Chapter 8: Name it afterwards

1.2K 29 3
                                    

Chapter 8: Name it afterwards


"Letse ka! Bawiin mo yung sinabi mo! Bawiin mo sabi!" Halos sabunutan ko siya habang nasa biyahe kami. Nasa likod lang ng sasakyan sila Warren pero talagang di ko kakayanin na makipagrelasyon sakanya. The story is cliche! Magpapanggap tapos maiinlove? But the feeling is not freakin mutual. I hate him sagad sa buto.


"Para kang batang nagtatantrums.." saway niya.


Del Olmo! Stop it! Stop it! Ilang beses na ba kitang binara sa school? Nilampaso pa nga kita nung Arch-Engineering week! Hindi ba dapat magalit ka sakin?


"Are you two dating?" Mataray na sabi ni Razel.


"What? No! May boyfriend ako!" Rason ko. "I'm not a cheater!"


"Well you are now!" Seryosong sabi niya pagkatapos ay pinaharurot niya ang sasakyan. Napakapit pa ako sa seatbelt!


"Hoy! Tangina mo Rence! Magtigil ka! Walang tayo!" Umiling ako at nagdabog. Thanks God may seminar na sumasagip sakin sa kawalang hiyaan nitong isang ito.


Pinagmasdan ko siya at may kamukha nga talaga siya. Kamukha niya yung first love ng kababata ko kaya naiinis ako kasi alam kong magpinsan sila. Kasi naaalala ko kung paano nauwi sa wala yung pagmamahalan nila. Ang sabi nung walang hiyang pinsan niya e hihintayin niyang magdebut yung kababata ko pero yung hinayupak wala. Di nagpaparamdam! Kahit sakin. Manloloko yata! Pero ang pinagkaiba nila yung isa may pagkamanyak nga pero saksakan ng respeto e itong katabi ko? Mas masahol pa sa kiti kiting may ADHD.


"Nakatitig ka? Nagagwapuhan ka na?" Tanong niya. Humagikhik naman sila Razel sa likod. Tinignan ko ng masama si Rence at binato ko sakanya yung air freshener na nakacellophane.


"Tarantado!"


"Fuck! Kapag tayo nabangga! Di na kita maaanakan!" Pabirong sabi niya.


"Letse ka!" Inis na bulyaw ko.


~~••


Pagkababa palang namin ay pinagtinginan na kami kaagad. The ladies are smiling. Di ko pinansin at kaagad akong pumasok sa seminar hall. Iritado ako buong umaga. Sabihin ko kaya kay Stacie na kinukulit ako ni Rence? Kaso baka apektado pa yun kay Kevin. No! Shut it Dabi. Wag mong sabihin. Stacie is okay now. My childhood bestfriend Stacie Jaide Young is okay now without Kevin Reginald Del Olmo but i'm not okay with Rence.

(a/n: this story is slightly connected to my bebs story :D A Taste of Love - Stacie's Story.. see EXTERNAL LINK :D)


Ilang activities din ang ginawa namin buong araw, sketching, tadtad ng blue prints at ang matindi yung presentation. Sumakit yata lalo ang ulo ko ngayong tapos at pauwi na kami.


"So how's seminar?" Sabi niya at sumabay ng maglakad sa akin. "Hey! Sweetheart!"


"Dalhin mo nga ako sa pet shop." Utos ko. "Last kami sa ranking kanina sa presentation. Naiirita ako dun sa dalawang kasama ko.."


SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon