Chapter 51: Bargain

980 29 4
                                    

beware of typos and grammatical errors.
------
Kaagad naming isinugod si Rence sa hospital. Mabuti na lang at dumating sila Tito Senjo at Daddy kaya naman may kaagad na rumesponde sa amin and now I'm waiting outside the operating room with Dad. Wala akong ibang magawa kundi titigan ang dugo sa kamay ko. It was cherry red at halos nababasa na rin ito ng luha ko.Ikwinento ko narin kay Daddy ang kasong kinasasangkutan ko and he was totally shocked. Maya maya pa ay nagsidatingan na ang iilan sa mga pinsan ni Rence kasama ang sa tingin ko ay Mommy niya.

"How's my son?" tanong ng Mommy ni Rence. nagpipigil lang itong umiyak kahit na nangingilid na ang luha sakanyang mga mata.

"Is he okay?" dagdag pa ni Ate Cass. " My God, what happened?"

hindi ako makasagot sa mga sunod sunod na tanong nila at sa mga nangingilatis na tingin nila. Nagpalitan kami ng tingin ni Kevin at nakita kong ikinuyom niya ang kanyang kamao. alam kong alam niya na naman kung ano ang dahilan nito.

pero ayokong munang mambintang dahil wala akong sapat na ebidensya. Una, hindi ko nakita kung sinong sumaksak kay Rence at ikalawa kailangan munang magising ni Rence bago namin malaman kung sinong may gawa sakanya nito.

at sa oras na nalaman kong ang mga Azcona na naman ang may kagagawan nito ay mas lalo akong mangigigil na labanan sila. Kinausap na ni Daddy ang Mommy ni Rence at fortunately magkakilala naman sila kaya hinayaan ko nalang sila. Ako naman ay bigla nalang napayakap kay Kevin. Humagulgol ako dito sa sobrang takot.

"Dont cry.." pagpapatahan niya.

"Its my fault Kevin. This is really my fault." utas ko. Naramdaman ko namang may yumakap sa akin mula sa likod at nakita ko si Ate Cass.

"This is not your fault Dabi." pagpapakalma naman niya.

They should atleast throw a word to me pero wala akong natanggap na ni isang masakit na salita galing sakanila.

"Ate.. I'm sorry." hagulgol ko.

"Dont blame yourself okay but for now lets wait for the result. I just hope my brother is okay." saad ni Ate Cass. Kaagad namang lumabas mula sa operating room ang doctor. Lahat kami ay lumapit sakanya. Halos maiyak na ako lalo nung nakita ko ang seryosong mukha ng Doctor. Nagtago pa ako sa likod ni Daddy dahil guilty na ako. Hanggang sa sinabi na nga ng Doctor na medyo mabuti na ang lagay ni Rence although under observation pa siya dahil nagtamo siya ng dalawang saksak.

Pagkatapos ng operasyon ay nilipat si Rence sa ICU at sa tingin ko ay pinipilit lang ng Doctor na maging okay kami kahit na hindi pa sigurado ang kalagayan ni Rence.

"Umuwi na muna tayo." saad ni Daddy.

"Dad, pwede bang maiwan na muna ako dito?"

"His family is here Dabi. Babalik tayo bukas, we'll be with you at the hearing. You need to condition yourself."

"give me a minute Dad." pakiusap ko sakanya bago sinilip si Rence. He was lying in the hospital bed, sleeping and still breathing. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Ang sakit sa kalooban na nakikita siyang ganyan.

"Tita." tawag ko sa Mommy ni Rence na mugto na ang mata sa kakaiyak.

"Oh bakit Hija?" saad nito bago pinunasan ang luha sa mata niya.

"Babalik po ako dito bukas. Gusto ko po sanang magstay pero sa tingin ko ay mas kailangan ka ni Rence."

"Sure.. go ahead Hija. Ako na ang bahala sa anak ko." tinapik ko ang balikat ni tita at marahan itong hinaplos. Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinaplos din ito.

"My son really loves you.." saad niya bago niya akong tuluyang tiningala. "Dont doubt his feelings for you, Everything he does  is genuine. Give him a chance when he woke up."

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon