Chapter 19- Claim

1.1K 28 2
                                    

Kumain kami ni ninong pagkatapos naming magkita ni Rence. Inaasar pa ako nito at pinagalitan dahil may bagong lalaki na naman daw ako kahit na kakasagot ko pa lang kay Den.

"Ninong! hindi nga."

"talaga lang ha? gwapo naman at mukhang mapagkakatiwalaan yung mukha inaanak." dagdag niya pa. " he is a good man, trust me!"

"Ninong naman kung makareto parang wala akong boyfriend." saad ko.

"oo nga pala kamusta na kayo ni Den? Naku! kapag sinaktan ka nun babagukan ko talaga yun. Wag kang gumaya sa nanay mong pinalad na magka second chance." tapos ay tumawa si Ninong.

"Ninong! ilang beses mo na ba akong pinangaralan na wag gayahin si Mommy? atleast they have a happy ending. haha!" ngumuso naman si ninong at itinuro si Rence na nasa nurse station. Nakita rin naming nagsidatingan ang ibang kamag anak nila pagkatapos ay nag usap usap sila yung isa ay panay pa ang hawak sa sugat ni Rence at sobrang nag aalala. Ngayon ko lang yata siya nakita.

" Ah ninong? ano po ang gender ng baby?"

"Bakla." biro nito.

"Ninong naman!"

" Haha! Ano ka ba, sinasabi ko lang ang maaring maging future nung bata. Syempre lalaki at bibihira nalang ang mga straight ngayon katulad ko. Ahem!" si ninong talaga mapagbiro. Di ko tuloy lubos maisip na bading ito ag naging lalaki dahil kay Ninang Keia.

" Gwapo ba yung baby? matangos ang ilong?"

" Tingin mo? forenjerrr!" sabay wika nito na parang bakla. Hindi ko tuloy maiwasang matawa. " Oo nga pala, pakisabi sa Mommy mo na dumaan sa bahay mamaya. May ibibigay akong reseta sakanya."

"reseta para saan?"

"gamot para sa pagbubuntis. You dont know? Your mother is pregnant! kaso mukhang hindi pa alam ng daddy mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy. What? Mom's pregnant? Hindi ko tulou maiwasang matuwa.

" Talaga ninong? talaga?! Sige po, I have to go! kailangan ko pa pong pumuntsa sa school tapos sa firm tsaka kila Stacie! thanks for the food Ninong!" humalik ako sa pisngi niya bago tuluyang umalis. Pumara ako ng taxi at dali daling pumasok dito. Ngunit nagdadalawang isip pa akong puntahan si Rence para narin, pero ano naman ang excuse ko? tiyak pagtatawanan lang ako ng lalaking yun!

" Ateneo daw po Manong!" saad ko.

Nagmaneho na si Manong papuntang school, pagdating ko naman dun ay nakita ko si Lizie at Denver na magkasama. Mukhang tinatanong ni Denver kung saan ako dahil umiling si Lizie.

" Babe! Liz!" bati ko sakanila bago tuluyang ilingkis ang mga kamay ko sa braso ni Den. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Lizie at ni Den.

" andito lang naman pala ang hinahanap mo e!" wika ni Lizie.

" Akala ko ay di ka na papasok sa susunod mong klase, Nakauwi na ba ang ninong mo?" Tumango naman ako bilang pagsagot. Napansin ko naman ang sinesearch ni Lizie sa Cellphone niya.

"Anong meron Liz?"

" Magrerelease daw ng bagong single ang Lullaby at Silhoutte. Sikat na sikat na talaga si Belle at Dobi ano?" puna nito. Oo nga! sikat nga pero ang gulo naman ng lovelife. Epal na Yoora at epal na Carlos Miguel kasi.

"Rinig ko ngang pinag usapan nila kuya sa phone, he's busy narin. "

matapos ng maikling pag uusap namin nila Lizie ay kaagad na rin kaming nagtungo sa classroom. Muli ay nag-aral na naman ako ngunit kahit nandito ako at nakikinig sa turo ng prof namin ay lutang pa rin ako.

Mommy is pregnant, at excited na akong magkaroon ulit ng kapatid dahil malaki na si Amber.

Stacie is still missing at wala manlang mahanap na butas ang mga pulis, ni walang suspek na maituro! Saan kaya nila dinala si Stacie?

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon