Chapter 12: Lessen

1.1K 32 1
                                    

Chapter 12: Lessen


Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin si Rence. Kinabukasan ay maaga na akong pumunta sa Seminar Hall. Mabuti na lamang at wala si Rence. Himala!


"Dabi!" Bungad sakin ni Warren.


"Ano?" Nagtatakang tanong ko.


"May problema. Umuwi si Razel ng Manila ni hindi rin siya nagpaalam sakin. Ngayon ang reporting namin.." nagpapanic na sabi ni Warren sakin. "Anong gagawin natin?"


"What? Ano na naman ba ang problema niya?!" Sabi ko. "Nag away na naman ba kayo? Seriously Warren naman!"


"Sorry Dabi pero kailangan ko pa siyang hanapin. Siya kasi dapat ang magrereport. Kaso di ko alam kung saan siya dapat hanapin.." inis na inis ako nung marinig ko ang sinabi ni Warren.


"Ilang katangahan pa ba ang dapat na mangyari sa seminar na ito ng dahil diyan sa girlfriend mo? Warren naman! Anong gagawin ko? Wala akong alam sa field niyo.."


"Dabi, wag ka ng mag alala, tinawagan ko na kaninang madaling araw si Rence para magsub. Nasa loob na siya ng Hall.." ano? So yun yung dahilan kung bakit walang Rence kaninang sumundo sakin!? Sandali saan ba dapat ako magalit!? Kay Razel na tatanga tanga o kay Rence na di ako sinundo kaninang umaga?


"Okay. Hanapin mo na! Kami na ang bahala.." saad ko tapos ay tinapik ko ang balikat niya bago tumuloy sa hall. Pagpasok ko ay kaagad na nagtama ang paningin namin ni Rence! Lord. Gwapo siya ngayon! Ngayon lang! Nakasuot man siya ng black pants at dark red na shirt.


"Good Morning!" Bati nito sa akin sabay ngiti. Kung ibang babae pa ako ay malamang hinimatay na sila sa pagbating yun.


"Okay na?" Check ko sakanya sabay tingin sa presentation na inaayos niya.


"Ikaw? Okay na!?" I shrugged. "Di ka pa rin okay?"


"I'm okay Rence. Gusto mo ng tulong?"alok ko. Ngumisi naman siya at pinaupo niya ako habang nasa likod ko lamang siya. Narinig ko pa ang buntong hininga.


"Are you mad? Hmm. Kay Razel?" Tanong niya.


"Yup. Dapat nagpapakaprofessional silang dalawa. Ang sakit nila sa ulo." Reklamo ko sabay scan ng powerpoint presentation.


"Atleast I'm here.." saad niya. "Di mo na kailangang mag alala.."


"Well. Thank you for that Rayleigh.." narinig ko namang humalakhak ito. Tama lang! Yung sinadyang ako lang makakarinig. "Oh bakit?"nilingon ko siya.


"Ang sarap kasi pakinggan.." sabi niya. Umiwas naman ako ng tingin. He's intimidating right now lalo na at medyo halata na ang beard niya. Bakit bagay sakanya yun?


"lahat ng salita gumaganda kapag ako ang bumabanggit.." biro ko pa. "But seriously thank you.. hmm. Rayleigh?"

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon