Chapter 22- Dont like

937 28 0
                                    

This will do. Hindi ko naman kailangang magpaganda pa sa paningin niya dahil alam kong maganda ako katulad ni Mommy.

"Hindi ka ba niya susunduin?" tanong ni Amber habang nakahiga sa kama ko at nilalaro si Shield.

"Hindi na. Ayokong makita siya nila Mommy." rason ko pero deep inside nangngingitngit ako. Magyayaya ng dinner tapos di ako susunduin?

"Alam ba to ni kuya Denver?" napaubo sa tanong ni Amber. Hindi niya na dapat pang malaman dahil pupunta lang naman ako dun para sa kwintas tapos uuwi kaagad.

"di na kailangan. Alis na ako ha? pagdating nila Mommy sabihin mo nalang na di ko na pinatulog si baby Rayul dahil nilalaro siya ni Lola." bilin ko sakanya bago umalis na.

Yabu Restau. Tss!

Tumingin ako sa relo ko at saktong 7pm na akong dumating. Pagpasok ko ay umupo kaagad ako sa may bakanteng table. Wala pa rin siya? 7pm sharp pala ha?

tinext ko siya at naghintay ng reply niya. Inip na inip na ako sa kakahintay sakanya, Lumipas na ang isang oras wala pa rin siya? pinaglololoko niya ba ako? e halos maubos ko na yung tubig sa restau na ito! nakakahiya! Padabog akong tumayo at nagmartsa na palabas nung makita ko siyang pinaparada na ang sasakyan na gamit niya. Its the same car, Tangina Del Olmo ha! Di ako santo para magpasensiya sayo ng ganito.

"I'm sorry.."

"necklace ko?" sabay lahad ko ng palad ko. " Akin na." kaagad niya namang kinuha sa bulsa niya ang necklace at ibinigay sa akin.

"should we?" sabay nguso niya sa restau na para bang niyayaya niya akong pumasok ulit dun.

"mag-isa mo!" utas ko. "TAXI!!!!!!"

"Sandali.." pigil niya.

" tama na siguro ang isang oras na pinaghintay mo ako noh? kaya pwede? gusto ko ng umuwi."

"hatid na kita." alok niya.

"Just leave." tipid na sabi ko bago pumasok sa taxi.

Inis na inis akong dumating sa bahay, hindi maipinta ang pagmumukha ko kahit si shield na sumalubong sa akin ay gusto kong pagsisipain sa sobrang inis!

Pinapunta mo ako dun tapos magpapalate ka? at di mo manlang ako pinilit ng sobra? tagos sa ilong mo yung sorry mo!

"arf arf!" tahol ni shield.

"tumahimik ka!" saway ko sakanya, sa sobrang amo nito ay bigla na lang itong tumigil at nagmukmok sa gilid. " kasalanan to ni Rence! Last na talaga yun! Last na!"

Itinulog ko nalang ang galit ko pagkatapos naming magfacetime ni Den. Hindi umubra sa akin ang pagpapacute ni Den dahil naiirita talaga ako sa ginawa niya.

Kinabukasan ay nabalitaan kong nakita na si Stacie, syempre dali dali kami ni Mommy na pumunta sa hospi para mangamusta and thanks God she's okay but she's weird. Something is wrong, I guess?

"Dabi!"

"Oh?" sabi ko kay Dianne na tumatakbo patungo sa akin.

"Alam mo na ba yung balita?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong balita?"

"Si Rence kasi yung Engineering Student, Ayaw pumayag na na magexhibit ang mga archi sa Mini Museum. Gusto nila na sakanila lang yung place."

"What?"

"Okay naman sana e kaso sa tatlong mini museum na available, tatlo ang hawak ng Engineering Department! Paano na to? Wala na ring ibang available na venue. Magagalit si Prof. Redusta nito."

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon