Chapter 32- Beautiful

909 28 2
                                    

"Diyan ka na nga! namumuro ka na." reklamo ko bago ako lumabas sa shop. Aminado naman akong paminsan minsan ay ginugupitan ko si kuya. Teka? paano niya nalaman?

"Where do you think are you going?" tanong niya.

"I'm going to the place where there is no Rence."

"Then I'm not Rence. I'm Rayleigh." biro niya pa. Sinimangutan ko naman siya. Binalikan ko siya at ipinulupot ko ang kamay ko sa braso niya.

"Really?" asar ko. " gusto mong dagdagan ko yang hiwa sa labi mo?" bago ko chineck ang haircut niya. Mas bagay niya pala yung ganyan. Nakuha naman ng bigote niya ang atensyon ko. Tumutubo na rin sila.

"Why are you looking on me?"

"Your beard is growing." puna ko.

"wanna shave it?"nagulat naman ako sa sinabi.

"What? No." tanggi ko.

"Okay." tipid na sagot niya. Natigilan naman kami nung may tatlong sasakyan na sabay sabay na bumusina sa harapan namin.

Nagsibabaan ang mga estudyanteng naka La Salle uniform pa. Lumapit sila sa amin at lahat sila ngayon ay nakatitig sa akin. Napatingin naman ako sa ID's nila. Mga pinsan ni Rence.
Anong ginagawa nila dito?

"So ano, tuloy tayo?" sabi nung chinoy.

"Hi. I'm Danilla and this is Ate Denise.. kuya Kian, Kenra and those two Fire and Ice. "

"Hi.." tipid na sagot ko. Okay? what am I doing? " saan ba tayo pupunta?"

"Are you in?" tanong ni Kenra. "This would be fun. Ang ganda mo pala sa personal." puri niya sa akin.

"I love your bag." puna naman ni Denise kaya medyo itinago ko ang bag ko. Nakakahiya.

"C'mon guys. Dont torture her." ngisi ni Ice bago inakbayan si Kenra at Denise.

"we're not torturing her! we're complimenting her. Promise mag-eenjoy ka. Mahilig ka ba sa shooting?" tanong ni Danilla.

"Photoshoot? Minsan lang." sagot ko.

"No! Not the photoshoot what I mean is you know guns and shooting range." Guns? as in real guns.

"You guys are scary." singit naman ni Kian. Siya lang hindi nakauniporme sakanila. " Pasensya ka na sakanila ang kukulit nila."

"Okay lang." sagot ko.

"Lets go?" yaya ni Fire. Hinintay ko ang sagot ni Rence pero nabigo ako sa pag-aakalang hindi siya sasama.

"Alright! We're in."

"What? Rence? may klase pa ako mamaya." reklamo ko.

"Major subject?"

"Uh.. no."

"Then leave it. Minsan lang din naman ito."

"By the way nice cut Kuya Rence. You're so much gwapo than kuya Fire and Ice." puna ni Kenra na narinig naman ni Ice.

"Hoy Kenken! bawiin mo yun!" banta ni Ice. Ang kulit naman nilang mag-asaran na magpipinsan. Sa huli ay sumama na rin ako sakanila. Minsan lang naman akomg umabsent at isa pa bigla akong naging interesado sa plano nila. I want to learn shooting too.

Pagdating namin sa isang shooting range ay kaagad silang nagpalit ng mga damit habang ako ay nakanganga lang dito. Lumapit sa akin si Danilla at Denise at ibinigay ang isang medium size na paper bag.

"Tingin ko e magkasize tayo kaya pwede mo munang hiramin yan." saad ni Denise.

"Sige na magpalit ka na. Hihintayin la nalang namin mula dito sa labas." pakiuasp naman ni Danilla.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon