Chapter 3: Cool

1.5K 45 7
                                    

Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko simula nung nangyari kagabi. Marami akong iniisip. Students Election, Sports week, mid terms, research at lalong lalo na yung lalaki kagabi. Natatanga talaga ako kapag nakikita ko siya at hindi ko pa rin nakikilala. Just the thought of it makes me want to punch my paper bag.


"Ready ka na?" Tanong sa akin ni Lizie. Humugot ako ng lakas ng loob sa sistema ko bago ako lumabas sa stage.


Maraming estudyante ang bumoto na. Narinig ko pa ang bulung bulongan ng mga estudyante. All those girls! Alipores ng siraulong yun. Umupo ako sa tabi ni Rence. Bakit ba kasi magkatabi pa ang upuan namin? Darn it. Napipikon talaga ako kapag ngumingiti siya.


"Nervous?" Bati niya sa akin.


"Shut up." Utas ko at ngumiti ng peke sa mga estudyanteng bumoboto. Sa school gym namin kinoconduct ang elections at hindi ko alam kung sinong minion ang nagpausong kailangan nasa harapan kami para makita ng mga estudyante ang binoboto nila.


"Pikon."


"I said shut up." Bulong ko. 


"Okay." Sagot niya at nagkibit balikat. Nakita ko namang kinindatan niya yung babae sa unahan at ngiting ngiti ito sa ginawa sakanya ng hinayupak.


"Will you stop winking at them."  Utos ko sakanya.


"And now you're jealous.." prenteng sabi niya tapos ay kinindatan niya rin ako. Fck Rence? Kindatan factory ka?!! Laslas na.


"I'm not." Mataray na sabi ko.


"Then what?"


"Because you're not playing fair!"


"I am. Kasalanan ko bang gwapo ako?" Bulong niya rin sa akin. "Anyways. I dont give a fck!"


You asshole!? The nerve.


"I dont give a fck too." Mura ko pa. Bago pa man siya makasagot ay kinausap ko na kaagad si Lizie. Kinuha ko yung mineral water na hawak ko, binuksan at ininom. Makakatasan yata ako ng tubig sa katawan nito kapag nakikita ko siya.


"Dabi. Dehado yata tayo." Nag aalalang sabi ni Lizie.


"Lizie. We'll win." Hinaplos ko ang nanginginig niyang kamay. "Trust me. He'll never win against me.."


"I hope so.." sabi niya.


Nilapag ko yung tubig ko sa may side at pinagmasdan yung mga estudyanteng bumuboto. Yung iba sana naman vote straight. Sa bawat hulog kasi nila ng envelope sa balot box namin pakiramdam ko si Rence ang laman.


No stop being paranoid Pia Alexa. STOP!


"3pm daw magsisimula ang vote counting." Sabi ni Liz.


"Its 2:30 pm already. Pinapakaba mo naman ako.." hindi ko talaga maiwasang mag alala. Ugh! Kapag ako natalo dito di ko kakayanin. Ilang linggo akong nagpuyat para paghandaan ito at talagang magwawala ako kapag nanalo si Rence.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon