Chapter 15: Clearly Knew

1K 27 0
                                    

"Alam mo! Ang manyak mo! Nananamantala ka!"

"Hindi ah."

"Well you are!" Tapos ay ngumisi siya at nagpatuloy na kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kaagad kami sa hotel. Tinawagan ni Rence si Warren para kamustahin si Razel at sabi naman niyang nasa Maynila na daw sila pero babalik din kaagad si Warren para sa seminar.

"Arf! Arf!" Tahol ni shield. Busy kasi ito sa kakalaro sa door mat and I find it cute.

"Shield! Halika!"

"arf! Arf!" Tahol ulit nito at lumapit sa akin. Habang abala ako sa kakalaro kay Shield ay abala din si Rence sa pakikipag usap sa phone. Mukhang naiinis na nga sa kausap e kaya ibinaba niya na tapos ay umupo siya sa tabi ko.

"Sino yung kausap mo?"

"Dont ask. Magagalit ka lang!"

"Kevin?"

"Oo."

"Bakit daw?"

"Well he's asking me to help him. May family gathering daw ba yung kaibigan mong si Stacie para sa birthday niya?" Napaisip ako. Oo meron but that's private. How did he knew about this?

"Paano niyo nalaman? Daig mo pa scheduler ni Stacie ah?" Kunot noo kong tanong.

"Wag mo akong titigan ng ganyan. Bago ko lang din nalaman." Sabi niya.

"Oh no! Wag niyong sabihing pupunta kayo? Pipilayin ko talaga kayo ng pinsan mo!" Banta ko.

"Wow! I'm scared!" He laughed. "ayaw mo nun? Magkasama tayo!"

"Rence! Dinner yun para pagplanuhan yung birthday ni Stacie! Wag na kayong manggulo ng pinsan mo! Stacie's not ready to see him.."

"But Kevin does.."

"Hindi porket bumalik na si Kevin ay makikigulo na sya sa lovelife ni Stacie!"

"Hayaan na natin sila. Buhay nila yun!" Seryoso niyang saad. Binato ko tuloy siya nung unan na hawak ko. "Aw!"

"umayos ka kasi! Baka mawindang yung kaibigan ko kapag nakita niya si Kevin!"

"Kevin wont bite her."

"Basta! you are not allowed to go there!" Ngitngit ko.

"Sa hotel niyo ba gaganapin?"

"Rence!" Utas ko.

"fine. Fine!Pagamit nalang ng bathroom. Maliligo lang ako sandali.."

"ugh!Sa right lang. Tapos yung mga damit mo nasa left. Lalabas lang muna ako. Checheck ko lang yung bills." Saad ko.

"okay, Dont peek!"

"Peek your face! Tss."

I went out to check my bills kasama si shield medyo natagalan pa kami dahil nagstairs lang kami under maintenance daw kasi ang elevator ngayon. May nakasalubong kaming mga workers at lahat sila ay pinupuri si shield. Ang chubby kasi at ang bibo tignan. Nung malapit na kami sa reception ay may nakasalubong din akong dalawang matanda na daig pa ang asukal sa kasweet-an. Lolo is guiding her wife and ang cute lang nila. I wanna see myself doing that in the near future! Matapos ay Lumapit ako sa may reception desk. Binati naman kaagad ako ng receptionist at kumahol naman si shield.

"Ah Miss! Ako yung guest sa Room 4204, mag aask lang sana ako ng possible bills if ever man na lumipat ako sa mas maliit na room for my stay here.."

"Wait lang maam check ko lang po. Anong room niyo po ba gustong lumipat?"

"Sa regular lang. As long as may banyo at kasya kami ng alaga ko. Single bed will do.." ngumiti naman ang receptionist at nagsimulang tumingin sa computer. Maya maya pa ay bumalik na yung isang kasama niya.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon