanya.

"Wala akong pakialam, dahil alam kong makakalusot ako hanggat may pera pa kami." sagot ni Kuya Renan bago sinaksak si Kuya Joden.

Napaatras ako lalo sa ginawa niya. Para akong mababaliw sa nasaksihan ko. Hindi ko maiwasang umiyak at mabalisa kaya naman dali dali akong lumayo sakanila pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"SINO YAN?" sigaw ni Kuya Renan.

Nanginginig akong lumayo sakanila at dali-daling tumakbo. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa sobrang pagkakabigla.  Shit na cellphone! ipapahamak pa yata ako.

Rence.. Rence nasan ka na ba? wag na wag kang tutuloy sa rooftop please!

Rinig na rinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin. Hindi ko na maklaro ang daan ko dahil nagsisipatakan na ang mga luha ko. Kailangan ko ng tulong.. si.. si Kuya Joden.

Si Kuya Joden..

napasigaw ako nung may biglang humila sa akin pero tinakpan niya ang bibig ko kaya naman hindi ako marinig. Pumasok kami sa Men's CR at hindi ko na alam ang gagawin ko. God ikaw na po ang bahala sa akin.

"Dabi.. Dabi." parang slow motion kong nakikita si Rence maging ang boses nito ay bumabagal din sa aking pandinig. "Dabi.."

"R-rence." sabi ko bago ako yumakap sakanya at tuluyang humagulgol. "may mga sumusunod sa akin.. si. si Kuya Joden."

takot na takot ako nung marinig ko ang boses ni kuya Renan.

"PUTANGINA HANAPIN NIYO!" Utos niya.

hindi ako mapakali. Mas lalo pang isinara ni Rence ang CR at nagtago kami sa may pinakadulong cubicle.Tinakpan ko ang aking bibig at patuloy na isiniksik ang mukha ko sa bisig niya. Ayoko silang makita. Ayoko silang marinig. Mahigpit kong niyakap si Rence.

"You'll be okay. You're safe with me now." saad niya bago niya tuluyang tinakpan ang magkabilang tainga ko gamit ang dalawang kamay. " Dont hear, Dont think. Just dont.. You dont have the right to be..afraid when I'm around." he whispered.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon