Chapter 53- Del Olmo

1K 38 4
                                    

beware of typos.
Tamad na akong magreread.
-------------
Maaga akong nagising ngayong araw.  Kaagad kong tinignan ang cellphone ko kung may greeting na akong natanggap kay Rence pero wala. isa rin kasi ako sa mga tipo ng babaeng gustong makatanggap ng greetings sa boyfriend nila. Ofcourse, I'm expecting a surprise today. Subukan niya lang talaga na wala siyang surprise ngayon kundi makakatikim talaga siya sa akin. Bumaba ako at dumiretso sa dining table naabutan ko naman si Amber at Kuya na kumakain.

"Sunday ngayon ah, aga mong nagising?"

"Himala ba?" sorry naman. excited lang.

"Himala talaga.. Ate paabot naman ako ng egg. Please?" pakiusap ni Amber sa akin. Inabot ko naman sakanya yung itlog.

"May concert kayo mamaya diba kuya?" tanong ko kay Kuya.

"Oo."

"Sasama ba si Belle?"

"Oo, bakit may lakad kayo? Hindi pwedeng di niya mapanood ang concert namin. I move mo na kung may plano ka."

"Posessive mo kuya!" singit naman ni Amber.

"Hihiramin lang sandali eh. Damot nito!" ngumuso ako at kumuha ng kanin at itlog.

"Saan ba punta niyo?"tanong ni kuya.

"shopping." tamad kong sagot.

"Para dumugin kayo in public?" biro ni kuya.

"Grabe! uso naman ang disguise ano. Wala na kasi akong bagong damit."

"bakit kailangan mo ng bagong damit ate? e diba may binigay naman sayo si tita Sheryl last month di ko pa nga nakikita na sinuot mo yun e."

"nag papaimpress yata." biro ulit ni kuya.

"Ang bully niyong dalawa." pagkatapos ay tinawanan lang nila ako. Minsan tuloy iniisip ko na ako lang ang pinanganak sa amin na may magandang loob.

Pagkatapos naming kumain ay naligo na rin ako. I tied my hair in a messy bun pagkatapos kong patuyuin ito. Applied a little bit of light pink lipstick at humiga sa kama ko. Hindi pa rin nagtetext si Rence kaya naman hindi na ako nakatiis. Tinawagan ko na siya. Kaagad niya namang sinagot.

"Hello.." his voice was husky. Hula ko ay kakagising niya lang. I should've waited.

"kakagising mo lang?"

"Hmm. Yeah. Napatawag ka?" nakakain at nakaligo nako at nagpaganda pero kakagising niya palang? Utang na loob alas nuebe na.

"Just checking on you." tamad kong sabi.

"Checking me? or missing me?" and I swear I heard him laugh. Ang lakas niya talagang mang asar. sarap hamabalusin ng halik.

"Ambisyoso to." saad ko. " I'm hanging up."

"wait.." pigil niya sa akin.

"I'm going to pick you up by 11. Lets have a lunch together."

"Okay.." sagot ko.

"Okay lang?" tanong niya sa akin.

"Oo. Okay lang, may dapat ba akong sabihin?"

"Sungit ni Sweetheart." tukso niya sa akin.

"Bababa ko na ha? Bangon na." utos ko sakanya.

"Okay, I love you.." saad niya. Hindi ko mapigilang kiligin. Asar na lalaking to. Pinaglihi talaga sa asukal.

"I love you too." sagot ko bago ko ibinaba ang tawag.

Kaagad ko namang tinawagan si Lizie, She's very fashionable kaya naman siya ang matatakbuhan ko kapag ganito.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon