Chapter 44-Important

860 30 9
                                    

Dedicated to @KVinBlue for her very long  message on my MB. Ikaw na hyper. Haha! Thank you!!

------------

"My.. di nalang po ako papasok bukas."paalam ko kay Mommy.

"Mabuti naman at nakapagdesisyon kang magpahinga nalang." nag-aalalang tanong ni Mommy. "Itetext ko nalang ang Ninong Karl mo mamaya para icheck ka."

"Yes My, ingat sa byahe niyo ni Daddy."

"Wag mo kaming alalahanin okay? take care of yourself. Malelate ng uwi si Amber at Lucas dahil may program daw sa school nila."

"Opo My, nagpaalam na rin si Amber sa akin."

"Inutusan ko narin si Yaya Ising na pumunta ng grocery para maipagluto ka niya."

"Opo My."

"Ang kuya Dobi mo mamaya rin darating kaya mag-iingat ka dito ha?"

"Oo na po Mommy." ang dami talagang bilin ni Mommy.

"B, baka gusto mong wag nalang tayong tumuloy? ayaw mo ng iwanan si Dabi e." biro ni Daddy habang inaayos ang necktie niya.

"B naman!" saway naman ni Mommy.

"sige na po. Mahuhuli na kayo sa flight niyo. I'm really okay mom." Matapos ay tumango naman si Mommy kaya umalis na sila.

I looked at my dextrose.Ayoko talaga sa hospital kaya naman dito lang kami sa bahay kapag nagkakasakit. Maliban sa nandiyan naman si Ninong Karl ay mas komportable ako dito. Dalawang araw na simula nung nangyari sa EK at hindi ko parin ito makalimutan. He did that to me without even noticing that I'm also hurt.

Nagtabon ako ng kumot at pumikit. Mag-isa lang ako sa bahay, kailan kaya sila darating? Umidlip na muna ako at Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ko. marahan akong bumangon at inabot ito sa may bedside table.

"Hello.." sagot ko habang kinukusot pa ang mata ko.

"Dabi, nasaan ka?" tanong sa akin ni Jordane.

"Nasa bahay ako." sagot.

"Wag na wag mong ibababa ang tawag ko."

"At bakit?" tanong ko. Narinig ko namang may pumasok na sa bahay.
Nandito na yata si Ninong Karl. "nasaan ka ba?"

"Dabi, lock the door." nanginginig pang sabi niya. " Dabi, I'm sorry!"
pagkatapos ay humagulgol siya. " papunta na ako diyan, sa Commonwealth ang bahay niyo diba?"

"Teka, Jordane!" napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit sakit talaga, Migraine na yata ito. "Ano ba ang ibig mong sabihin?"

"Dabi, nalaman ni Joseph na ikaw ang witness. Malamang papunta na sila diyan." Napahawak ako sa batok ko. Ano daw?

"Dabi just dont open the door at wag mong ibababa ang tawag."

"Ano na naman ba ito?" inis kong sabi.

"Ipapaliwanag ko sayo pagdating ko diyan." saad naman ni Jordane. Napatingin naman ako sa pintuan ko. Mula kasi dito ay naririnig kong may pumipindot sa passcode button at palaging nagkakamali. Bigla akong kinabahan, Iilan lang kaming nakakaalam sa mga passcode namin. Kaming apat at si Yaya Ising.

"Wait.."

"bakit? may nangyayari ba?" tanong ni Jordane. Himas himas ko pa ang ulo ko bago tumungo sa may pintuan. Dinig na dinig ko pa rin ang pagkakamali ng tao sa labas sa mga pinipindot na numero.

"Walang mangyayari sa akin. Hindi naman ako mag-isa may guard kami sa gate. Ibababa ko na." pagkatapos ay ibinaba ko na ang tawag. Nakakainis! sa halip yata na tulungan ako ni Jordane e mas lalo niya pa akong pinahamak. Maya-maya pa ay tumigil na sa pagpindot yung nasa labas. Kaagad naman akong tumawag sa guard gamit ang telepono ngunit walang sumasagot. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil nung nagtangka akong buksan ang ang pinto ay bigla nalang may kung anong ingay na nabasag mula sa labas. Kaagad kong tinawagan si Ninong para makasigurado.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon