Chapter 21-Doomed

1K 28 1
                                    

Maaga akong umalis sa unit ni Rence, sinigurado kong walang nakakita sa akin pag-alis ko kundi talagang malalagot ako sa boyfriend ko. Mabuti na lamang at sunday ngayon, walang pasok at pwede kong bawiin ang tulog ko kagabi. nakakastress talaga!!

Pagdating namin sa bahay ay nag unat unat na muna ako pagkatapos ay sinara ko ang gate. tinungo ko kaagad ang sala at nakita kong may dalawang matatabang batang babae ang pinagkakaguluhan nila.

"Uh? mommy? anong meron?"

"Dabi anak! Meet your new cousins." napanganga ako sa sinabi niya. Cousin?    sa pagkakaalam ko ay si baby Chesca lang at Lucas ang mga pinsan ko. papaanong may ganito?

"anak ni?" takang tanong ko.

"Our daughters Dabi." bungad ni Tito Senjo sa akin na kakarating lang din at may kasamang babae. pabalik balik ako ng tingin sa mga bata at nakita kong kamukhang kamukha sila ng hula ko ay nanay nila?

"Uh? kelan pa tito?"

" Kaya pala kasi di nagpapakasal yang tito mo ay dahil may hinihintay at hinahanap siya. Oo nga pala, siya ang Tita Addison mo and they're alreadt married." dagdag pa ni Mommy. Nung una ay nagulat pa ako ngunit kaagad din akong nakarecover. Im happy nag asawa na si Tito at may dalawa pang instant baby. Akala ko kasi talaga ay tatandang lalaki si Tito.

"Ang cute naman nila. Ang tataba ng pisngi, ang sarap pisilin. Anong pangalan nila?"

"Rahee and Rayul." sagot ni Tita Addison. "Racie Heevana and Razie Yuleen."

Aah! The names are so nice! Kinarga ko si Rayul, Identical twins sila hindi katulad namin ni kuya na fraternal at madali mong malalaman kung sino si Rahee at Rayul sa kambal dahil may mga pangalang nakaburda sa damit nila. "Tito dito ba muna kayo sa bahay?"

"Oo, dito na muna kami til next week." sagot ni tito na nakapagpangiti sa akin. Its been years simula nung mawalan ng baby dito sa bahay dahil malaki na si Amber and now, nandito na si Rahee at Rayul. (see the multimedia)

"Rayuliee! Raheeshi!" tawag ko sakanila at sabay naman silang natawa. Ang cute cute nila!

"Tito, they're such a stress reliever!"

matapos nun ay nagkaroon kami ng kaunting pagsasalo kasama sila lola gusto pa ni lola na magkaroon ng church wedding para kila tito Senjo pero tumanggi na si Tita Addi at nag suggest na paghandaan nalang ang nalalapit na birthday ng kambal. Mas okay nga kung disney princesses ang theme ng kambal.

"Oo nga pala may pupuntahan kami nila Senjo mamaya kaya naman kayo muna ang magbabantay sa kambal." bilin ni Mommy. " Ma? ikaw na po ang bahala sa mga bata ha? "dagdag niya pa. mabuti na lamang at nandito si Lola atleast may katulong kami.

"Opo Mommy." sagot ko.

Hindi nagtagal ay nagsialisan na sila Mommy, kinuha kaagad ni Lola si Rayul dahil mukhang inaantok na ito samantalang si Rahee ay naglalaro pa sa crib niya. Nakipaglaro naman kami kay Rahee kaso ay hindi naman din natagalan dahil may pinuntahan si Amber kaya ang resulta ako ang tagabantay. Binuhat ko si Rahee at lumabas sa terrace. Tuwang tuwa ang baby lalo na kapag pinaglalaruan namin yung mga halaman.

"Do you like it Rahee? Ay nako! mana ka talaga sa akin!" sabay pisil ko sa pisngi niya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nagpapicture kasama si Rahee. Gusto kong iupload ito sa instagram account ko. Naglog in kaagad ako habang buhat buhat si Rahee. Nakaprivate ang account ko kaya maraming follow request ang natanggap ko. Natigilan pa ako nung makita kong isa si Rence sa mga nagsend ng request. eh? may instagram account si Rence?

"Tignan mo to Rahee! ang stalker talaga." utas ko tsaka hinalikan na naman si Rahee.

pipindutin ko na sana yung ✖️ button nung biglang umiyak si Rahee. para naman akong trying hard na nanay na nagpapatahan sakanya mabuti na lamang at lumapit sa akin si shield kaya nadivert ang attention ni Rahee at tumigil na rin siya sa pag iyak.Pagtingin ko ulit sa phone ko ay hindi ako makapaniwalang napindot ko ang ✔️ button.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon