Chapter 6: One More

1.3K 40 13
                                    

Halos ibalibag ko ang expandable tube na hawak ko ngayon sa pagmumukha ng katabi ko. Hindi ako makapagconcentrate. Ilang linggo na akong lutang sa mga pinag gagagawa ni Rence! Ano ba ang kailangan niya sa akin? Ano pa ba?!





"Sasabay ka sa amin pauwi ng hotel? O kay Rence?" Tanong ni Razel. Sinilip ko ang exit door at nakita ko yung ugok na nakapamulsang naghihintay dun. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga babae. Ni hindi niya pinapansin ang hi at hello nila.




"Sasabay ako sa inyo.." dali dali kong inayos ang mga gamit ko. Keri lang dabi. Wag mo siyang pansinin. Papatayin ako ni Denver nito sa mga pinagagagawa ko.




"Okay. Tulungan na kita gusto mo?" Alok ni Warren.




"Baby!" Inis na wika ni Razel. inangat ko ang tingin ko sa dalawa at itinaas ang kilay ko sa pagtataka.



"Kayo?" Usisa ko.




"Yes!" Ani razel.





"No."ani Warren.





"Whatever!" I rolled my eyes pagkatapos ay naglakad na palabas. Pagkakita niya palang sa aming kakalabas ay lumapit na ito kaagad sa akin. Mabagal ang bawat yapak niya. Yung buhok niya nakakaumay dahil sumasabay din sa galaw ng necklace niyang may isang singsing. Tapos yung tikas ng tindig niya. Okay! Umay ba talaga dabi? O nagnanasa ka na?




"Sasabay daw samin si Dabi.." salubong ni Warren sakanya.




"Talaga?" sagot niya sabay hablot ng dala kong mga gamit. "saang hotel kayo raze?"





"Bakit mo tinatanong?" Masungit na sabi ko. "I told you not to wait.."




"Tss." tipid na sagot niya.




"Ano ba yan! We should separate na muna! May lakad pa kami ni Warren and besides 7pm pa lang naman. See you nalang sa hotel.." wika ni Razel saka hinila si Warren palayo sa amin. I groaned in frustration. 

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon