Chapter 42- Masochist

942 36 11
                                    

Beware of typos.

---------------------------------

Today is our foundation day at hindi pa rin kami maayos sa ng mga officers dahil may ibang pumanig sa akin habang yung iba ay pumanig kay Marga. She's a well known student leader but now I doubt her capacity. May Vice President bang hindi marunong magdesisyon at kailangan pa ng isang Rence para lang makapag come up ng isang plan? aba matindi!
Pagod na ako sa kakaiyak sa ginawa ni Rence sa akin. Lahat na nga yata ng galit ko ay ibinuhos ko sa status ko sa mga sns accounts ko. Did he really love me that much huh? e nung isang araw lang he's talking about us tapos ngayon? Aishh! padarag kong itinapon ang kutsarang hawak ko at tumigil sa pagkain.

" What's wrong?" tanong ni Arthur sa akin. We're having lunch at nasa kabilang table lang si Rence at Marga at sa mismong harapan ko pa. They're both laughing in front of me.

"Kailangang kong lumanghap ng sariwang hangin." saad ko bago tumayo sa kinauupuan ko at umalis na sa cafeteria. Nakasalubong ko naman si Jordane na hanggang dito ay hinahatid ni Joseph Azcona.

"Pwede mo na akong iwan Joseph." saad niya rito. " may kakausapin lang ako." pagkatapos ay lumapit siya sa akin.

"Can we talk?"

"What do you want from me now?" masungit kong sabi dahil wala ako sa mood makipagnegotiate sakanya ngayon.

"Its about Joseph." Hindi na nga ako nakakatulog sa sunod sunod na pagpapakita sa akin ni kuya Joden sa panaginip ko tapos may Joseph naman. " Dun tayo mag-usap." sabay turo niya dun sa empty bench.

Kaagad kaming umupo doon at kaagad din siyang nagsalita.

" Nakausap ko na si Joseph, sa una ay hindi siya naniwala sa akin pero sa huli ay kinampihan niya rin ako."

"tapos?"

"mahirap din sakanyang ipakulong ang kapatid niya kaya naman nahihirapan din akong kontrolin siya."

"Akala ko ba ay tutulong ka?"

"Its a process Dabi. I'm trying my best too and I know you're trying your best too." saad niya. " kung hindi kayang pasukuin ni Joseph ang kapatid niya ay ako mismo ang magiging witness."

"At bakit?"

"Kapag naging witness ako ay hindi ako kayang pahirapan ni Renan dahil proprotektahan ako ni Joseph."

"Gaano ka nakakasiguro? marumi maglaro ang mga Azcona.. Rence."

"I can play their game. Hindi kakayanin ni Joseph na mawala ako." saad niya. " 3 days at kapag hindi pa nakulong si Renan ay kakanta na ako sa pulis."

"pero paano ka?"

"Rence is much more important than me." She really love him this much? kaunting sakripisyo lang ang ginagawa ko kumpara sakanya. " Juts let him stay out of this mess."

Even if it kills me inside.

" I'm doing my best to avoid him. Dont worry."

"I heard he's dating Margarette. Kailan pa?"

"Hindi ko alam. tatlong araw akong wala dito."

"but I think he's better with Marga." utas naman ni Jordane kaya naman napatingin ako sakanya. " Marga is capable of loving him more than us." tapos ay ngumiti siya. " okay na sa akin yun wag lang ikaw."

"Bakit? bakit ayaw mo sa akin para sakanya?" inis na tanong ko.

"Because I hate you at the same time.. I envy you." matapos ay tumayo siya at iniwan na akong mag-isa. bumuntong hininga ako at tumayo na rin. Chineck ko ang mga booths na nakapalibot sa field at mukhang nageenjoy naman ang mga estudyante.

"Drinks?" alok sa akin ni Lizie. " uso naman siguro ang magpahinga Dabi."

kinuha ko ang tubig na hawak hawak niya. " Thanks, after naman nito magpapahinga din ako."

"Siguraduhin mo yan ha?" pangaral sa akin ni Lizie. Sabay naming pinanood ang mga estudyanteng nagkakasiyahan. May mga ibang umupo sa field habang nagtatawanan at yung iba naman ay busy sa paglilibot ng mga booths. Kanina ay bumunot narin kami ng mga departments na magkakapartner. Sa halip na Engineering Department ang nakapartner namin ay Health and Sciences Department ang kasama namin. Ang engineering naman ay kapartner ang mga business ad at yung iba naman ay hindi ko na maalala.

Sa dinami dami pa ng makakapartner namin ay department pa ni Marga!
Damn it. Tatalikod na sana ako nung may nagsalita sa may stage at alam ko na kaaga kung sino.

"Hi everyone." ngisi niya. Naghiyawan naman yung nga tao. " Happy Foundation Day.."

Foundation day my ass. I rolled my eyes in disappointment.

"But could you please lend me your 3 minutes? especially you.." sabay turo niya kay Marga na nataon pang nasa harapan ko. Naghiyawan naman ang mga tao at hindi ko maiwasang magngitngit. Tumabi ka diyan Marga! Bago pa kita masapak ng paulit ulit.

"He's so sweet." bulong naman ni Lizie sa akin. " akala ko talaga ay ikaw ang nililigawan niya, usap usapan ng iba e but I guess they're wrong."

"OMG MARGA!" sigaw nung mga kasamahan niya.

Kaagad namang inilabas ni Rence yung cellphone niya at iniconnect ito sa school speaker then JB's New released song Entitled Sorry played. (Play the song on the multimedia section)

Napanganga ako lalo nung nakita ko siyang nagsimulang sumayaw. Halos maglupasay naman ang iba sa ginawa niya pero ako.. wala akong ibang maramdaman kundi ang panghihina ng katawan ko at ang nakakabingibg tibok ng puso ko.

🎶 is it too late now to say sorry..coz i'm missing more than just your body.. Is it too late now to say sorry 🎶

"Damn.." bulong ko sa sarili ko habang patuloy siyang pinapanood na sumayaw. I never seen him dance ngayon lang.. lahat ng mga tao ay hindi makapaniwalang kaya niyang sumayaw bg ganyan, ang flawless ng mga routine , ang lambot ng katawan niya. The white cap he's wearing right now is really giving him a compliment. " Damn.. Damn.. Damn.." kumalma ka Pia.

for the first time in my whole entire life that i've been startrucked bu someone.

"Shit! ang gwapo talaga." saad naman ni Lizie.

🎶sorry.. sorry..🎶

"Tara na Lizie." nagmamadali kong sabi. "Umalis na tayo dali.." pero bago ko pa man natangay si Lizie papalayo sa field ay tumigil na sa pagsasayaw si Rence at kaagad naman siyang nagsalita habang tumutugtog ang kanta..

"Sorry.." saad niya and the girls finally squealed like there's no tomorrow.

"My God, He's really killing me." ngisi naman ni Marga.

napako naman ako sa harapan nila at patuloy lang na tinitigan si Rence na papalapit na kay Marga. Kaagad naman siyang niyakap ni Marga kaya sandali akong umiwas ng tingin sakanila pero parang may kung anong magnet si Rence ba nagsasabi sa aking titigan siya and I caught him looking at me too.

He kissed Marga's forehead in front of us and mouthed the word sorry while looking at me.

Tumalikod naman ako bago ako tuluyang umalis na.Kissing her in a forehead is a kind of respect.

kung sana nandito si Denver.. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito. He should've let me love him instead of falling inlove with that asshole. I shook my head and decided to go to the Student Council Room.

and after locking the door. My tears finally went falling from my cheeks. I guess i'm really a masochist. This masochist is missing my Rayleigh Rence..

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon