Chapter 54- Cant do this

968 39 3
                                    

Short Update
beware of typos.

-------------
Palabas na ako ng classroom ko nung makasalubong ko si Lizie na nakasimangot. Itinapon niya sa basurahan ang isang bouquet ng rosas bago niya ako nakita.

"Oh bakit mo tinapon? Sayang!"

"Hindi ako masasayangan kung makapal ang mukha ng nagbigay." masungit na sabi niya sa akin. Nanlaki naman ang mata niya nung napatingin siya sa likuran ko. " Oh my God! Itago mo ako dali!" tarantang sabi niya bago nagtago sa likuran ko. Nilingon ko naman kung sino ang tinutukoy niya pero si Rence at si Ice lang ang nakikita kong papunta sa direksyob namin. Teka? bakit nandito si Ice?

"Pinagtataguan mo ba si Rence?" tanong ko.

"Hindi. Wag ka ng matanong! Omg! Tara na dali. Takbo!" taranta niya pa ring sabi pero bago pa man kami makaalis ay naabutan na nila kami.

"Tamang tama magkasama pala sila." sabay nguso ni Rence kay Lizie. yung kaninang tarantang Lizie ay nakataas na ang kilay ngayon.

"Hiramin ko muna to ha?" paalam ni Ice sa akin. Napanganga naman ako. Magkakilala sila?

"No. Let go of me. Ano ba Ivan!" pagpupimiglas pa ni Lizie habang tinatangay siya ni Ice sa amin. " Ivan Cezar! I said let go of me!"

"Ivan Cezar? Magkakilala sila?" takang tanong ko kay Rence.

"Ivan Cezar's his real name. Why dont you ask Lizie Sweetheart?"

"Sila ba?"

"I dont know."

"E bakit nandito si Ice? To think na naka La Salle Uniform pa siya." takang tanong ko ulit.

"Hinahanap niya si Lizie e." tipid namang sagot ni Rence.

tumahimik nalang ako. Lizie should explain the connection between her and Ice.

"Wala ka bang projects? o di kaya Quizzes Rence?"

"Hmm. Quiz, meron mamaya but I can handle it without studying." proud niya pang sabi sabay akbay sa akin.

"Ang galing mo talagang magbuhat ng sariling bangko." biro ko sa kanya.

"But you're smarter than me." dagdag niya pa. " Our offsprings will surely be a genius."

"Ikaw sira ka talaga! Ilang beses mo na akong inaasar sa mga ganyan."

"dun na rin naman papunta yun." tipid niya pang sagot.

Nagpahatid ako sakanya sa Council Office bago ko siya pinayagang umalis na. Nadatnan ko naman dun ang mga kasamahan ko na nagtatalo.

"What's wrong guys?"

"These two wont stop fighting over a report." inis na sabi ni Kyla.

"Anong report ba Kyla?" tanong ko.

"Engineering subject. Malay ko ba! Architect tayo eh." sabi niya bago nagkibit balikat.

"Arthur, Ellen. Maliit na bagay pinag-aawayan niyo. Magbati na nga kayo." saad ko.

"Bati? e kanina pa ako nagsosorry pero wala pa rin siyang ginagawa. Hindi ko naman kasalanang naiwan ko sa Taxi na sinakyan ko yung report at di ko nakuha yung plate number." Inis na sabi ni Ellen.

"Kita mo na. Taas taas pa ng boses mo. May nagsosorry bang nakikipagbreak?" bulyaw naman ni Arthur.

and we all started to laugh. Ang cute nilang dalawa.

"Ay naku! makalabas na nga lang!" saad naman ni Kyla. Nakaisip naman ako ng gagawin kaya sumama rin ako kay Kyla. Iniwan namin yung dalawa sa loob and gave them privacy.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon