Chapter 41- My Girl

867 34 2
                                    

I'm trying really hard to finish the story by the end of November so that I could edit the SMEHO. So yeah! Pls bear with me. Lol!I'm so happy there's still 10 people who's reading SEALED. Thank you guys!😘😘😘

----------------------------------------------

Tumulong ako kila tita She na magbigay ng mga free generic medecine sa mga tao. My whole stay in the Baguio is worth it. I'm craving for strawberries again. Dito pala sa Baguio mas mahal ang prutas kesa sa mga gulay, sabagay parang mga vegetarian nga ang mga tao dito samantalang ako hindi yata mabubuhay ng walang karne.

"Gusto mo?" alok sa akin ni kuya Kian sa mga strawberries na binili niya. Kaagad namang nangningning ang mata ko.

"Sure! Thanks! bibili na sana ako nito naunahan mo lang ako." sagot ko bago kinagatan yungs strawberry.

Tahimik naming pinagmasdan sila Tita Sheryl na ineexamine yung mga tao.

" Ang sarap pala lalo sa pakiramdam kapag nakakatulong ano." saad ko kay kuya Kian na busy rin sa pagkagat ng strawberry niya.

"Oo nga." tipid na sagot niya. Humarap naman ako sakanya. Ngayon ko lang din napansin na pareho sila ni Rence ng pilikmata at ilong. Kahit kailan pala talaga ay may pagkakapareho din sa mga magpipinsan pero iniisip ko palang si Lucas at baby Chesca ay parang hindi naman kami gaanong hawig.

"Kailan ang balik mo sa Manila?" tanong ko.

"Baka sa makalawa. bakit?"

"Pwede ba akong sumabay sayo?"

"Sure. By land? o sa plane? dala ko kasi ang sasakyan ko. Mas gusto ko ang by land e."

"Sige! Okay lang din sa akin."

The rest of the day is somehow very tiring since wala kaming ginawa kundi ang tumulong sa kapwa and so as the other days. Wala rin akong balita sa kaso ni Kuya Joden kaya naman gusto ko na ring umuwi. Kagaya ng napag-usapan namin ni Kuya Kian ay nakisabay ako sakanya para narin makatipid ng pamasahe tsaka gusto ko lang din siyang makasama since madalas kong makita sakanya si Rence. Nakatulog naman ako buong byahe kaya naman nagising na lang ako nung ginising ako ni Kuya Kian at sinabing nasa Maynila na kami.

"Saan kita ibababa?"

"Sa commonwealth nalang Kuya." saad ko bago ko kinusot kusot ang mata ko.

"Okay.."

Kinabukasan nun ay thursday na. Kailangan ko na namang pumasok. Nakahingi narin ako ng kunwaring medical certificate kay Ninong maliban dun ay nagbaon din ako ng strawberries para ibigay kina Lizie sakto namang pagpasok ko ng classroom ay niyakap ako ni Lizie.

"Lizie!" saad ko.

"Tatlong araw kang hindi nagparamdam. Wala kaming balita sayo. Ano ba ang nangyari sayo? kahit anong kulit ko kay Amber ayaw niyang sabihin eh. Kainis ka talaga Dabi." sabi niya bago ako tuluyang binitawan sa pagkakayakap.

"Ano ka ba! Okay lang ako." saad ko.

"Sigurado ka? bakit ang putla mo?"

"wala to. Alam mo namang anemic ako diba?"

"Kahit na, di mo dapat pinapabayaan ang sarili mo."

"and now you're giving me the creeps Liz." tawa ko. "hindi ako sanay na ganyan ka."

"Ay naku! pasalamat ka pa nga at nag aalala ako sayo."

"Kaya nga! salamat.." ngumiti ako sakanya bago iniabot ang strawberries sa bag ko. " Ayan! pasalubong ko."

"OMG! strawberries! favorite ko to." masayang sabi ni Lizie na kulang nalang magningning ang mata sa strawberries. " ay oo nga pala, yung plano niyo sa foundation day? na-approve na ba?"

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon