Chapter 48- Please

1K 49 15
                                    

A very long update for you guys. Enjoy Reading! Next Update will be on Wed.

Dedicated to @BambamXKersia

----------
Buong araw akong hindi nakapagconcentrate sa sinabi ni Rence. He wanted me to go to his unit and stop the date but why? Naguguluhan pa rin ako. Maya-maya pa ay natapos na ang klase ko. Tumingin ako sa orasan. Kapag ba dumaan ako sa unit niya ay matatagalan ako pero iniisip ko palang na papupuntahin niya si Marga doon ay hindi ko na kayang maatim kaya naman kaagad na akong nagligpit ng gamit.

Dumiretso ako sa may students locker at iniwan doon ang mga libro ko. Dumaan din ako sa Council Office para naman icheck ang mga kasama ko doon at nung nasigurado ko ng wala ng problema ay nagpasya na akong umalis. Mabilis akong naglakad papuntang gate nung nakita ko si Jordane at si Renan na magkasama. Hula ko ay may hinihintay sila at sa tingin palang ni kuya Renan ay alam kong ako na iyon. Pinilit ko silang lagpasan pero pinigilan ako ni Jordane.

"Dabi, sumama ka sa amin." yaya niya. Pinasadahan ko naman si Kuya Renan na prente lamang na nakatayo sa may gate ni hindi niya ako nililingon.

"Ano na naman ba?" inis na sabi ko.

"Sumama ka sa amin Dabi." halos mapaos ng sabi ni Jordane. Napansin ko ang pasa sa kanyang balikat kaya naman kaagad niya itong tinakpan.

"Pero may lakad pa ako."

"Why dont you come with us before you get hurt?" inis ng sabi ni Kuya Renan. kainis! ngayon ba nila hihingiin ang desisyon ko? ni hindi ko pa nga naiisip na iurong ang kaso kung sakaling magsasampa ako para kay Kuya Joden. Rush? damn. Tinatakot ba nila ako?

Kinagat ko ang labi ko at wala na akong nagawa kundi ang sumama nalang sakanilang dalawa. Sumakay kami sa isang gray na CRV si kuya Renan ang nagmaneho habang katabi niya si Jordane at nasa likod ako.
Dumating kami sa bahay ng mga Azcona, mahigpit ang seguridad nila dito at sa laki ba naman ng bahay ay maraming nagkalat na mga guards dito. Karamihan sakanila ay masama ang tingin sa akin. Sinamahan ako ni Jordane na pumasok sa isang malaking silid at tumambad sa akin ang fiancee niyang nakaupo, naninigarilyo at magkasalubong ang kilay. Naubo pa ako ng bahagya sa ginawa niya.

"Hindi na ako magapapaligoy ligoy sayo pero kailangan ko na ang desisyon mo." saad niya pagkatapos ay lumapit sa akin. Hindi ko maiwasang mapaatras dahil sa talagang nakakatakot siya. Mabuti na lamang at naidial ko ang cellphone ni Ninong Daze kaya naman kahit papaano ay panatag ako.

"Hindi niyo ba ako mabibigyan ng ilan pang ara-" nasapo ko ang aking pisngi nung isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Joseph Azcona.

"You dare threatened my family!?" nanlalaki pa ang mga mata niya sa galit. " You even asked for help at sa kalaban pa namin?" Shit. Ang hapdi ng pisngi ko.

"Wala kang karapatang sampalin ako ng ganoon lang." sigaw ko sakanya at inis naman siyang tumingin sa akin.

"Do you really wanna die?" saad niya. "Right here.. in this place?"

"Let your family change, Hindi nabibili ng pera ang hustisya sa akin." inis na saad ko. "Isa pa, pakawalan mo ako dito kung ayaw mong papuntahin ko ang Ninong Daze ko dito." ipinakita ko sakanya ang cellphone ko na naka-in call kay Ninong Daze.
"Lumaban kayo ng patas."

"You.."

"Hello Ninong, nairecord niyo po ba? opo.. wag kayong mag-alala. I'm safe." saad ko bago sinulyapan ulit Ang kuya ni kuya Renan. Tuluyan na akong umalis at bumulaga na naman sa akin si Jordane. Kaagad niya akong niyakap at muli siyang humagulgol.

"Dabi.." iyak niya. Mabuti na lamang at wala si kuya Renan dito.

"Anong nangyari sayo? bakit may pasa ka? bakit ka umiiyak?" sunod sunod na tanong ko.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon