Chapter 23- Home

880 22 0
                                    

"Thank you Nurse." saad ni Den. Nasa Infirmary kami ngayon dahil nagpalagay ako ng band aid para sa sugat ko. " I heard you had a problem babe."

"oo e, wala kaming venue para sa exhibit namin."

"I can lend you the Business Ad AVR. Malawak naman yun for your exhibit."

"E diba hindi pwede? may event din dun diba?"

"Babe, we can move it if you want. Makakapaghintay naman yung Marketing Week namin." Mabuti nalang talaga ang Council President din si Den ng Business Ad Department atleast may maatrasan kami.

"talaga? Salamat Babe."

"anything for my girl." saad niya bago hinipan ulit ang sugat ko. Pinagmasdan ko naman siyang ginagawa ito.

I'm inlove with this man. Hindi pwedeng mapunta sa iba ang atensyon ko para sakanya.

"Babe, sa saturday mag date naman tayo." yaya ko. Maybe I need a little more time with him masyado yata akong naattach kay Rence. Asar!

"Tamang tama wala kaming practice."

"So its a date babe?"

"Yes."

Masaya akong umuwi ngayong araw. Hinatid ako ni Den sa bahay at sa amin na rin siya nagdinner.

Kinabukasan ay nalate ako sa unang subject ko. napasarap kasi ang tulog ko tapos di rin ako ginising nila Mommy kaya naman napagtripan ako ni Sir Redusta at binigyan ako ng seatwork mabuti na lamang at natapos ko kundi malalagot na naman ako sakanya.

Ngayon ay naglalakad kami nila Lizie papuntang cafeteria. Nakasalubong namin si Rence at yung isang babae. Nagkakatuwaan sila.

"Sino yun? bakit ngayon ko lang nakita?" sabay nguso ko sa kausap ni Rence. Mestisa ang isang ito at singkit ang mga mata.

"Transferee yan, Hindi mo pa pala siya kilala?"

"ng anong Department?"

"Archi Department. 1st Year." takang sagot ni Lizie." bakit?"

"Anong pangalan?"

"Josette Carsagon.yata?" hindi pa siguradong sabi ni Lizie. " teka, bakit mo ba tinatanong?"

"wala." tipid na sagot ko tapos ay naglakad na ulit. Carsagon? Tss.

Kagaya namin ay pumunta din sila sa Cafeteria. pareho pa kami ng inorder nung Josette at ang gentleman naman yata ni Rence sakanya pati pag upo kailangan inaalalayan.

"Ano ba ang plano niyong i exhibit Dabi?" tanong ni Lizie.

"Gusto sana namin na iexhibit yung mga old projects ng alumnae especially sa mga known Architects na sa bansa na dito nanggaling like for example my Mom."

"Old projects lang? wala yung mga bago? like sa atin? I mean sarili nating gawa?"

"Syempre meron kaya nga magpapacontest tayo this week para diyan." suhestyon ko pa pero hindi talaga mawala sa paningin ko ang ginagawa ni Rence. He's not even looking at me pero nakita kong sumulyap sa akin si Josette tapos ay bumaling kaagad kay Rence at ibinigay sakanya ang coke in can na binuksan ni Rence para sakanya.

"So yun lang? wala ng pasabog?" dagdag pa ni Lizie.

"Hindi ko pa alam." suminghap ako at umiling. " sa ngayon ay blangko pa ang utak ko para mag isip." asar ka Rence.

"Dabi, hindi nga pala kita masasamahan sa exhibit room mamaya,may pinapagawa kasi si Prof. Redusta sa akin di ko naman matanggihan."

"okay lang, ichecheck ko lang naman yung AVR." sagot ko bago isinubo ang fries na binili ko. " sige na, okay lang ako. alis na! shoo!" biro ko sakanya.

"sira ka talaga. sige, itetext kita mamaya ha?" paalam ni Lizie pagkatapos ay umalis na.

Ako nalang mag isa ang nasa upuan ko. Wala na akong kasama at ayoko na ring magtagal pa dito kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko at tumungo kaagad sa AVR. Naabutan ko si Den doon na nakatayo.

"there you are." masayang bati nito saka ako hinalikan sa pisngi. gusto ko pa sanang umatras kaso may mga taong nanonood. Ayoko namang pag isipan kami ng kung ano.

"Babe, bakit nandito ka?"

"just checking on you." ngisi niya. " by the way, gusto ni Mommy na pumunta ka sa bahay mamaya okay lang ba?"

"para saan?"

"Alam mo naman si Mommy."

"pero Babe, hindi pwede e. Kailangan ko pang ayusin ang exhibit dahil sa thursday na ito." malungkot na sabi ko. "Gustuhin ko man kaso.." napansin ko ang paglungkot niya kaya naman hinaplos ko ang pisngi niya. "Babe, please? iexcuse mo na muna ako kay tita. please?"

He sighed in defeat. " Okay, You won but next tine there will be no excuses again okay?"

"Opo. I love you." I mouthed.

"I love you too." He mouthed too.

Denver was there all the way, binantayan niya kami habang nag aayos para sa exhibit, He even bought doughnuts for us para di kami gutumin panay naman ang tukso ng mga kasama ko. Its already 6pm at di pa kami nangangalahati sa decorations.

"babe.." lumapit sa akin si Den. " Hindi yata kita maihahatid ngayon sa bahay niyo."

"bakit?" malungkot kong sabi.

"I'll explain it to you tom." nagmamadaling sabi niya. humalik siya sa pisngi ko bago tuluyang umalis. Tsk. Ano kaya ang nangyari? lumipas pa ang ilang oras hanggang sa unti unti ng nagsiuwian ang mga kasama ko. 8pm na rin pero konting polish na lang nito ay okay na.

"Dabi, sigurado ka bang okay lang sayo na maiwan ka dito?" tanong ni Izzy.

"Oo naman, sige na Izzy! malayo pa ang uuwian mo mauna ka na."

"salamat, iniwan ko na yung ibang blue prints and models dito ha? ikaw na lang bahala kung saan mo ilalagay. Una na ako."

"Sige, ingat sa pag uwi." saad ko bago bumalik sa pagtatrabaho. Instead of just checking the AVR heto ako ngayon at nag oovertime mag isa.

tumunog naman ang telepono ko at nakita kong si Den ang tumatawag. Sinagot ko ito, nagtanong siya kung nakauwi na daw ba ako dahil kung hindi pa ay babalik siya dito para sunduin ako pero tumanggi ako at sinabing pauwi na ako. Pagbaba ko ng telepono ay nakarinig ako ng isang malakas na tunog. Para bang may nahulog na babasagin mula sa kabilang AVR.

Sumilip ako sa kabilang kwarto ngunit wala akong nakita. Baka guni guni ko lang? Umiling na lamang ako.

"RENCEEEEEE!" sigaw ng babae yun ah. tumakbo ako para hanapin ang nagsisisigaw na boses hanggang sa makarating ako sa kinaroroonan niya. "Aray, mag ingat ka naman."

"Tsk. Why are you being so clumsy today Sette!?" sabi ni Rence. nagtago naman ako sa gilid para di nila makita. Sila na naman? bakit nandito pa sila?

"Ikaw kasi.." parang batang naiiyak na sabi ni Josette. Umupo sila sa may bakanteng upuan at lumuhod sa harapan niya si Rence. Hinimas himas niya ang ankle nito so siya pala yung narinig kong nakabasag kanina.

"Next time dont get in trouble. Ayokong pinag aalala mo ako." saad na Rence. Ngumisi naman ng patago si Josette.

"Aw. aray." reklamo ni Josette.

"I'll drive you home." alok ni Rence.

Umatras ako at bumalik na kaagad sa AVR pagkatapos kong masaksihan iyon.

Ganyan ba talaga siya sa lahat ng babae? Tss. Asshole! Pagpasok ko sa AVR at niligpit ko ang mga kalat. Hindi ako mapakali sa nakita ko. Napatingin ako sa cellphone ko at hinanap sa contacts ko ang number ni Rence.
I was about to dial his number nung marealize ko na.. bakit ko ba siya tatawagan?

"I'll drive you home my ass." mura ko bago binura ang numero niya sa cellphone ko.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon