Chapter 28-Police Station

877 26 1
                                    

Dalawang araw pa ang lumipas at wala paring balita kay Kuya Joden. Nagpatulong si Rence sa dalawang pinsan niya, si Kevin at si Kuya David bilang Attorney. He was really doing his promise pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Hindi ko alam kung paano sila kikilos ng pailalim..

"Do you mind if I sit beside you?" paalam ni Josette na may dalang burger at softdrinks. Break ko kasi at sa tingin ko ay break niya rin.

"Sure." tipid kong sagot

"So tell me more about you? What so great about you that my oh so cold cousin fell inlove with you?" bira birada niyang tanong. Lalo ko tuloy hindi malunok yung nginunguya kong fries.

"He's not inlove with me." saad ko pa. Pinagtitripan niya lang ako kahit nung nasa batangas kami at sa tingin ko rin kaya niya ginawa yung sa exhibit ay dahil nakonsensiya siya bigla dahil tinanggihan nila kami at ngayon? wala siyang choice dahil pareho kaming testigo sa krimen.

"really?" kinagatan ni Josette ang burger niya at inirapan ako. " Hindi ko talaga maiwasang mapaisip kung bakit nasa Ateneo siya ngayon. He was supposed to be in La Salle since lahat ng nasa pamilya namin mapa father side or mother side e Alumnae or Student doon."

"No wonder you're here too." bara ko sakanya.

"Well I'm only here because my boyfriend is studying here at gusto kong bantayan siya." Muntikan ko ng maibuga ang juice na iniinom ko sa sinabi niya.

"What are you trying to say?"

"well baka sakaling pareho kami ng rason ni Rence." tapos ay tumawa siya. " Zumba ulit tayo sa weekends ha?"

"pero busy pa ako." tanggi ko.

"Ano ka ba! I'll let you meet our cousins. Hindi naman pwedeng sila Kevin lang ang magpasikat sayo diba? Hindi ka naman tatanggi? mababait ang mga Carsagon kesa sa mga Del Olmo." pabiro niya pang sabi kaya naman pinilit ko nalang isubo ang limang piraso ng fries na isahan lang.

"Okay." sabi ko. Pumayag na ako bago pa niya ako kulitin ng kulitin.

"Good, I'll text you ha? Sige Alis na ako mu boyfriend is waiting for me at the parking area na eh."

bigla akong nakahinga ng maluwag nung umalis na si Josette. Dapat nga talagang sa La Salle nalang lahat nag aral ang pinsan ni Rence para walang nangungulit sa akin ng ganito. Paglingon ko ay nakita kong magkasama si Rence at si Jophet yung bestfriend ni Kuya Joden. Seryoso silang nag-uusap at kung minsan ay sinusulyapan ako ni Rence.

Iniligpit ko kaagad ang mga librong nasa mesa at ipinasok sa bag ko. Pupuntahan ko sila. dahan dahan akong naglakad patungo sakanila nung bigla akong napatigil sa narinig kong usap usapan ng mga estudyante.

"Nakita na daw yung katawan ni Joden."

"May dalawang saksak siyang natamo kaya iyon ang ikinamatay niya."

"saan saw natagpuan?"

"Dun daw sa may lumang gusali sa Makati. Kawawa nga e."

"Iniimbestigahan na ng mga pulis pero sinasabi nilang nagsuicide daw si Joden."

"Ano ka ba! Sasaksakin mo ang sarili mo sa puso? parang ang labo namang suicide yun."

tinakpan ko ang bibig ko para maiwasang makapagsalita at sa halip na tumungo ako kila Rence ay lumiko ako at naghanap ng pinakamalapit na CR. Nanginginig kong binuksan ang pinto at kaagad na pumasok sa cubicle. Hindi ko mapigilang masula sa nangyari kaya naman umiiyak akong nagsusuka sa harap ng toilet bowl.

"Hindi.. Hindi to pwede." bulong ko sa sarili ko. inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Den pero bigla itong dumulas kaya naman nahulog ito sa sahig at nagkawatak watak. " kasalanan ko ito.. kasalanan ko." litong lito kong sabi.

Natigilan ako nung may bigla akong narinig sa kabilang cubicle. Umiiyak din ito at kagay ko sinasabi niya ring siya ang may kasalanan. tumahimik ako para makinig at nung marinig kong bumukas ang cubicle ay lumabas na rin ako. Halos mapaatras pa ako nung makita ko siya. Si Ate Riza! wala sa sariling umalis sa cr. namumugto ang mga mata at hindi niya rin napansing nakatayo ako sa likuran niya.

" sandali." pigil ko sakanya. " Ate Riza.."

" Anong kailangan mo sa akin?"

"Alam mo ang nangyari kay Kuya Jode--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya na ang bibig ko gamit ang mga kamay niya.

"Paano mo nalaman.?" gulat at nagtatakang tanong niya.

"nakita ko ang ginawa ni Kuya Renan." pagkasabi ko noon ay kaagad siyang napaluhod sa harapan ko.

"wag na wag kang makialam." banta niya sa akin. Lumuhod din ako para makalevel siya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"wala kang nakita. Wala kang narinig. basta wala." sabi nito. " itikom mo ang mga bibig mo dahil hindi kita kaya protektahan."

"RIZA! BAKIT ANG TAGAL TAGAL MO DIYAN!" pareho naming narinig ang sigaw ni Kuya Renan sa labas kaya naman bigla akong napaatras sa sobrang gulat.

"please.. wag kang makikialam." paalala ni ate Riza bago tuluyang lumabas na talaga sa CR at muli tumulo na naman ang luha ko pero pinunasan ko rin kaagad dahil may mga ibang estudyanteng pumasok na sa CR.

Paglabas ko sa CR ay nakita ko si Lizie na tumatakbo papalapit sa akin. Mukhang nagmamadali at may importanteng sasabihin.

"Dabi! Kanina pa kita hinahanap. Halika sumama ka sa akin." sabi niya bago tuluyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng gate ng Ateneo.

"sandali Lizie, saan tayo pupunta?"

"Hindi mo ba pipigilan si Denver? Hindi mo ba alam na ngayon ang alis niya para dun sa exchange student?" takang tanong niya. " Did the two of you broke up?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Lizie. Parang nabingi yata ako. Pero kaninang umaga lang ay hinatid niya pa ako sa classroom at masaya pa kaming nag uusap? sinabi niya sa akin na hindi siya aalis sa tabi ko lalo na ngayon.

"You're lying. Kakahatid niya lang sa akin kanina ah." giit ko.

"My God Dabi." yun na lamang ang nasabi ni Lizie. " kakatawag niya palang sa akin na ingatan ka at alagaan. Sinabi niya pa ngang wag ko ng ipaalam sayo na aalis siya pero hindi kita matiis. You have the right to know his plans. Boyfriend mo siya."

Mas lalong nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Lizie. Tuluyang nagsipatakan ang luha ko.

"Dabi.. wag kang umiyak." tinapik niya ang balikat ko at pinunasan ang luha ko sa pisngi. "halika na, pigilan natin si Denver. Alam kong may dahilan siya kung bakit nagkaganito."

"bakit mo pa pipigilan ang taong aalis? Kung may dahilan siya wala na akong pakialam pa para alamin yun."

"Dabi.."

"Lizie, hayaan na natin si Denver. Okay lang ako."

"hindi, kailangan nating pumunta." pagkatapos ay itinulak niya ako papasok ng taxi. " Manong, sa NAIA daw po. pakibilisan po at dodoblehin namin ang bayad."

hindi ako umimik sa buong byahe. Wala akong maisip na dahilan kung bakit kailangan akong iwan ni Denver. Nakakainis isipin na kung kailan ko siya kailangan ay dun din siya sumuko at umalis sa akin. So this is why he's acting so sweet kasi iiwan niya ako? Great! nasasaktan talaga ako ng sobra sobra. Hindi ko matanggap.

"Dabi.. may tumatawag sayo." puna ni Belle at napatingin ako sa cellphone ko. Kanina pa pala ito nagriring.

"Hello Kevin.."

"I'm going to the Makati Police Station now, please go there as soon as possible. Rence is planning to testify now and He's not answering his phone." Bigla ko na lamang nabitawan ang cellphone ko kaya naman nagulat si Lizie at napatingin sa akin.

"Why what happened?"

"Manong, iliko mo." utos ko.

"Dabi, paano si Denver?" naiinis na sabi niya pero hindi ko siya pinansin sa halip ay pinulot ko kaagad ang cellphone ko at tinawagan ko si Rence na hindi sumasagot. " Dabi ano ba!"

"Will you please shut up Lizie! Mas importante to kesa sa taong umiwan sa akin. Now, if you still want to chase that coward then bumaba ka na."sigaw ko kaya naman natigilan siya. "Makati Police Station Manong!"

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon