Chapter 14: Shut up

1.1K 26 1
                                    

"Rence?" Nag aalinlangang sabi ko. "Ano kasi.."

"Ano?"

"Bati na tayo?" Naglalakad kasi kami ngayon at medyo pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin.

"Bati na.." tipid na sagot niya. Talaga lang ha? "Gusto mong kumain?"

"Ai di na! Di pa naman ako gutom.." sagot ko. "Dalawang araw nalang makakauwi na tayo ng maynila.."

"Tapos?"

"Ayaw mo nun? Makakauwi ka narin. Balik eskwela." Galak na sabi ko.

"Makakasama mo narin boyfriend mo.." napansin ko naman ang pagkuyom niya ng kamao. Umiwas siya ng tingin.

"Oo nga e.."

"Sa susunod wag ka ng magpapanggap na girlfriend ng iba.." pag iba niya sa usapan. Napasinghap na lamang ako sa sinabi niya.

"Ikaw yung nag utos tapos aatras ka?" I giggled.

"Magpanggap oo pero yung magpapahalik? That's absurd.." wika niya.

"As if namang papatol ako.."

"Well that's good. Ano ng plano mo ngayon? Wala na sila Razel.. wala ka ng kasama.."

"Edi ikaw sasamahan mo ako. May magagawa pa ba ako?" Napansin kong bigla siyang namutla at marahan na napaubo.

"What did you say?"

"Ang sabi ko samahan mo ako kaso ipagpapaalam muna kita kila mommy."

"Then?"

"Papaalam din ako kay Denver?" Uh? I dont think its a good idea kay Denver but this one's trustworthy naman.

"Tingin mo papayag siya?" Natatawang sabi niya.

"He will.."

"Lets see!" Inabot niya sa akin ang phone niya. "Tawagan mo.."

"Wag nalang.." bawi ko sa sinabi ko kanina. "Baka mag away pa kami kay Mommy nalang.."

"And now you're two timing..for real.." ngisi niya.

"I'm loyal idiot!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya. Halos mapamura ako nung maramdaman ko yung braso niya. Matigas! Katulad kay denver..

"Matigas ba?" Asar niya. "Intimidating. Eh?"

"Wag kang feeling!" Deny ko.

"Defensive!" Asar niya ulit.

"Binabawi ko na! Kaya ko na palang mag isa.." maktol ko.

"C'mon give me your mom's number.." nilahad niya ulit ang cellphone niya sa palad ko. "Tawagan natin.."

"Wag na nga lang din.."

"Bakit na naman?"

"Gusto mong sugurin ka ni Daddy dito?" Sabi ko sabay upo sa may mga bench. "Tsaka kahit wag na talaga. Okay lang.."

"sayo okay. Sakin hindi"

"Namimiss ko na si shield.." saad ko. "Oh bakit?" Pinagmasdan ko ang mga mata ni Rence na nakatitig lang sa dalawang babaeng papalapit sa amin. "Ganyan ba talaga kayong mga lalaki?"

"What?"

"Kapag may papalapit o dumadaang nakamini skirt sa harapan niyo susundan niyo kaagad ng tingin?" Sabay nguso ko sa dalawang babaeng nagtatawanan.

"95 percent yes luckily I belong to the remaining 5 percent.." sabi niya pagkatapos ay nagkibit balikat.

"5 percent my ass."

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon