Chapter 59- Tease

1.1K 41 10
                                    

beware of typos.
Double Update for Today.
------
"Ano yan?" tanong ni Kuya sa akin.

"Tinitignan ko lang kung may murang flight papuntang Dipolog, gusto ko kasing tumuloy paDapitan e."

"Ano naman ang gagawin mo dun? ikaw lang mag-isa?"

"Oo. Nagpaalam na rin naman ako kila Mommy tsaka this saturday at sunday lang naman." sagot ko.

"Papasamahan nalang kita kay Lucas at Amber." suhestyon niya.

"Naku wag na. Gusto kong magliwaliw mag-isa kuya. Wag kang KJ." saad ko.

"Nag-usap na daw kayo ni Rence?"

"Hindi, nagkita lang kami kahapon. Sinubukan niya akong kausapin pero umiwas ako. Hindi ko alam kung bakit. Alin ba ang maganda? Cebu Pacific o PAL kuya?" pag-iiba ko ng topic.

"Kung gusto mo ng mura, Cebu Pacific. Kung mabilis naman PAL." sagot niya rin. Humiga siya sa kama ko habang hawak hawak niya ang cellphone niya. Naka Nike Sando lang siya at nakaboxers sa lagay na yan.

"Kayo ni Belle? wala kayong planong magbakasyon?"

"Next time na, gusto ko overseas." ambisyoso neto! pero sabagay kung dito sila magbabakasyon ni Belle ay baka dumugin pa sila ng mga fans.

"Kuya! Kuya!" nagsisigaw na sabi ni Amber sabay pasok sa kwarto ko.

"Oh anong problema?"

"Na release na yung bagong music video niyo. Ikaw lang ang pangit!" sabay hagalpak niya ng tawa. Binatukan naman siya ni Kuya.

"Ah ganun ha? patay ka saking bata ka!" tapos ay kiniliti siya ni kuya.. Yung tili ni Amber abot nga yata sa kapitbahay.

"Ang gulo niyong dalawa. Bahala nga kayo diyan." saad ko bago nagpaonline booking sa Cebu Pacific .kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nilingon si Kuya at Amber na nagwre-wrestling fight sa kama ko. Kakachange palang ng bedsheet niyan. Ano ba! Haha. Nakisali na rin ako sakanila, dinaganan ko si kuya habang si Amber ay panay sabunot nito sa buhok niya. Nagsisisgaw naman sa sakit si Kuya Dobi.

"What are you guys doing? abot sa baba ang tawa niyo." sawat ni Mommy sa amin kaya naman natigilan na kami.

"My naman, KJ mo!" bulyaw ni Amber.

"Ay nako, ang mga babies ko. Ang lalaki na. Parang kailan lang kalong kalong ko palang kayo." ayan na naman si mommy, hilig magthrowback. " Tapos naalala ko pa yung first step ni Dobi at Dabi."

"Mommy naman. Wag ganun." saway ni Kuya.

Pagkatapos ng madamdaming pangyayaring iyon ay nagpasya akong pumunta kila Stacie para kamustahin siya. I bought her something to eat too and luckily wala doon ang boyfriend niya at kapag nagkataon ay maiitsapwera na naman ang beauty ko sa bestfriend ko.

"Uy, Ate Dabi! Kamusta na? " bungad sa akin ni Bambam na hula ko ay kakagaling lang sa dance practice nila dahil pawisan pa ito.

"eto maganda pa rin." biro ko. " Haha ikaw? naku! Nagbibinata ka na talaga."

"Haha di naman, nagiging macho na ba?" sabay kindat ni Bambam sa akin. Hinampas ko naman ng marahan ang balikat niya. Sakto namang dumating si Jaycie.

"Yow!" bati niya sa akin. " Bambam, lumayo layo ka kay Dabi, baho mo na oh."

"Grabe ka naman kuya!" depensa ni Bambam.

"Michie Jadeitte! Anong ginagawa mo kay Dabi?" pabirong sabi ni Stacie na kakababa lang sa kwarto niya. Aigoo, kailan ba kukupas ang ganda nitong si Stacie? kesyo tshirt lang yata bagay parin sakanya.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon