Chapter 50- No

1.1K 41 9
                                    

Pagkatapos kong umamin sakanya ng nararamdaman ko ay hindi niya na ako tinantanan. He's always there for me kung minsan ay binibilhan niya pa ako ng pagkain at hinahatid sa classroom ko. The thing is hindi naman kami, The feeling is probably mutual but we still need to go back to the old times. Gusto kong maranasang ligawan ng isang Rayleigh Rence Carsagon- Del Olmo.

Alam ko rin na maraming magpapaulan sa akin ng tanong, maraming mambabatikos sa set up namin ngayon, Marga and Rence's love affair ended up like that. Sa huli ay sinunod ako ni Rence, Oo masaya kaming dalawa ngayon pero ang mga nasa paligid namin ay hindi. Katulad nalang ni Lizie.

"Utang na loob naman Dabi! Bakit naman sa dinami dami pa si Rence pa na boyfriend ni Marga?"

"Lizie, Hindi sa ganun." pangangatwiran ko.

"Hoy, Pinalagpas ko na ang pagiging jologs at stalker ni Belle kay Dobi pero yung nangyayari sa inyo ni Rence? Its a no.. no.." iling niya pa.

"Ibang kaso naman yung kay Belle at kay Dobi sa amin."

"Oo, kasi wala silang sinaktan at inapakang tao. E kayo?" Lizie's too hard on me damang dama ko ang pag-aalala niya sa akin habang nagagalit. She's a real bestfriend indeed. "Nawala lang ako sandali sa Council Office ayan na yung nagyari? Naku! Susugurin ko talaga yang si Rence! Oo boto narin naman ako sakanya pero my God naman Dabi, may tamang oras para diyan."

"E anong magagawa ko? mahal ko siya Lizie." dahilan ko pa.

"Mahal? Batukan kita diyan eh. Ano yun? Instant kang nakamove on kay Denver?"

"Ibang usapan na si Denver dito." sagot ko habang gumuguhit sa sketch pad ko. Tumayo naman si Lizie sa pagkakaupo at tinaasan ako ng kilay.

"Nasestress ako sayo." saad niya pa.

"Lizie naman eto na yung happiness ko." saad ko. Ngumuso naman siya.

"Oo nga, ayan na happiness mo oh. Alis na ako." galit paring sabi niya. Nilingon ko naman ang likuran ko at nakita ko si Rence na nakapamulsa at naglakad papalapit sa akin. Nilagpasan naman siya ni Lizie kaya nagkibit balikat nalang ito.

"What happened?" tanong niya.

"Projects." tipid na sagot ko. Ayoko namang malaman ni Rence na inaayawan siya ni Lizie ngayon.

Umupo siya sa mesa at tiningala ko naman siya. His hair is kinda messy, and he's still sweating.

"May ginawa ka ba?"

"Its nothing, kakatapos lang naming maglaro ng basketball sa may gym." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at sinuri ng mabuti ang mga mata niya. He's too handsome right now.

"Kinausap ka na ba ni Marga pagkatapos mo siyang hiwalayan?"

"She wont talk to me so I dont mind. Aw.. Ouch." saad niya nung pinagpapalo ko ang balikat niya.

"Anong you dont mind? Gusto mong hambalusin kita ng upuan?"

"Wow that's rude." ngisi niya. Yung totoo? Wala ba talaga siyang pakialam kay Marga at nakukuha niya pang ngumisi?

"Rence.." tumingin naman siya sa relo niya bago bumaling sa akin.

"Yes sweetheart?" Sweetheart? hmm.Bakit ba kapag siya ang bumabanggit niyan ay ang lakas ng epekto nito sa akin? Pakiramdam ko ay naapektuhan nito ang buong sistema ko na para bang ito yung hinahanap kong kulang sa sarili ko.

"Humingi ka ng tawad kay Marga." utos ko.

"Tatlong beses niya na akong nasasampal tapos gusto mo pa rin na magsorry ako?" hindi makapaniwala niyang sabi.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon