Chapter 29- Relieved

810 23 0
                                    

Bago pa man dumiretso sa police station ay huniwalay na ako kay Lizie. I know she's mad pero wala akong choice. Hindi ko rin sinasadyang masigawan siya kanina at pinagsabihan ko na rin siyang wag ng alamin ang pinag gagagawa ko dahil ipapaliwanag ko din sakanya lahat pagkatapos nito.
Pagdating ko sa Police Station ay kaagad na sumalubong sa akin ang papalabas ng si Rence at Kevin. Sa reaksyon palang ni Kevin ay alam ko na ang nangyari.

"Rence."

"You two should talk." saad ni Kevin bago kami tuluyang iniwan.

"Rence, sinabi mo na ba sa pulis? bakit? bakit pabigla bigla ka ng desisyon?" pero tinignan niya lang ako ng masama at marahang namulsa. Hindi siya umiimik.

"starting today, You are out of my life. I dont want to see you around, dont go near me and stop asking me questions." natigilan ako sa sinabi niya.

"Ano ba ang sinasabi mo!? Bakit ka ba umamin?"

"tabi." masungit niyang sabi bago ako nilagpasan.

"Rence! sandali lang naman." pigil ko. Mahigpit kong hinawakan ang braso niya at hinarap niya naman ako. I cant read those eyes. Bakit ang lamig din ng mga tingin mo sa akin?

" What's so hard about you being out of my life? Diba eto naman ang gusto mo?" mahinahon niyang sabi.

"No!" sagot ko.

"listen, I'm doing this for the both of us para malinis ang konsensiya nating dalawa." paliwanag niya.

"pero paano ka? mapapahamak ka?"

"and now you think of me as a weakling?" hindi makapaniwalang sabi niya. " I just want you to cooperate."

"Rence, bawiin mo yung sinabi mo sa mga pulis! bawiin mo."

"Fuck Pia." mura niya. " I didn't say anything."

bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit kaya naman nabigla siya.

"Thank God.." bulong ko.

" but I'm asking you to get out of my life. Hanggat nandiyan ka hindi ako makakagalaw ng mabuti." dahan dahan niya akong pinabitaw sa pagkakayakap ko.

"why do you need to leave too? why are you pushing me away too?" tanong ko sakanya.

"what do you mean?"

"Wala." utas ko.

"No! What do you mean?"

"wala sabi e."

"If the two of you wants to talk then do it in a private place! probably not in front of the police station." I was about to talk when a girl approached us. Matangkad siya at maganda, actually may kamukha siya pero hindi ko mawari kung saan ko nakita.

"oh, ano ang ginagawa mo dito? di ka papasok?" pagkatapos ay kinilatis niya ako mula ulo hanggang pala. I dont like the way she stares at me. Susungitan ko na sana nung inalahad niya ang palad niya sa akin para magpakilala.

"By the way, I'm Morph Ricafuente."

"Pia Alexa Maniago." pakilala ko din. So siya yung kausap ni Kevin sa kabilang linya dati?

"I'll go inside. Susunod na lang ako sa inyo." paalam ni Kevin matapos kaming iwan.

Kaagad namang naglakad si Rence patungo sa sasakyan, half running din ako para maabutan ko siya ang lalaki maman kasi ng ng mga steps niya.

"Rence, are you going to avoid me?" Pumasok siya sa Driver's seat kaya naman kaagad din akong pumasok sa sasakyan. "Ano ba Rence!"

"why do you have to be so hardheaded?" inis na sabi niya bago pinaandar ang sasakyan at nagmaneho.

"And why do you have to be so cold? Alam mo bang nag-ala-- no, alam mo bang nagulat ako nung tinawagan ako ni Kevin na aamin ka."

"kung hindi sana siya dumating edi sana nagawa ko na."

"at kung hindi siya dumating malamang pinapaulanan ka na ng death threats."

"I want you gone Dabi."

"at pagkatapos? mananahimik tayong dalawa?" tanong ko sakanya.

"Mananahimik ka." diin niya.

"Nakakainis ka naman e!" bulyaw ko. Hindi pa ba obviuos na inaalala ko lang siya? Pareho kaming naiipit dito pero kagaya niya ayoko rin siyang mapahamak.

"How's shield?" tanong niya. Segway moves ikanga. Now that he mentioned shield ilang araw ng hindi ako ang nagpapakain sakanya but he's fine.

"Mabuti naman siya."

"would you mind if I send him into a training school for dogs?"

"for what?" nabingi yata ako sa sinabi niya.

"I want him to be trained exactly the way they're training those canine dogs." Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Isa walang kaalam alam sa mundong aso na walang ginawa kundi ang magpacute ang itetrain mo para maging canine?

"You dont need to do that. We're training him already."

"I'll borrrow hin for a week." utas niya. " And dont say no."

"Okay, you can borrow him." pumayag na ako para naman may rason pa akong makita siya pagkatapos nito.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Ihahatid na kita sa bahay niyo."

"What? No!" reklamo ko. " Hindi kita tatantanan hanggat hindi ko nasisiguradong hindi ka susugod sa police station."

Ipinarada niya ang kotse sa harapan ng isang park. Napatingin naman ako sakanya.

"You are going to stay by my side?"

"yes." tipid na sagot ko.

"No." sagot niya.

"Yes! at kapag nalaman kong pumunta ka pa ulit sa police station pati ako kakanta sa mga pulis!" banta ko pa. galit siyang bumaba sa sasakyan at lumibot papunta sa akin banda pagkatapos ay pinagbuksan ako.

"Bakit?"

"Baba!"

"Anong ginagawa mo!?"

"I told you stop questioning me." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko bago kami naglakad sa may park at kaagad na tumungo sa isang maliit na stall.

"Rence! Saan mo ba ako dadalhin?"

"We'll gather evidences, we'll find another witness together." suhestyon niya. hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa inaasal niya ngayon.
"We'll find our own cover."

"Rence.." bulong ko sa sarili. "Pumapayag ka na? na di kita iiwan hanggat di ko nasisiguradong di ka na pupunta sa police station?"

"What can I do.. you're one hell of a rule to be followed."

"Yes!"

"But i'm not going to tolerate your wickedness. So..Lets go." saad niya bago kami tuluyang pumasok sa stall.

Thank God, I'm relieved.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon